Ika-77

3K 84 187
                                    

TYRAENE POV'

"MARRY ME babe. Magiging maayos ang lahat, makaka laya kayong dalawa nang Mommy mo sa kamay ni Itim, just marry me. You will escape this scenario, just marry me babe." Napaawang ang aking labi sa nakangising saad ni Farrah sa akin. Kahit nakangisi sya ay halata ang sensinasyon sakanyang sinabi.

"A-ANAK HUWAG! D-DON'T! KAHIT ANONG MANGYARI SA AKIN HUWAG KANG PAPAYAG! PLEASE! MARAMI KANANG NA SAKRIPISYO DAHIL SA AKIN! DAHIL SA AMIN! KAYA HUWAG MO NANG ISAKRIPOSYO PA ITO! CHOICE YOUR HAPPINESS ANAK PLEASE! HUWAG NA NGAYON!" Sunod sunod na sigaw ni Mommy habang umiiling iling sa hangin. Pilit nyang inaalis ang tali sakanyang kamay at paa pero hindi nya maalis.

Kagat labi kung tiningnan si Mommy na ngayon ay halata mo ang pag hihirap. Hindi lang ulo ko ang kumikirot ngayon kung hindi ang puso ko. Nasasaktan ang puso ko ngayon na nakikita ang babaeng pinaka mahalaga din sa aking buhay na nasasaktan.

Kung totoosin mas marami si Mommy na nasakripisyo para sa akin. Para sa aming mag kakapatid kung ipag kukumpara yun sa ginawa ko dito sa pilipinas, kung ipag kukumpara ko sa ginawa ko rito sa mundo. Mas marami syang nasakripisyo sa akin unang araw palang nang pag hinga ko dito sa mundo.

Handa si Mommy na mamatay mailabas lang ako sa mundong ito. Handang mamatay ang mga nanay natin mailabas lang tayo sa mundong ito. Kaya kahit anong mangyari. Hinding hindi natin maiibabalik lahat nang perang nagastos nila sa atin. Lahat nang nasakripisyo nila sa akin.

Dahil kung totoosin. Walang makaka pag pantay na halaga sa mga na nasakripisyo nang mga nanay natin sa atin.

"MOMMY! HUWAG MONG SASAKTAN SI MOMMY!" Nag babantang saad ko sa lalaki. Nginisihan nya ako. "Hindi naman ako gagawa nun sya." Nakangising saad ni Dylan sabay hila kay Mommy palabas.

"ANAK PLEASE! HUWAG M-MO NA MUNANG PILIIN ANG IBA! S-SARILI MO NAMAN PLEASE!" Humahagulgol na iyak ni Mommy bago sya hinila palabas nang kwarto. Tiningnan ko nang masama si Farrah na ngayon ay nag kibit balikat na kumakain na berdeng mansanas.

"PAG MAY MANGYARING MASAMA SA MOMMY KO! HINDI AKO MAG DADALAWANG ISIP NA PATAYIN KA!" Malakas na sigaw ko kay Farrah habang ang aking mga kamay ay nakakuyom ang kamao. Ang sama sama nang tingin ko sakanya pero parang wala lang sakanya yun.

Humila sya nang upuan sa gilid bago tiningnan ako nang nakangisi. "Paano mo naman yun magagawa? Nakatali ka babe. Nakatali ka." Nakangising saad ni Farrah habang kumakagat sa berdeng mansanas. Mas lalo kung kinuyom ang aking kamao.

"ANO BANG KAILANGAN MO?! HA?! BAKIT AKO NANDITO?! ASAN BA KAMI NI MOMMY?!" Malakas na sigaw ko kay Farrah. Pilit ko pading hinahatak ang tali. Hindi ako gumagalaw kapag nakakaramdam ako nang sakit.

Nag kibit balikat si Farrah muli. Mukhang wala lang sakanya ang lahat. Parang wala lang sakanya lahat nang bagay na nangyayari ngayon. Parang wala lang sakanya ang buhay kung sakaling may mawalang buhay ngayong araw. Wala lang sakanya ang lahat nang yun.

"Asan kanga ba?" Nakita ko ang pag tingin ni Farrah sa kung saan kaya sinundan ko ang tingin nya. Nakita ko ang isang bintana na naka sara at tanging kakapiranggot lang na butas ang naka bukas. Naniningkit ang mata ko habang tinititigan ang butas.

Agad na naging klaro sa aking mata nang makita ko ang silaw nang liwanag na halata na galing yun sa sinag ni haring araw. "Nandito kalang naman sa isang isla ko." Nakangiting saad ni Farrah sa akin.

Mas lalo ko syang sinamaan nang tingin. "Ikaw?! Ikaw talaga ang may kagagawan nang lahat nang ito?! Ikaw yung na sunod sa akin?! Ha?!" Malakas na sigaw ko habang ang tingin ko sakanya ay nandidiri.

Napatahimik ako nang bigla syang tumawa nang malakas. "Relax hindi ako ang may kagagawan nun tutal nga niligtas pa kita eh." Humahagakhak na saad ni Farrah. Agad ko syang sininghalan sa kanyang sinabi.

Cre'scent Moon (The Rank Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon