CHWE HANSOL
Tirik ang araw ngayong tanghali. Kaninang umaga pa umalis si Seungkwan at ngayon ay hindi pa siya nakakauwi.
Sana ay ligtas siya sa pag uwi niya at kumpleto pa ang buhok niya.
"Hyung, ayos naba yung mga gamit mo para bukas?" tanong sa akin ni Dino.
"Oo, bakit?" nagtataka kong tanong.
Kung manghihiram siya sa akin ng gamit ay 'wag nalang. Lahat ng gamit ko doon sa campus ay nagkawalaan, putangina nung nag nakaw pati yung kumuha ng tirang turon ko.
N'ong isang buwan ay para bang nag school supplies haul ako sa dami ng nawalang gamit sa'kin. Kinutusan pa ako noon ni Cheol hyung sa dami ng binili ko.
Bakit ba, binigyan ko naman sila n'on kahit papaano eh.
"Pahiram ako nung ballpen mo kahit dalawa lang" sambit niya habang kinakalikot ang bag niya.
"Ano ka manok?" sino siya para pahiramin ko ng precious ballpen. Ang mahal kaya ng nabili ko, tig-bente isang piraso tapos ang bilis pang maubos.
"Dinosaur siguro"
"Sige nga tumahol ka diyan"
"Kailan pa tumahol ang dinosaur?"
Umiling iling ako at saka tumungo sa kusina. Kaming dalawa nalang dito ni Dino ang natitira sa bahay.
Dalawa nalang kami ang naiwan dito samantalang si Seungkwan ay nasa labas pa para tingnan yung nangyari na pinakita sa tv.
Masyado siyang concern dahil doon sa singsing na nakita niya. Halos kamukha lang din nung akin yung nasa tv.
Speaking of Seungkwan, ang tagal naman niyang bumalik dito. Nakipagchismisan paba siya kila Bebang at Marites?
Halos tatlong oras na siya at kailangan na niyang umuwi bago pang may mangyari sa kanyang masama.
"Pauwi naba siya?" bulong ko sa sarili ko.
Hindi ako mapakali hangga't hindi ko pa siya nasisilayan. Nag aalala na ako sa kanya.
Ano na kaya kung may mangyaring masama sa kanya?
Baka hindi na siya makauwi tulad ng mga hyungs namin!
Paano nalang kung magkaroon siya ng galos o 'di kaya kunin siya ng aliens?
"Oh hyung saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Dino na kasalukuyang naglilinis ng bahay.
"Susunduin si Seungkwan" simple kong sagot at nag suot na ng sapatos.
"'Wag kanang lumabas hyung, kaya na niya yung sarili niyang umuwi" ay walang ka-concern concern sa Seungkwan hyung niya? Samantalang si Seungkwan yung laging naglilinis ng sapatos niya kahit labag sa loob niya.
"Pwes ako hindi ko kayang hindi siya umuwi mag isa" sagot ko at lumabas na ng bahay.
Hindi ko alam kung saang damuhan ang tinutukoy doon sa nasabing balita dahil once in a blue moon lang ako kung lumabas ng bahay.
Malaki laki ang village dito para libutin ko mag isa at hanapin yung damuhan. Ay gagi uso pala ang gps ngayon.
Kinakapa ko lang ang bulsa ko ng maramdaman kong wala ang cellphone ko! Dumukot ko ng makuha ko lang ang isang wrapper ng yema.
Nandito pa pala yung yema wrapper na binigay sa'kin ni Mingyu hyung.
Saang bandang damuhan kasi 'yon. Maraming damuhan dito tulad ng kinatatayuan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Unknown Basement
Bí ẩn / Giật gân"Dapat lang kayong mamatay" -Eowyn In which Amalia Kane killed the thirteen men one by one and she put it in a basement that she is the only one who knew about it. //WARNING// This book contains a mature scenes, it can trigger on some readers...