BOO SEUNGKWAN
Naalimpungatan ako ng matamaan ako ng sinag ng araw. Hindi ko inaakala na makakatulog ako dito sa sofa.
"Ang sakit ng likod ko don ah" bulong ko at nag unat unat.
"Kaya pala wala akong kayakap kanina kasi natulog na sa sofa" napalingon ako ng marinig kong may magsalita, si Vernon lang pala.
"Malay ko ba" pagdidepensa ko.
"Ano hyung nakauwi naba sila Minghao hyung saka Mingyu hyung?" tanong ni Dino na kakababa lang din.
"Hindi" simple kong sagot at tumungo sa kusina "May naamoy na sana kayong mabango kung nakauwi na yung mga yon" dagdag ko.
"Timplahan mo nga ako ng kape, Boo" sinamaan ko lang ng tingin si Vernon.
"Ano ka chix?" irita kong sagot.
"Ouch!" tiningnan ko lang siyang umarte na parang broken hearted sa harap ko.
Kingina umagang umaga tapos ganto agad yung bungad ng linggo ko!
Speaking of linggo bukas ay may pasok na pala kami. Lahat kami ay graduating student maliban kay Dino na nasa 3rd year palang ng architecture.
Tatlo nalang kami dito sa bahay at tila bang isa isa na kaming nawawala. Eviction night surprise version sa bahay ni kuya, punyeta.
Ngayon ay naniniwala na ako sa mga sinasabi ni Seokmin hyung. Isa isa na nga talaga.
"Uy may chooks to go pa pala dito" nakita ko namang may kinuha si Dino sa ref, yung manok namin kahapon tapos tira lang ni Soonyoung.
"Oo, chook me dadd--" sinampal ko ang sarili ko para bumalik sa katinuan.
"May sinasabi ka hyung?" nagulat ako ng mga slight doon, bakit ba kasi nanggugulat 'tong si Dino!
"W-wala, initin mo nalang yan" sambit ko at humigop sa kape ko.
Umupo ako sa isang tabi at nag isip isip kung paano ko maibabalik ang 15 billion ng philhealth--- este yung mga hyungs.
Ilang buwan na ang nakakalipas at hindi pa rin sila bumabalik. Sa pagkakaalala ko ay unang umalis si Seungcheol hyung at sumunod si Jeonghan hyung hanggang sa maubos kami!
Ano 'to The Clash? Matira matibay ganon ba.
"I heard what you said earlier" nagulat ako nang may magsalita kung saan, muntik ng matapon yung kape!
"Manahimik ka nga diyan" irita kong sabi.
"Choke me daddy--" nasamid ako don!
Bwesit mamamatay na ata ako dahil sa kape!
"Are you ok?" ay wow concern.
"Ano ba sa tingin mo?" sarkastiko kong tanong at sinamaan siya ng tingin.
"Mukhang ok naman" tumango tango siya, binatukan ko nalang siya at umalis sa pwesto "Masakit 'yon ah" wala akong paki.
Hindi ko nalang siya pinansin at tumungo sa sala. Wala ako sa mood para makipaglandian kay Vernon. Gusto ko lang ng melkti at borger and prens prays syempre dagdagan na rin ng protas.
"Seungkwan hyung, kain na" narinig ko ang boses ni Dino mula sa kusina.
"Ayoko, kayo nalang umubos niyan" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Unknown Basement
Mystery / Thriller"Dapat lang kayong mamatay" -Eowyn In which Amalia Kane killed the thirteen men one by one and she put it in a basement that she is the only one who knew about it. //WARNING// This book contains a mature scenes, it can trigger on some readers...