09

8 2 0
                                    

[a/n: read at your own risky risky wiggy wiggy this is an emergency nalang]

THIRD PERSON

Isang putok ng baril ang narinig ng mga tao malapit sa gubat. Ang akala lang nila ay may isang adik na naman ang nahuli at balak saktan ang isa sa mamamayan nila.

Wala silang kaalam alam na ang binaril ay isang inosenteng binata. Yakap yakap ang gitara at naliligo sa sarili niyang dugo.

Pilit niyang iniligtas ang sarili niya pero wala siyang laban sa isang babaeng may dala dalang armas.

Pinahirapan.

Sinaktan.

Pinatay.

Pitong inosenteng binata ang pinatay niya bawat araw. Wala siyang konsensya at basta't ginawa niya lang 'yon sa kanila ng walang dahilan.

Ano ba ng nagawa nila?

May mali ba silang ginawa para gantuhin?

They just met last week at ganito na ang nangyayari sa kanila. What's wrong with her!?

Nababaliw na talaga si Amalia. Eowyn just stuck on Amalia's body. Ano na ang mangyayari sa kanya at sa anim na natitira.

"I hope you are with them..." nakangiting sabi ni Eowyn sa lalaking nakahandusay sa sahig habang naliligo ito sa sarili nitong dugo "In hell" dagdag niya at tumawa na parang baliw.

Kinuha niya ang isang itak sa bag niya at agad ng pinagtataga ang katawan ng binata. Mas mabuti kung pagtatagain niya ito para mag kasya sa isang sako.

Mga dugo tumatalsik sa mukha niya at saka paligid niya. Nahirapan siya sa  pagtaga sa bandang binti pero kalaunan ay napag hiwalay naman niya ito sa katawan.

Nakangiti siya habang sinisilid ang katawan nito sa isang sako. Maipipinta sa mukha niya ang abot langit niyang saya. Hanggang tenga na ang mga ngiti niya.

Ang mga dugong nagkalat ay agad niya itong nilinis para walang ebidensya ang makakakita. Nilinis niya rin ang sarili niya na punong puno rin ng dugo ang katawan nito.

Samantalang abala si Eowyn sa paglilinis ay tahimik na naglalakad pauwi si Mingyu.

"Nakauwi naba si Woozi hyung?" bulong niya sa sarili niya habang nakatayo sa gilid ng mail box nila.

"Anong ginagawa mo diyan?" sumulpot kung saan si Minghao.

"Nakaupo ata" walang ganang sambit ni Mingyu.

"Kasama mo ba si Woozi hyung?" napatanong si Minghao sa kanya, umiling iling naman siya "Hindi!? Bakit mo naman siya iniwan!" napataas ang boses ni Minghao.

"Sinabi niya sa akin na mauna na ako dahil may kukunin pa siya eh, sabi ko aantayin ko siya pero 'wag na daw" sagot nito.

Napabuntong hininga si Minghao sa sagot nito. Kung ano ano na ang mga tanong na pumapasok sa isip niya. Paano kung may mangyari talagang masama sa kanya?

Hindi nila alam na patay na siya. Si Eowyn ang pumatay!

"Tangina naman eh" napasabunot sa sarili si Minghao samantalang si Mingyu ay nakatayo lang sa gilid ng mail box at walang ekspresyon ang mukha.

Ano na ang gagawin nila?

May plano naba sila?

Sino ang pinanghihinalaan nila?

Nasaan ang ebidensya?

Hinanap naba ng mga pulis ang mga nawawala?

Mabubuo pa ba ang grupo nila o aantayin nalang sila maubos?

Si Eowyn, na patuloy lang sa pagpatay.

"Hyung, nasaan na yung pang chibog?" sinalubong ni Dino si Mingyu sa pinto, walang ganang binigay ni Mingyu ang paper bag na may laman ng pinang grocery nila.

"Bakit mag isa ka lang? Nasaan si Woozi hyung?" tanong ni Seokmin.

Hindi nalang pinansin ni Mingyu si Seokmin at umupo sa gilid habang iniinom ang tubig na bigay ni Dino.

"'Wag mong sasabihin na nawawala rin siya?" singit ni Seungkwan.

"No way" sambit ni Vernon.

Gaya ng kanina ay hindi niya lang din pinansin si Seungkwan. Bakas sa mukha niya ang walang emosyon. Mukha siyang depress pero hindi naman.

Mingyu is the type of person na mag aalala sa kaibigan niya at gagawin ang lahat para lang makumpleto sila, pero ngayon ay tila ba nagbago siya.

Blank face printed on his face, weak body and it was as if he didn’t care about those around him.

Umakyat siya papunta sa kwarto niya at nagtalukbong. Tanging hikbi at paninisi niya sa sarili niya ang naririnig sa loob ng kwarto na 'yon.

Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa pagkakawala ni Woozi.

Pero paano kung bumalik si Woozi kasama ang ilang hyungs nila at nakumpleto na sila? Wala pa namang dalawampu't apat na oras ang nakararaan simula nung nawala si Woozi.

They didn't loose hope to find their hyungs. Gumagawa na sila ng paraan para makumpleto na sila.

Mataas ang paniniwala nila na magiging ligtas sila at walang mangyayaring masama sa kanilang hyungs. Sisiguraduhin nila na kumpleto at buhay sila.

But what if the plan was going to be reversed?

Sila ang magkukulang kulang at si Eowyn naman ang kukumpleto sa mga ulo nilang walang buhay?

What if lang naman eh.

Pero yung totoo?

What will they do with their group to complete them?

Who will save them? Si Superman?

Wonder woman? O Batman?

Yung plano nila upang makumpleto silang trese. Will they be able to do it?

Unknown BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon