03

17 2 0
                                    

JOSHUA HONG

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko, braso lang pala ni Seokmin. Ang bigat grabe!

Dahan dahan kong tinanggal yung pagkakapatong ng braso niya para hindi siya magising.

Agad akong tumayo at saka dumiretso sa kusina, nakita kong nagluluto na ng agahan si Mingyu. Suot suot pa niya yung spaghetti na design niyang apron na hiniram lang kay Pareng Yunho.

Sumunod na rin sa pagbaba yung iba hanggang sa mapuno na kami dito sa kusina. Nag hain na yung maknae line ng agahan namin at saka nag simula ng kumain.

Napapansin kong wala si Jeonghan sa pwesto niya. Tulog pa rin ba siya? Kapag nagluluto si Mingyu panigurado akong tatayo 'yon kahit tinatamad siya.

Pati si Seungcheol wala rin sa pwesto niya. Simula nung lumabas siya ng bahay para hanapin si Hoshi ay hindi na siya nakauwi. Ano nabang nangyari sa kanila.

"Hyung, nakita niyo ba yung dalawang magkalandian?" napalingon ako nang mag salita si Dino.

"Oo nga ano? Kagabi pa silang wala" singit ni Jun.

"Baka pumunta na sila sa Sogo?" pagbibiro ni Seungkwan, sinamaan nalang namin siya ng tingin.

Ano na bang nangyari sa kanilang dalawa. Lahat kami dito ay nag aalala na dahil hanggang ngayon hindi pa sila umuuwi!

"Tawagan niyo kaya?" sambit ni Vernon, nag dial ako ng number ni Jeonghan nang biglang mag vibrate yung lamesa namin.

"Siguro mas ginusto niyang dalhin yung kutsara kaysa sa cellphone niya" sabi ni Hoshi.

Umiling iling ako at saka tinawagan naman ang number ni Seungcheol. Nag ri-ring ito! Baka nga pauwi na siya at kasama si Jeonghan.

"Hello?" napakunot ang noo ko nang marinig naming ibang boses ang sumagot. Ngayon lang namin napagtanto na boses pala iyon ni Seokmin!

"Pota bakit nasa sayo yung cellphone ni Cheol Hyung?" sabi ni Jun.

Nag kibit balikat nalang si Seokmin "Hindi ko alam eh" simple niyang sagot.

"Wala naman tayong ginawang mali para lumayas sila diba?" tanong ni Dino, tumango tango naman kami.

"Alam niyo ba kung saan sila pwedeng pumunta?" singit ko, natahimik ang kusina nang mag tanong ako.

Sana pala hindi nalang ako nag tanong 'no? Nag mukha pa akong bida bida dito.

"Wala naman silang lugar na pupuntahan dahil hindi naman sila ganoon ka-gala" sambit ni Minghao " 'Di tulad ni Hoshi hyung, kung saan saan na sumusulpot" dagdag niya na dahilan na mapatawa kaming lahat maliban kay Hoshi.

Kumain nalang kami at saka nag isip isip kung paano namin hahanapin ang dalawa.

Lalong bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing iniisip ko silang dalawa. Nag aalala naman ako sa mga kasamahan ko pero nagiging kakaiba na yung pakiramdam ko ngayon.

Para bang nakakaramdam ako ng takot. Hindi ko naman sa sinasabi na may mangyayaring masama sa kanilang dalawa, parang ano lang kasi basta hindi ko maipaliwanag.

Matagal naman na kaming nakatira dito, halos anim na taon na kaming tumira dito ng sama-sama pero bakit nag iba yung simoy ng hangin rito sa village.

Unknown BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon