KWON SOONYOUNG
Nagising ako ng tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Kung sino man ang nag bukas ng kurtina, maging hotdog sana.
Bumangon nalang ako sa kama at bumaba para kumain. Mula rito sa taas ay naamoy ko na yung luto ni Mingyu, siya lang naman kasi ang nakatoka rito para mag luto araw araw.
Lumingon ako sa sofa ng makita kong wala pa si Junhui bansot. Araw araw sa tuwing bumabangon ako ay nakikita ko na siyang nakahilata sa sofa habang naglalaro sa cellphone niya.
Speaking of cellphone nahanap na niya ba 'yon? Lahat kami ay nakatulog na sa sobrang pagod kaya hindi na namin alam kung naka uwi naba siya ng ligtas.
"Mingyu, nakita mo nabang nakauwi na ng ligtas si Jun?" tanong ko habang humihigop ng kape.
"Hindi, ikaw ba?" hala bobo.
"Nagtanong ako sayo dahil nagbabakasakali ako na alam mo tapos ako naman tatanungin mo? Yung totoo may utak ka paba?" pabiro kong sabi, nakita ko namang umiling iling siya at napakamot sa ulo niya.
Patuloy nalang ako sa paginom ng kape hanggang sa isa isa nang lumabas yung mga bata. Kada baba nila sa hagdan ay hindi ko mapigilang bilangin sila.
Hindi sila maalis sa mga mata ko, nakakaramdam nalang ako ng bigat sa pakiramdam sa tuwing iniisip ko sila. Delikado na kami ngayon dahil isa isa na samin ang nawawala.
Wala kaming bakas o ebidensya lamang para magreklamo sa pulis. Palibhasa mga bobo yung mga pulis dito kaya ganyan, hindi nalang ako kumikibo dahil alam ko rin ang hirap ng maging pulis.
Balak ko noong bata ako na maging pulis balang araw, pero ngayon ay maging isang tigre nalang habang pinagsasabay ang pagiging drug dealer. 3in1 lang kasi tigre kana tapos drug dealer at isang kriminal.
"Good morning!" pagbati ko kay Woozi.
"Walang good sa morning" sambit niya, ang sungit naman niya samantalang kahapon ay ang sweet pa niya sa akin.
"Kumpleto naba ang lahat?" tanong ko habang binibilang sila. "7... 8... 9... Oh siyam lang yung nandito?" tanong ko muli sa kanila.
"Nakalimutan mo bang isama yung sarili mo?" lumingon ako kay Dino na abala sa paggawa ng palaman, umiling iling nalang ako.
Inilista ko nalang isa ang pangalan nila na ang tanging nawawala na si Jun! Parang kahapon lang ay kasama pa namin siya at lumabas lang para hanapin yung cellphone niya.
"Si Jun nakita niyo sa kwarto niya?" nag aalala kong tanong, umakyat na sa taas si Seungkwan at sumigaw ng malakas.
"WALA SIYA DITO HYUNG!" lahat kami ay napatayo ng sumigaw si Seungkwan.
Malabo 'to! Hindi pwedeng mangyari 'to sa amin!
Isa isa na nga kami nawawala! "Tara na! Hanapin na natin sila!" sambit ko at saka nagmamadaling lumabas sa bahay.
Sumunod na rin yung iba at saka agad kaming nag tanong tanong sa mga taong dumadaan dito. Nakatoka ang maknae line sa police station para mag report.
Umagang umaga at nandito kami para hanapin si Jun. Hindi kami papayag na basta basta nawawala kami isa isa. Natatakot na kami at baka kung sino na sa amin ang susunod.
Hindi naman na patay sila hyung eh. Mataas pa ang paniniwala namin na nawawala lang sila. Bakit ba kasi hindi pa sila umuuwi. Alam naman nila ang daan pauwi.
BINABASA MO ANG
Unknown Basement
Misterio / Suspenso"Dapat lang kayong mamatay" -Eowyn In which Amalia Kane killed the thirteen men one by one and she put it in a basement that she is the only one who knew about it. //WARNING// This book contains a mature scenes, it can trigger on some readers...