Ika-10

8.6K 218 347
                                    

CSM POV'

"Wait Csm! Csm wait!" Rinig kung sigaw ng kung sino. "King ina, may engkanto yatang tumatawag." Bulong ni Paris na kinahinto ko sa pag lalakad.  Langya, sino nga ba yon?  Engkanto yata nagagandahan din sa akin, yawa.

Kailan pa ako naging mahangin?

Tsk. Nahawa na ako sa pinsan ko.

"Girl, Csm. May natawag na gwapong may hotdog oh, hehe." Kinikilig na saad ni Wyn. Tsk, alam ko na kung sino ang tumatawag sa akin, si Lover Boy Dylan Dawson yata. "Baklaaaa! Si Adonis yata ang tumatawag sayo!" Napaka landing saad ni Shorty, pilit nyang tinatanaw kung sino nga ba ang tumatawag sa akin.

Lumingon na ako sa likod, napangiwi ako nung makita si Lover Boy Dylan Dawson na hingal na hingal na tumatakbo palapit sa gawi namin. Langya, nakita ko sya kanina na malapit lang sa amin, ha?

Bakit ngayon parang na una kaming mag lakad ng ilang metro? Langya. Ang bilis pala naming mag lakad.

Napatakip kami sa tenga nung biglang sumigaw ng napaka tinis si Breanna. "WHAAAAA! CSM IYO MANLILIGAW, DYLAAAAANNNNNN!!" Malakas na malakas na tili nito habang nag tatalon na nakatingin sa gawi ni Lover Boy Dylan.

Langya, crush na crush nya talaga ang lover boy nayon, no?

Tsk. Gwapo naman sya kung ako lang crush ko rin sya pero bawal sa amin ang mag kaidolo o mag kacrush.

Ang pwede lang naming idolohin ay yung mga mahal namin sa buhay, panginoon, at ang nakaka taas sa aming mga Ranggo. Yun lang at wala ng iba.

Kaya kung mag kagusto kami sa isang tao ay bawal padin dahil may naka takda na sa amin na kailangan naming bantayan.

Tama kayo, kaming mga babae ang kailangang mag bantay sakanila.

Siguro mag sisimula na ako sa pag babantay pag katapos kung mahanap ang pinapahanap sa amin ng kinakataas.

"Csm, nahabol din kita." Bumalik ako sa realidad nung marinig ko ang hingal na hingal na boses ni Dylan. Tiningnan ko sya ng malamlam. "Hmm?" Malambing na saad ko. Ewan ko ba kung bakit naging tunog malambing yan sa akin pero para sa akin tunog malambing talaga yan.

Langya, alien na talaga ako, eh.

Tumitig si Dylan sa mukha ko bago ngumiti ng napaka lawak. Nakatingin lang ako sa napaka puti, kinis nyang mukha. Biglang napataas ang kilay ko nung makita ko ang biloy nito na napaka lalim.

Dahan dahan akong lumapit sakanya habang nakatingin sa biloy nya. Nang makalapit ako sa kanya ay dahan dahan kung inangat ang kamay ko at nilagay sa Dimple nya. Pinindot ko yung Dimple nya, tinitingnan ko kung gaano kalalim.

Langya, ang ganda ng dimple nya. Ito pala ang biloy. Tatangong tango na saad ko sa sarili ko.

"C-csm? A-anong ginagawa mo?" Napalayo ako kay dylan nung mag salita ito. Umayos ako ng tayo at umiwas ng tingin. Narinig ko nalang ang malakas na tawa ni Wyn at Paris.

Langya, kapag na sabi nila yun baka mabitay ko sila mamaya.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAAHHAHAAHAHAHAHWHWHAHAHWHWHWHWHAHAHAHHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" -Paris

"AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-A-HA-HA-AH-AH-HA-HA-AH-AH-AH-AH-AHA-HA-HA-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AHA! AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-AH-HA-HA HA-AH-AH-AH-AHA-HA!"-Wyn

Napapikit nalang ako sa hiya nung tumawa yung dalawa na wala ng bukas. Napatingin pa sa amin yung mga Soccer Player na nag lalaro sa field. Malapit lang kami sa field kung kaya't kitang kita at rinig na rinig kami.

Cre'scent Moon (The Rank Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon