Ika-23

4K 143 200
                                    

"LABIDAB BAKIT KA NAWALA kahapon?" Parang batang saad ni Lover Boy. Humingab naman ako sabay unat. Ang dami kung ginawa kagabi. Langya naman kasi bakit kasi bigla bigla nalang silang nag papatawag ng di oras, eh. Tsk. "Tapos bakit antok na antok kapa?" Nakanguso muli nitong saad.

Tiningnan ko nang pagod na pagod si Lover Boy. Parang may kung anong bagay ang nag refresh sa akin nung bigla nitong hawakan ang kamay ko. "Hindi na ako mangungulit Csm." Ngumiti ito ng tipid na ikinangiti ko rin.

Parang nawala ang pagod ko nung hilutin ni Lover Boy ang kamay ko. May kung anong bagay ang nasa loob ko ang gumiginha kapag kasama ko si Lover Boy. Langya.

Ayokong pumasok nanaman sa relasyon ng nasa isip nyo. Tsk.

"Baklaaaaaa! Puro kayo landi tara na!!! Malapit na ang Free week! Kailangan na natin mag practice!" Matinis na saad ni Shorty sa amin. Napangiwi naman ako. May ilang kasing napatingin sa amin dahil sa sigaw nito. Langya.

Issue nanaman ito. Tsk.

Inagaw ko ang kamay ko kay Lover Boy bago tumayo. Pumunta ako kay Paris. "Pst, ikaw muna tumogtog tinatamad ako." Walang ganang saad ko kay Paris sabay higab.

Napataas naman ang kilay nya. "Ilang oras Csm?" Nag tatakang saad nito. Tiningnan ko ang relo ko. "28 hrs." Walang ganang saad ko habang nakatingin sa remote ko na ngayon ay naging relo.

Sunod sunod naman itong tumango. "Halos isang araw kanang hindi natutulog no? Sige ako bahala kay Shorty." Kamot ulong saad nito. Nakangiwi nalang akong tumango.

Nag simula na akong mag lakad. Nakaka ilang hakbang palang ako nung may humawak sa kamay ko. "Csm saan ka pupunta?" Parang batang saad ni Lover boy.

Napabuntong hininga naman ako. Anong sasabihin ko? Tsk. Ayoko panamang mag sinungaling Langya. Hindi ko kayang mag sinungaling sakanya. Tsk.

"Dyan dyan lang." Kibit balikat na saad ko kay Lover Boy. Napabuga naman ito sa hangin. "Hindi ako pwedeng sumama?" Nag babakasakaling saad nito. Tiningnan ko naman sya bago bumuntong hininga.

"May tugtog kaba?" Walang ganang saad ko. Nakita ko ang pag ngiti nito. "W-wala! Pwede akong sumama?!" Ngiting ngiti na saad nito.

"Tsk." Singhal ko kay Lover boy bago hinila sya palabas. "Hoyyyy Csm! Baklaaaa! Saan naman kayo pupunta?!" Rinig kung sigaw ni Shorty. Hindi ko sya pinansin dahil si Paris na daw ang bahala.

"King ina bakla hayaan mo nayan, wala namang tulong yang dalawang yan, king ina pabigat lang yan kaya tara na tumogt-----KING INA DEBRIS BAKIT MO PINUTOL YUNG STICK?!" Natawa ako nung marinig ang bulyaw ni Paris.

Langya. Kung kagaya ni Paris ang leader nyo sure akong tino kayo tsk.

"Csm saan kaba pupunta?" Sasagutin ko na sana si Lover boy nung mapahinto ako sa pag lalakad. Napataas ang kilay ko nung makita si Imagination boy sa harap namin ni Lover Boy.

Mukhang papasok ito sa loob ng Music room. May dala itong limang box ng Pizza sa kamay nya. Nang mag tama ang mata namin ni Imagination boy ay nakita ko ang busangot ng mukha nito.

Lalong bumusangot ang mukha ni Imagination boy nung makita nya si Lover boy na naka hawak sa kamay ko. "Tsk." Inis na singhal nito at tumaan sa kamay naming mag kahawak.

Nang makadaan si Imagination boy sa gitna namin ni lover boy ay napa bitaw ang mag kahawak na kamay namin ni Lover boy. Napangiwi ako sa inasta nito tsk.

Langya. Nakakahiya naman sa daanan sa gilid. Required ba talaga na sa gitna pa dumaan kahit may daanan naman sa gilid?

"Ano bang problema mo Rae?" Inis na saad ni Lover boy nung makadaan si Imagination boy sa gitna namin. Inis namang lumingon si Imagination boy kay Lover boy. "Wala, wala akong problema." Iritang saad nito sa akin. Nakita kung lumingon ito sa akin bago kay Lover boy.

Cre'scent Moon (The Rank Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon