XU MINGHAO
Tahimik lang akong umiinom ng tsaa sa bakuran namin habang imaantay ang dalawa na makauwi.
Mukhang napatagal ata yung pamimili nila sa grocery kaya inabot na sila ng isang oras.
Babalik na sana muli ako sa loob ng bahay ng makita ko si Mingyu sa gilid ng mail box at nakatayo doon. Agad naman akong pumunta sa gilid niya.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya.
"Nakaupo ata" pilosopo amputa.
"Kasama mo ba si Woozi hyung?" tanong ko muli sa kanya, umiling iling siya "Hindi!? Bakit mo naman siya iniwan!" hindi ko naman sinasadyang mapataas yung boses ko, nagulat lang ako.
"Sinabi niya sa akin na mauna na ako dahil may kukunin pa siya eh, sabi ko aantayin ko siya pero 'wag na daw" sagot niya.
Aba? Akala ko ba walang iwanan? Hinabol ba kayo ng asong dugyot kaya naiwan mo si Woozi hyung. Alam mo namang hindi kahabaan ang binti n'on, bakit hindi mo binuhat!?
May nangyayari na ngang masama sa atin at nagawa mo pa siyang iwan. Dapat nag pumilit ka dahil sinabi natin sa isa't isa na walang iwanan at kailangan magpakatatag.
Pero nasaan na? Nasa talampakan naba?
"Tangina naman eh" inis kong sabi at napasabunot sa sarili ko.
Dumiretso na ako sa loob ng bahay. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin papasok.
Blanko lang ang mukha niya samantalang ako ay inis na inis na.
Kaming lahat! Isa isa ng nawawala. Mga plano lahat palpak! Walang matino.
Paano na kami makukumpleto nito!?
Next week na ang pasukan namin after ng summer break at eto kami ngayon na namomoblema na.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon at tanging galit at inis ang nararamdaman ko simula nung nawala si Jun hyung.
I tried to meditate pero wala pa ring tabla. Gusto ko ng makita muli si Jun hyung at mayakap, kasama na rito ang iba pang hyungs.
Gusto ko na ring makipaginuman sa kanila at marinig muli ang sigaw ni Soonyoung na abot sa kabilang kalye ang boses.
Naramdaman ko ang mainit na likido na tumutulo mula sa pisngi ko. Agad ko itong pinunasan at lumabas muli ng bahay.
Bahala kayo diyan sa loob magbardagulan uli.
Dumiretso ako sa malapit na parke rito. Nilalanghap ang malamig na hangin kasabay ang mga ingay ng mga bata rito, yung tawanan at hagikgik nila habang naglalaro.
Parang gusto ko na rin bumalik sa pagbata at bumalik sa China. Nais ko rin bumalik roon kaso tanging negosyo lang ang iniisip ng pamilya ko roon kaya nagdesisyon akong tumira kasama ng tropapits ko.
Naging masaya naman ang pagsasama namin. Sa loob ng anim na taon ay hindi pa rin kami nagkawatak watak.
Simula lang nung nawala si Seungcheol hyung ay sumunod na rin si Jeonghan hyung hanggang sa unti unti nalang kaming nawawala.
Kami pa lang ang naitala rito sa loob ng baryo ang nagkaroon ng kidnapping. Matanda naman na sila hyung para mawala eh.
Ang mga pulis ay handa na daw tumulong sa amin. Wala pa daw silang nahahanap na ebidensya kaya hanggang ngayon ay kumakapit nalang kami sa paniniwala.
BINABASA MO ANG
Unknown Basement
Mystery / Thriller"Dapat lang kayong mamatay" -Eowyn In which Amalia Kane killed the thirteen men one by one and she put it in a basement that she is the only one who knew about it. //WARNING// This book contains a mature scenes, it can trigger on some readers...