THIRD PERSON
Isa lamang simpleng babae si Amalia Kane. Simple ngunit may maruming tinatago.
She suffers from Dissociative Identity Disorder. Which is she had a multiple personality, Eowyn Fade.
What if your second personality is a psycho or a serial killer? What will Amalia do? Just kill that person?
Amalia and Eowyn are different, but they are the same body inside of Amalia. Eowyn has a dark personality while Amalia is just a simple yet nice girl.
"Anak, Amalia bumaba kana diyan!" sigaw ng nanay niya mula sa baba.
"Opo" she replied, agad naman siyang bumaba dala dala ang bagahe.
Masaya muna siyang nakipag usap sa nanay at tatay niya bago siya umalis papunta sa bago niyang titirhang bahay.
Bago pa man umalis ang dalaga ay hinalikan muna siya sa noo ng magulang niya. Tuluyan na siyang umalis at tumira bilang isang independiyenteng tao.
Ilang oras din ang byahe niya at sa wakas ay ligtas naman siyang nakapunta sa bagong village. May taong mainit siyang sinalubong, si Kwon Soonyoung o kilala bilang Hoshi sa kanilang village.
"Bago ka palang ba dito?" tanong ni Hoshi, tumango tango naman si Amalia "Tulungan na kita diyan" pag aalok niya sa dalaga.
"Ayos lang ako" sambit niya.
"Please, alam kong nahihirapan kana sa bagaheng dala dala mo" pag pupumilit niya, hindi nalang umimik ang dalaga at saka binigay kay Hoshi ang bitbit niyang bagahe.
"Saan pala yung bahay mo?" tanong ni Hoshi.
"0214 Diamond Street" simpleng sagot ni Amalia.
"Magkalapit lang pala tayo ng bahay!" masayang sabi ni Hoshi "Nasa Diamond Street din ako, 0626" ngumiti nalang si Amalia kay Hoshi.
Sa una ay nahihiya siya makipagusap kay Hoshi, pero dahil isang walang hiyang tao si Hoshi ay naging komportable naman ang dalaga sa kanya.
Masaya silang nagtatawanan sa gilid ng kalsada habang sinasamahan niya papunta sa bahay si Amalia. Gossiping about someone and making jokes on random things they saw.
Meanwhile Hoshi is too comfortable to talk with Amalia. Hindi niya alam na isang mamamatay tao na pala ang kausap niya ngayon.
Wala siyang clue kung ano ang balak gawin ng dalaga sa kanya. Maaari siyang patayin pati ang mga malalapit niyang kaibigan. Naging mabuti si Hoshi kay Amalia.
"Ito na yung bahay mo" sabi ni Hoshi, namangha naman si Amalia nang makita niya ang bagong titirhan bahay.
"Salamat pala Hoshi" sambit ng dalaga.
"Ayos lang 'yon" napatawa naman silang dalawa "Can we be friends?" tanong ng binata.
Napatigil sa paghinga si Amalia nang alukin siya ni Hoshi na maging kaibigan niya. Buong buhay niya ay wala pang nag aalok sa kanya na maging kaibigan niya.
Labis ang tuwa ng dalaga nang marinig niya ang mga salitang iyon. Hindi man maipinta sa mukha niya ang saya pero ang puso niya ay punong puno ng saya sa loob.
"Oo naman" she smiled at him, napangiti naman si Hoshi nang sumagot ang dalaga sa kanya.
Iba rin ang ngiti ng binata ngayon sa dalaga. Marami man ang mga kaibigan ni Hoshi, pero iba ang nararamdaman niya.
Hindi naman siguro ito love at first sight dahil makukulong siya sa marahas na kamay ng dalaga.
Sa mata ng binata ay nakikita niya si Amalia, pero sa loob ng dalaga ay nagtatago si Eowyn. Nagtitimpi lang si Eowyn na hindi masaksak o masaktan ang binata na nasa harapan niya.
Sa huling pag uusap nila ay nag paalam na si Hoshi kay Amalia. Pumasok na rin ang dalaga sa bahay niya para mag libot libot.
Nang mapagod si Amalia sa pag lilibot at pag aayos ng mga gamit niya ay dumiretso na siya sa kwarto upang mag pahinga.
Inihagis niya ang sarili niya sa kama nang mapagtanto niyang may isang bagay na matigas na dahilan na tumalon siya sa sobrang takot. Inangat niya ang kutson nang makita niyang may isang door knob doon papunta sa ibaba.
Scared but curious.
Binuksan niya ang pinto nang makita niyang may isang hagdan pababa. Dahan dahan siyang bumaba nang nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya.
Mga tubes, kutsilyo, baril at iba pang gamit na mapanganib. Bigla nalang lumabas si Eowyn at tila bang ang saya saya niya na parang batang binilhan ng laruan.
She's already attracted with knives!
Pinaglaruan niya ang mga kutsilyo na nasa tabi niya. Halos naligo na siya sa sarili niyang dugo sa mga hiwa na nasa braso niya.
Nawawala na siya sa sarili niya!
Lumabas na si Eowyn. Ano nang mangyayari sa kanya? Sa mga taong nakapalibot sa kanya?
Sino na ang magbabalik kay Amalia?
Hindi ito pwedeng mangyari!
[a/n: Maagang paalala lang na ang mga susunod na chapter dito ay magiging kakaiba na. I already put the warning in the description of this book. Take note this is only a fictional book, Love you]
BINABASA MO ANG
Unknown Basement
Mystery / Thriller"Dapat lang kayong mamatay" -Eowyn In which Amalia Kane killed the thirteen men one by one and she put it in a basement that she is the only one who knew about it. //WARNING// This book contains a mature scenes, it can trigger on some readers...