05

13 2 0
                                    

MOON JUNHUI

Malapit ng mag gabi at hindi pa namin nahahanap sila Seungcheol at Jeonghan hyung. Ano na bang nangyari sa kanila!?

"Tol bumalik na kaya tayo sa bahay?" sabi ko kay Hoshi na pagod na kakasigaw.

"Tara na nga, nagugutom na ako" napatawa naman ako, pati ako rin ay nagugutom na.

Bago pa naman kami bumalik sa bahay ay nag sama sama muna kami para sabay-sabay na kaming makabalik.

"One... Two... Three... Oh nasaan si Joshua hyung?" nagtatakang tanong ni Mingyu, binilang ko muli yung mga bata nang makita kong wala nga si Joahua hyung!

"Mga gago! Isa isa na tayong nawawala!" mangiyak iyak na sabi ni Seokmin, kumabog ng malakas ang dibdib ko nang mag iba ang simoy ng hangin!

Si Seungcheol hyung ay nawawala, pati si Jeonghan hyung tapos isasama pa si Joshua hyung!? Ano na bang nangyayari sa grupo namin!?

May nagawa ba kaming mali para mawala ng isa isa?

Nagbibigay naman ako ng sampung piso sa mga nanghihingi, wala rin kaming nabati na bata 'no.

"ANO NA ANG GAGAWIN NATIN!?" sigaw ni Seungkwan.

Lahat sila ay natatakot na. Ang 95 liners nawawala na, kaming 96, 97, 98 at 99 liners nalang ang natitira.

We take our responsibilities para bantayan ang dongsaengs. Kaming 96 liners ang magsisilbi muna nilang magulang habang wala pa ang 95 liners.

Mga pota yung tatlo, nag sipag walaan na. Kung saan saan na sila nag sisingit dito sa village. Hindi din sila pwedeng lumabas ng village dahil nakay Mingyu yung card ng bahay.

"Nag sisimula ng rumonda yung mga pulis" nagulat ako ng sumulpot kung saan si Wonwoo.

"Paano?" tanong ni Dino.

"Siguro babarilin yung mga bobo" pabiro kong sabi. "Tara na! Umuwi na tayo at sasapit na yung dilim" sambit ko.

Nakita ko namang lumiwanag ang mga mukha nila. Bakas sa mukha nila ang ngiti sa labi nila habang malakas pa rin ang kabog ng dibdib namin dahil sa takot.

Lahat kami ay nag hawak hawak ng kamay para wala pa sa amin ang mawawala pa. Kailangan pa naming makumpleto. Hindi masaya ang grupo namin kung wala ang 95 liners dahil sa landian nila.

Sa wakas ay naka uwi naman kami ng ligtas! Isa sa amin ay walang nagalusan pero ang puso namin? Nag dudugo na sa sobrang sakit.

Labis labis ang takot namin ngayon. Hindi naman lalayas sila ng ganito kapag hindi sila nag papaalam. Ang tanging nag paalam lang sa amin ay si Cheol hyung.

Hanggang ngayon ay wala pa rin siya! Sinabi niya lang na hahanapin niya lang si Hoshi para makumpleto pero lalong nabawasan!

Simula n'ong nawala si Cheol hyung ay sumunod si Jeonghan at Joshua hyung! Wala naman kaming sisisihin dahil wala kaming matibay na ebidensya.

Pumunta ako sa pwesto ko at saka kinuha ang cellphone ko-- teka! nawawala yung cellphone ko!

"Hoy sinong kumuha ng cellphone ko!?" sigaw ko sa kanila ng dahilan para lahat sila ay tumingin sa akin "Sabihin niyo sa'kin kung ayaw niyong maging hotdog" dagdag ko.

Ilang segundo ay umiling iling sila "Wala naman kaming pakialam sa cellphone mo kahit may chickababes pa diyan" sambit ni Hoshi at patuloy sa pag nguya ng manok.

Unknown BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon