12

9 2 0
                                    

LEE SEOKMIN

"Hyung wala sa kwarto si Minghao hyung!" rinig kong sigaw ni Dino.

"Baka nagtatago lang 'yon" sagot ko.

Itinuon ko nalang ang tingin ko sa tv habang nanonood ng Spongebob kasama ng maknae line. Nasa itaas pa si Mingyu dahil ayaw niya daw bumaba.

Maggagabi na at hindi pa siya kumakain. Ang alam ko ay sa aming trese, siya ang hindi papayag na hindi makumpleto ang routine niyang tatlong beses sa isang araw.

Paminsan minsan ay limang beses sa isang araw dahil sa meryenda at midnight snack niya.

Kamusta na kaya siya sa doon sa taas? Siguro miss niya lang si Wonwoo hyung kaya ganyan siya.

Anim nalang kami rito sa loob ng bahay. Isa isa na talaga kaming nawawala na para bang bula. Natatakot ako sa tuwing iniisip ko na baka may akyat bahay gang na pumunta rito at barilin kami.

Gusto pa naming makagraduate!

Sayang yung taon na paghihirap namin tapos mamamatay lang, pisteng yan.

Mga kulang sa aruga kaya naisipang pagtripan kami!

Inaano ba kayo mga mukhang kuhol.

"'Wag niyong sasabihin na lumabas 'yon ay nako ayoko na sa earth" iritang sabi ni Seungkwan habang humihigop ng iced americano niya.

"We have to save ourselves, none of us will go outside" singit ni Vernon.

Ni isa sa balak ko ay hindi talaga lumabas ng bahay ngayon. Natatakot na ako dahil baka may kumidnap sa akin.

Hindi ko naman alam yung gagawin ko, kung sasapakin ko sila ay dala naman silang mga armas.

"Hyung? Mingyu hyung?" rinig ko ang malakas na katok ni Dino mula sa taas. "Hyung lumabas kana diyan sa narda at doon na tayo sa encantadia para bigyan ka ng gas ni Amihan" sambit nito.

"Mingyu hyung ngumabas ka na diyan kung ayaw mong maging mink yung mama mo!" sigaw ni Seungkwan.

"Mork and Mean" bulong ni Vernon at tumawa ng mahina.

"Mingyu hyung lumabas kana diyan sa kwarto mo hoy!" sigaw ko.

Ilang segundo ay natahimik ang paligid. Siguro pumasok na si Dino sa loob at kinausap si Mingyu. Kaninang tanghali pa siyang hindi kumakain at gabi na hindi pa siya lumalabas.

Tanging ininit na pizza at carbonara lang yung kinain tuloy namin ngayon.

"HYUNGS! WALA SI MINGYU SA KWARTO NIYA!" sigaw niya "Nakabukas yung bintana niya at sigurado akong tumakas siya!" lahat kami ay napatayo ng sumigaw si Dino.

Hindi maaari, hindi siya lumabas diba? Nandoon lang siya sa garden o di kaya sa bench lang sa labas?

"Sabi ko na nga ba eh" narinig ko ang pag sipa ni Seungkwan sa lamesa namin, medyo masakit yon Kwan 'no? Tanga mo eh.

"Si Minghao hyung?" umiling iling naman si Dino bilang sagot. "Lumayas na sige pota!" sigaw ko at napaupo sa sofa.

"That's what happens kung putak kayo ng putak---" pinutol ko ang sasabihin niya dahil naalala ko na naman yung video na pinanood sa akin ni Seungkwan.

"Manahimik ka nga Jam--- este Vernon"

Nang ipipikit ko na ang ang mata ko ay nakita kong papalabas na si Dino sa bahay.

Unknown BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon