02

23 2 0
                                    

YOON JEONGHAN

Malapit ng magsimula yung inuman namin dito at wala pa si Seungcheol my luvs. Paubos na yung pulutan namin tapos kulang kulang pa kami dito.

Napapansin ko rin na ang tahimik nila. Hindi katulad dati na sobrang ingay nila na halos muntik na kaming ipabarangay.

Kasalanan ba naming malakas yung boses ng Booseoksoon dito pag dating sa karaoke.

"Mga ungas nakita niyo ba si Cheol?" tanong ko sa kanila, tiningnan nila ang isa't is at umiling iling "Si Hoshi?" umiling iling uli sila.

"Yow mga gago!" isang sigaw mula sa pinto, si Hoshi

"Putaragis ka! Pinag alala mo ako" binatukan ko siya ng ke-lakas lakas, humagalpak nalang siya ng tawa "Hinahanap ka ni Cheol kanina, kung saan saan ka sumusulpot" sambit ko.

"Pinuntahan ko lang naman si Amalia" simple niyang sagot.

"Amalia?" nagtataka kong tanong.

Bagong pangalan 'yon ah. Sino ba yung Amalia na 'yon? Mukhang mas maganda naman ako kesa sa kanya.

"Girlfriend ni Hoshi" singit na sagot ni Seungkwan, biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Boo.

"TOTOO!?" hindi nila makapaniwalang sambit.

"Sabing hindi ko siya girlfriend eh!" pagmamaktol  niya sa harap namin "Kaibigan ko lang siya" dagdag niya, tumango tango nalang ako.

Malabong magka girlfriend ang isang Kwon Dalmi este Kwon Soonyoung dahil sa sabihin nalang natin na isa siyang tambutso ni Roberto tuwing may byahe, maingay.

Tatalikod na sana ako nang mapansin kong may isang multo sa likod ni Hoshi!

"Pota bakit may multo dito!?" sigaw ko at yumakap kay Joshua.

"Chill lang hyung" sambit ni Hoshi.

Nakita ko namang may isang hindi pamilyar na babae sa likod niya papasok sa pinto namin "Hello" she smiled at us.

"I'm Amalia by the way, sorry natakot kita" pilit nalang akong ngumiti sa kanya at nakipagkamay sa kanya.

Ang weird niyang tingnan, hindi naman sa ano pero sige oo weird nga siya. Hindi ko maipaliwanag basta parang kakaiba siya tingnan.

Nakakatakot yung aura niya na mag mukhang mamamatay tao na siyang tingnan.

Honest lang naman ako mag describe eh, nakakatakot talaga siyang tingnan.

"Jeonghan, Yoon Jeonghan" pagpapakilala ko.

Masaya siyang nagpakilala pa sa mga tao dito sa bahay. Binaling ko nalang yung tingin ko sa pulutan at kumain.

Nang matapos na sila doon ay dumiretso na sila dito sa sala kung saan magaganap ang inuman namin. Nag invite pa pala ng babae dito si Hoshi.

Hindi ba natatakot yung kaibigan niya dahil puro lalaki kami dito at mag isa lang siyang babae, baka kasi pag tripan nung iba 'yan lalo't mag iinuman pa kami rito.

Binuksan na ni Seokmin yung karaoke, na nagsasabing mag sisimula na kaming mag celebrate sa pagka panalo ni Dino. Walang pinagbago at maingay pa rin ang tatlo.

Tiningnan ko lang si Amalia sa gilid, mukha siyang komportable makipag usap sa 96 liners. Natatawa siguro siya sa corny jokes ni Wonwoo.

"Jeonghan hyung bakit ayaw mong tumagay? Ang lalim ng iniisip mo ah" sabi sa akin ni Dino out of nowhere.

Unknown BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon