11

7 2 0
                                    

KIM MINGYU

Buong gabi akong nagkulong dito sa kwarto ko. Hindi ko kayang lumabas at humarap sa kanila.

Ako ang dahilan kung bakit nawawala si Woozi hyung. Iniwan ko lang siya at dumiretso na dito sa bahay.

Bakit ba ang bobo mo kahit kailan Mingyu!

Paano na? Ano na ang gagawin ko para maibalik ko siya!?

Sa lahat nalang, ako yung laging may pulot dulo nito eh. Ako na ang may kasalanan.

"Hyung? Mingyu hyung" hindi ko nalang sinagot si Dino at nagtalukbong "Hyung kumain kana"

"Ayoko" sagot ko.

"Pero hyung-" i cut his words.

"Sinabing ayoko diba?" narinig ko naman ang mga yapak niya pababa ng hagdan.

Kailan pa kaya babalik si Wonwoo? Miss ko na siya.

Gusto kong ibalik ang araw na yakap yakap ko siya tuwing umaga. Kalaro siya sa videogames at kulitan namin sa loob ng araw.

I missed him.

"Kailan ka magpapakita, Wonwoo?"  bulong ko at niyakap ang unan.

Hindi matigil ang mga luha ko sa tuwing iniisip ko siya. A bond with him, taking him to a place he love and showering a love to him.

I really miss you so much.

Wala akong magagawa para mahanap ka. I'm trying to find a clue where you at. Giving my best to save and find you, with hyungs.

Ilang linggo na ang nakakalipas simula n'ong nawala ka. Simula ng hindi bumalik si Seungcheol hyung ay sumunod si Jeonghan hanggang sa paubos na kami.

Buhay ang isasakripisyo namin para lang mahanap namin kayo. Sa tuwing isa sa amin ang lumalabas ay may nawawala sa amin.

Hindi naman na sila bata para malito kung saan ang direksyon sa bahay dahil malapit lang ang bawat pasyalan dito sa baryo.

Pinunasan ko ang mga luha ko at binuksan ang cellphone ko. Larawan naming dalawa ni Wonwoo ang nasa locksreen ko.

"Kailan kaya mauulit 'to" i smiled as i remember the things we do together in the middle of snow.

"Sana makabalik kana" bulong ko habang pinipigilang humagulgol.

"Hyung nasaan si Minghao hyung?"

"Abay ewan ko sayo"

"Nasa pwet mo nagkakape"

"Maybe he's on upstairs?"

"Talaga?"

Rinig ko ang usapan ng mga bata mula sa baba. Hindi naman pumunta si Minghao sa taas, ang pagkaka-alam ko ay lumabas siya.

Teka!

Lumabas siya!

Bababa na nasa ako para puntahan si Minghao kaso naalala ko na bawal sa amin ang lumabas, pero paano pala nakalabas si Minghao ng hindi namin alam!?

Iniwan ko muna ang pass card sa kama ko at tumalon mula sa bintana. Alam kong mali ang ginagawa ko pero para sa kaibigan ko ay gagawin ko.

Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko, salamat nalang at walang galos ang braso ko. Sayang yung lotion na binigay sa akin ni Seungkwan.

Unknown BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon