08

10 2 0
                                    

LEE JIHOON

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Tiningnan ko ang paligid nang makita kong nakatulog na pala ako sa sala.

Tinitigan ko lang bumaba mula sa hagdan si Mingyu kasunod nito si Dino. Parang kakaiba ang ihip ng hangin ngayon.

Hindi sa nag iisip ng kung ano ano, parang nararamdaman ko lang na may nabawasan na naman sa amin, pero mukhang malabo na 'yon mangyari. Nag usap usap na kaming walang lalabas sa amin hangga't 'di nagpapaalam.

Pumunta ako sa pinto ng bahay para magpahangin. 'Di naman ako lumabas dahil nakatapak pa ako ng pinto ng bahay namin.

Nilalanghap ko lang ang malamig na simoy ng hangin dito at nililibot ang tingin. Napako ang tingin ko ng makita kong may bahid ng dugo ang damo dito.

"Dugo?" bulong ko, dahan dahan akong lumapit doon ng makita kong dugo nga ang nandoon.

Sino na naman ba yung bwakangshit ang nagkatay ng manok dito!?

"Woozi hyung, what are you doing there?" tanong sa akin ni Vernon.

"Tumatambay lang" sagot ko, ramdam ko ang mga yapak niya dahil sa mga damong naririnig ko.

"What is that?" tanong niya muli. Ay hindi paba halata yung nakikita mong dugo sa damo?

"Dugo" simple kong sabi.

Hindi nalang siya sumagot at bumalik na sa loob ng bahay. Sumunod na rin ako dahil gutom na gutom na ako, sana naman ay nakaluto na si Mingyu.

Nang makapasok na ako sa bahay ay nakita ko silang nagbibilang na. Gumawa na rin kami ng routine na kada araw ay kailangan naming magbilang para makumpleto na kami.

"Ok hyungs from one to eight" sambit ni Dino na parang siya ang leader sa isang group dance.

Sinimulan na naming magbilang hanggang sa huminto sa numero pito. Walo dapat ang nandito at hindi pito!

"Guggong kailangan nating magbilang papuntang langit mga tanga kayo" singit ni Minghao.

"Ulit!" nag bilang muli kami ng mahinto muli sa pito.

Trese.

Dose.

Onse.

Dies.

Nuebe.

Ocho.

Isa isa na kaming nauubos, ano na ang gagawin namin?

"Wonwoo?" rinig ko ang boses ni Mingyu mula sa kusina, hinanap ko rin si Wonwoo ng makita kong wala siya rito sa sala!

"Nawawala rin si Wonwoo hyung!?" napataas ang boses ni Seokmin.

Tumahimik ang paligid ng napagtanto ng lahat na nawawala talaga si Wonwoo. Anim na ang nawawala sa amin at pito nalang ang natitira rito sa amin ng ligtas.

"Ano?"

"May naisip kayo?"

"Grocery"

"Hanapin na kaya natin?"

"Pagkain"

"We should drink water everyday"

"Hyung patulong sa assignment ko"

"Tanga paano kung nawala yung isa sa atin?"

Unknown BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon