01

25 2 0
                                    

//tw// blood, killings

so kung sensitive ka at matatakutin. I recommend na 'wag mo nalang basahin yung libro na 'to :)

CHOI SEUNGCHEOL

"Hyung naman eh!" pangungulit sa akin ni Dino, hindi ko nalang siya pinansin at saka tuluyan ng lumabas kasama si Hoshi at Seungkwan papunta sa grocery store.

"Ah kawawa hindi sinama" pang aasar ng dalawa, nakita ko namang paiyak na si Dino. 

Tumawa nalang kami at saka dumiretso na sa grocery store para mamili ng mga kulang naming stock. Bwesit kasi si Jeonghan puro mga skin care sa watson yung pinagbibili!

Nang makarating na kami sa grocery store ay nakita ko na abot langit ang ngiti ni Hoshi ngayon. Sinundan ko ang tingin niya na makita kong nakatingin niya sa babae na nasa beverage section.

Mabilis siyang tumakbo at naiwan kami dito ni Seungkwan sa meat section. Tiningnan ko naman si Seungkwan na parang gulat na gulat sa nakita niya.

Hindi ako makapaniwala na may girlfriend na pala ang  kaisa-isa naming tigre ngayon. Kumekerengkeng na ang isang Kwon Soonyoung.

"Hyung girlfriend niya?" tanong sa akin ni Seungkwan.

"Oo ata?" 

Umiling iling nalang ako at saka kumuha ng ilang karne sa meat section bago kami pumunta sa kabilang section which is the beverage section.

"Hoy hamster umayos ka nga diyan!" iritang sabi ni Seungkwan.

"Girlfriend mo Hosh?" nagtataka kong tanong sa kanya, nakita ko namang nag iba ang timpla ni Hoshi sa tanong ko. 

"Kaibigan ko lang siya" simple niyang sagot.

"Hi! I'm Amalia Kane" pagpapakilala ng kaibigan ni Hoshi, ngumiti nalang ako sa kanya at nagpakilala rin.

Bigla akong nakaramdam ng bigat sa pakiramdam ko nang makita ko sa malapitan si Amalia. Kakaiba siya tingnan, hindi ko matukoy kung ano. Basta bigla ako nakaramdam ng takot sa kanya.

Ang weird pero bakit biglang nagsisipag tayuan yung mga balahibo ko sa braso at binti ko. Nag iba ang simoy ng hangin dito.

Guni guni ko lang 'to Seungcheol. Mukha namang mabait siya kaya ayos lang siguro.

"Sis anong gamit mong skin care?" tanong ni Seungkwan kay Amalia habang sinusuri ang mukha nito.

"W-wala akong skin care na ginagamit" mukhang hindi siya komportable, halata sa mukha niya na nahihiya siya kay Seungkwan.

"Amalia, gusto mong pumunta sa bahay namin mamayang gabi?" masiglang tanong ni Hoshi, napakunot naman ang noo ko sa tinanong niya sa babae.

Ang kapal ng hamster na 'to, hindi na nahiya doon sa mga nakatira. Makalat na nga sa bahay tapos ipapakita pa niya 'yon? No way! Nakakahiya kaya.

Papalag na sana ako nang mag salita si Amalia "Uhm sige" she smiled at Hoshi, napabuntong hininga ako at kumuha ng ilang mga inumin.

Naghiwalay na kami ng landas. Marami pa akong bibilhin para sa mga bata doon sa bahay. Salamat nalang at pinahiram kami ni Minghao ng wallet niya.

Kumuha na ako ng mga importanteng pagkain at mga gagamitin namin para sa inuman. Nanalo ang team nila Dino sa basketball kaya naisipan namin mag inuman as a celebration.

Unknown BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon