CSM POV'
NAALIMPUNGATAN ako nung may marinig akong nag uusap sa gilid. Hindi ako gumalaw o nag mulat ng mata. Nakiramdam lang ako kung ano ang pinag uusapan nila at kung ano ang ginagawa nila sa kwarto na ito.
Langya, bakit ba kasi may tao sa kwarto na ito? At bakit ako na sa kwarto na ito? Tsk. Yung sumabog nga pala. Kailangan ko pang mag himatay himatay para kunwaring na puruhan ako. Pero langya, napuruhan talaga ako.
May tama ako ng baril sa kanang balikat, eh. Tsk. Buti sa balikat lang, tsk. Langya, talaga oh. Nagugutom na ako, gusto ko nang Pizza.
"Is she ok Doc?" Narinig ko ang pamilyar na Boses. Langya, ano namang ginagawa ni Tukmol dito? Tsk. Ayoko panamang makita ang isang ito. Iniingles ako. Sumasakit lang ulo ko sakanya kapag nakikita ko sya, eh. "She's ok, Doc Enzo, Stable naman ang pasyente, kaano ano nyo pala ang pasyente Doc?" Kinikilig na saad nung babaeng Doctor.
Langya. Bakit pati doctor ay kinikilig sa isang ito? Baka hindi nya alam ang mga pinag gagawa nito sa akin. Tsk. Subukan nya lang sabihin kung ano ako sakanya baka pugutan ko sya ng leeg. Langya, makaka patay pa ako ng Engkanto ng de oras.
"She is one of the women I value, in short she is special to me." Kahit hindi ko nakikita ang reaksyon ng mukha ni Tukmol, sigurado akong nakangiti ito na parang timang. "G-ganon po ba Doc?" Desmiyadong saad nung babaeng doctor na nag check sa akin.
"Yes." Yun nalang ang narinig ko sa usapan nila at sumonod ang pag sara ng pinto. Langya. Ang kapal talaga ng tukmol na ito. Sabihan panaman akong special sakanya. Ano yun special child ako para sakanya?
Langya, ang dami talagang bago na hindi ko alam.
Napamulat ako ng mata nung may nag lagay ng balat ng dalandan sa ilong ko. Sinamaan ko ng tingin ang natawang si Tukmol. "HAHAHA effect parin!" Humawak pa ito sa tyan nya bago tumawa ng walang bukas.
Tiningnan ko lang sya ng walang expresyon. "Ano namang nakakatawa?" Seryosong saad ko. Tinuro ni Tukmol ang mukha ko habang natawa. "Lumalaki kasi ang butas ng ilong mo kapag nilalagyan ko ng balat ng dalandan HAHAHA!" Nandoon parin ang accent nya na parang hindi lumaki dito sa pilipinas. Nakapoker face lang ako habang nakatingin sakanya.
Langya, alam nya na ngang ayaw ko nang amoy ng Dalandan. Pinaamoy nya pa tsk. Luko loko talaga ito, eh. Sya yata ang special child hindi ako.
"Tapos kana?" Saad ko habang sya ay nag hahabol ng hininga habang naka hawak sa puso nya. Sunod sunod syang tumango habang may ngiti sa labi. "Yes my sweet, namiss lang kita kaya ko yun ginawa." Napataas ang kilay ko nung sabihin nya yun.
Baliw talaga ang isang ito. Namiss nya daw ako kaya nya ginawa yun? Langya, mas malala pa yata ito kay Imagination Boy, eh. Kung yun sabog at lutang lang ito baliw na tukmol na.
Langya, asan na kaya yun? Buhay pa kaya ang isang yun?
"My sweet, hindi mo man lang ba sasabihing, I miss you too sweetheart." Ngiting ngiti na saad nya na animong nang aasar. Tinaasan ko sya ng kilay. "Asa." Saad ko sabay higa.
"You know my sweet kailangan mong maging mabait sa akin." Nakangiting saad nito. Nginiwian ko naman sya ng puno ng kasarkastikahan. "Talaga? Asa kanaman." Pinikit ko ang mata ko dahil ayokong makita ang mukha ng isang ito.
Tsk. Baka pag kamalan nanaman akong assistant nya kapag dumikit dikit ako sakanya. Langya, mukha ba akong alila ng Tukmol na ito? Janettress ayos pa, marangal yun pero yung alila o katulong ng Tukmol na ito.
Langya, baka makasakal ako ng de oras kapag marinig ko yun.
"Talaga asa kanaman." Ginaya nya ang sinabi ko pero sa ibang tuno. Parang bata ang pag kasabi nya. Isip bata nga kamo. "Tsk." Singhal ko pero tinawaan nya ako. Langya, lakas talaga ng tama ng Tukmol na ito sa akin, eh no?
BINABASA MO ANG
Cre'scent Moon (The Rank Series #1)
AcciónTyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl? Mag kakagusto ba sakanya ang babaeng cold hearted na kahit anong expression ay wala? Mag kakagusto b...