TYRAENE ALAIRE POV'
"RAE! RAE! RAE! How many times that I told you that tempered your anger!" Napairap ako kay Cyan. Nandito kami sa PR naming mga Prince (Private Room). Dalawa ang PR (Private Room) dito sa De Royal. Ito at yung sa 5D. Hindi ko alam kung bakit kami may ganto. Pero ayos nadin! Nakakapag imagine ako nang kung ano ano kapag andito ako. Lalo na pag mag isa ako? Hehehehehe!
Kanina pa ako tinatalakan ni Cyan, hindi lang naman ngayon yan ganyan. Basta kapag may nagawa akong hindi nya nagustuhan ay agad itong magagalit sa akin at papangaralan ako na parang anak nya. Tsk, kawawa naman ang magiging anak ni Cyan, mukhang matatali lang ito sa bahay.
Daig nya pa si Miss Minchin este Miss Menchie sa kaingayan. Minsan naiisip ng imaginasyon ko na mag ina silang dalawa, kaya lang napunta si Cyan kay Mr. and Mrs. Kim dahil pinaampon ni Miss Minchin si Cyan. At ang totoo ay hindi matandang dalaga si Miss Minchin dahil may anak ito sa pag kadalaga. Gets nyo? Ako hindi rin, eh!
Tapos nalaman ni Cyan na ampon lang sya ni Mr. and Mrs. Kim, kaya sinekreto nya sa aming mag kakaibigan, sa buong De Royal, at sa buong mundo ang pag katao nya. Tapos nag kikita sila ni Miss Minchin na parang may secret relationship sa likod ng Old Building sa dulo.
Totoo kaya yung imaginasyon ko? Matanong kaya si Cyan? Baka tama ang hinala ko, para makapag tapat narin si Cyan sa amin, hmp! Bakit ba kasi sya nahihiya sa amin? Nakita ko nga yung putotoy nyang maliit nung nag tuli kami, eh.
Inangat ko ang tingin ko kay Cyan. Pinakunutan ko sya ng nuo. Napataas naman ang kanyang kilay. "What now, Rae?! Nakikinig kaba sa mga sinasabi ko?!" Iritang saad nito. Lalo ko syang pinag katitigan, pinatingkitan ko ang mata ko bago tumayo at nilapit ang aking mata sakanyang mukha.
"Cyan, I know you very well, pero hindi ang pag katao mo, umamin kanga sa akin, alam mo ba na ampon ka ni Mr. and Mrs. Kim?" Naniningkit na saad ko. Napataas naman ang dalawang kilay ni Cyan. Napalingon din sa amin si Rhapsody na ngayon ay nag sasalamin habang nag sasalita rito na 'Ang gwapo ko talaga'. Malay nyo kasi diba? Baka hindi ko talaga pinsan itong si Cyan? WHAAAAAAAAAA!!
"What are you saying, Pre? You are really crazy." Pailing iling na saad ni Cyan napahampas pasya sa nuo nya. Tiningnan ko sya ng nag tataka. "Hindi ba ako tama Cyan? Parehas kasi kayo ng attitude ni Miss Minchin este Miss Menchie, eh." Natatawang saad ko. Narinig ko ang malakas na pag tawa ni Rhapsody.
"Mukha nga silang mag ina, Pre! Hahaha ayaw mo nun may nanay kang magaling na Prof? Buti pa ako gwapo!" Napairap ako nung isingit nanaman ni Rhapsody ang salita nya. "Joke bayan, Pre?" Nag tataka kung saad sakanya, nginiwian nya naman ako, nawala ang ngisi nito sa labi sabay irap.
"Bahala nga kayo! Basta ang gwapo ko!" Saad nito bago kinuha yung Chips sa gilid at humagipgip nalang habang nanood ng Tv. Tumingin ako kay Cyan na ngayon ay abala na sa libro nya. Mukhang pinag tatakpan nya ang lihim, nya ha? Siguro hindi pa sya handa?
Hayz, buti ako hindi ko kinakahiya ang magulang kung hehe.
"Cyan, kapag handa kana, ha? Ako ang unang makaka alam, ha?" Bulong ko kay Cyan nung makalapit ako sakanya. Tiningnan nya ako ng masama. "Alam your ass, Rae!" Inis na saad sa akin ni Cyan bago ito umirap at tumingin sa libro.
"Bastos." Saad ko sabay nguso. Lumayo ako sakanya at umopo sa isang couch sa gilid. Nag cross arms ako habang ngumunguso. Tiningnan ko si Cyan, napangiti ako nung maalalang hindi nya na ako tinatalakan na parang bata.
Ang galing ko talagang mag change topic, haha!
Sumandal ako sa Couch na parang Don, nag padikwatro pa ako ng panlalaki. "Hehe." Mahinang tawa ko nung makaramdam ako ng comportable sa upuan. Napatingin sa akin yung dalawa sabay iling kung kayat napanguso ako.
BINABASA MO ANG
Cre'scent Moon (The Rank Series #1)
AcciónTyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl? Mag kakagusto ba sakanya ang babaeng cold hearted na kahit anong expression ay wala? Mag kakagusto b...