CSM POV'
"I MISSED YOU Sam." Naramdaman ko ang biglang paninikip nang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang nasa kanyang bisig. Ramdam ko ang pangangatog nang aking paa.
Kagat labi akong nakatulala sa isang poste habang hindi alam ang gagawin. Parang naninigas ang buo kung katawan, hindi ako makagalaw. B-Bakit ganoon? Kahinaan ko padin ang y-yakap nya. T-Tsk.
Napaupo ako sa sahig nang biglang may humila sakanya. Napaawang ang aking labi nang makita si Imagination boy na biglang tinulak sya. Halos hindi ako makapaniwalang nakatingin sakanilang dalawa.
"The hell." Singhal nya nang mapaupo sa sahig. Inangat nya ang kanyang tingin at nagulat nang makita si Imagination boy. "T-Tyraene?" Gulat nitong saad nang makita si Imagination boy na nakatingin sakanya. Malamig ang mga tingin nito sakanya habang ang kanyang kamay ay nakakuyom.
Hindi ko nanaman makilala si Imagination boy ngayon. Hindi ko nanaman sya kilala. Ibang tao nanaman ang Imagination boy na nasa harap ko. Ibang iba sya sa nakilala ko. N-Nag babago sya. Nag babago sya dahil sa akin.
"How did you meet Csm? And what do you say you miss him?" Mariing saad ni Imagination boy sakanya. Nakita ko ang pag buntong hininga nya sabay tayo. Tiningnan nya nang buong tamang si Imagination Boy. "You are out of our conversation Tyraene, she's just your classmate, so leave or pumasok kanalang sa bahay." Mabilis na tugon nito kay Imagination Boy.
Nakita ko ang hindi makapaniwalang mukha ni Imagination boy habang nakatingin sakanya. Tinalikodan nya si Imagination boy bago tumingin sa akin. Gusto kung tumayo. Gusto kung tumayo sa sarili ko pero hindi ko magawa.
Ako nanaman yung Cre'scent moon na mahina. Ako nanaman si Cre'scent moon na walang alam gawin kung hindi tumingin at mag patyag. Ako nanaman ito. Ako nanaman ang mahinang bersyon ni Csm.
B-Bakit pa kasi bumalik si Cre'scent moon?
Bakit paba kasi sila bumabalik pag katapos nang lahat nang ginawa niya? Bakit paba kasi sila bumabalik kung hindi ko naman na sya kailangan? I'm happy na. Masaya na ako. P-Pero bakit na sisira nanaman?
Because this is my plan? Ito ang plano ko? Ang mapalaya ang sarili ko sa lahat? I-Ito naba yun? Is this the chapter of my start? Hanggang ilang chapter paba ang mauubos ko para maging malaya ako sa lahat nang kasinungalingan?
Siguro kailangan ko nang tanggalin lahat nang kasinungalingan. Dahil yun ang pinaka ayaw ko. Sana maging malakas ako ngayon na harapin ang plano ko na matagal ko nang pilit sinisimulan.
Lalapit na sana sya sa akin pero muling napaawang ang aking labi nang bigla syang hilahin ni Imagination boy at muling sinuntok. "She's my what?" Sarkastikang saad ni Imagination boy. Napaka lamig nang tingin nya kaya mas lalo akong natakot.
Nag kibit balikat sya habang nakatingin kay Imagination Boy. "I'm correct right? Kaklase kalang nya." Hindi ko alam kung bakit bigla nyang diniinan ang pag kakasabi nang salitang kaklase. Nagulat ako nang biglang kinuyom ni Imagination boy ang kanyang kamao bago mabilis na sinuntok ang kaharap nya.
Mabilis akong napatayo nang bumaksak sya sa lupa. Patakbo akong lumapit sakanya na hindi alam ang gagawin. Umopo ako sa lupa bago hinawakan ang kanyang braso. "A-Ayos kalang?" Kinakabahang saad ko sakanya.
Nakita ko ang pag pungay nang kanyang mata nang tumingin sa akin. Parang hindi nya inaasahan ang ginawa ko ngayon sakanya. Parang hindi nya inasahan ang ginagawa ko ngayon dahil ilang beses ko rin syang tinakbuhan at pinag tabuyan.
Kahit ako. Kahit ako ay hindi ko narin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko ngayon. Hindi ko na alam kung bakit parang ganto kasaya ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganto ang puso ko kakaba nang makita sya.
BINABASA MO ANG
Cre'scent Moon (The Rank Series #1)
ActionTyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl? Mag kakagusto ba sakanya ang babaeng cold hearted na kahit anong expression ay wala? Mag kakagusto b...