LEE CHAN
Abala lang ako sa pag aayos ng kalat ko rito sa kwarto. Tahimik lang ang buong bahay.
Kung kumpleto lang kami rito ay maingay at magulo ang bahay. Nakakamiss na yung mga bardalugan nila sa isa't isa, yung mga nag nanakaw ng brief at kumukuha ng charger ng iba.
Maaga ako nagising at mamayang 8am ang pasok ko. May tatlong oras pa ako para mag handa.
Sigurado akong maraming mag aantay sa akin sa gate para mabati lang ako bilang mvp sa team namin.
Proud na proud sila hyung nang mapanood nila yung laro ko.
Bumaba na ako ng makita kong ni isa sa labing-dalawa ay wala. Kadalasan ay laging nasa kusina si Mingyu hyung at Seungkwan hyung ng ganitong oras.
"Vernon hyung! Seungkwan hyung!" sigaw ko habang nagtitimpla ng kape.
Walang sumagot? Baka tulog pa silang dalawa.
Hindi ko na namalayan kahapon kung nakauwi naba sila Seungkwan hyung at Vernon hyung dahil sa paglilinis ng kwarto ko.
Umiling iling ako at saka humigop ng kape. Umagang kay pangit, nasaan naba yung ukelele ni Joshua hyung?
Pumunta ako sa sala ng makita kong nakasabit lang yung ukelele niya sa pader.
I hummed as i strum the ukelele at the same time "Sa classroom may batas oh bawal lumabas oh bawal lumabas" i sang.
Patuloy lang ako sa pag kanta nang hindi ko na namalayan na alas-siete na pala. Mahuhuli na ako sa klase!
Agad akong tumungo sa banyo para maligo. Hindi na ako gagawa ng ritwal dahil baka pagkalabas ko ay alas-ocho na.
Malay ko bang napasarap ako sa pag kanta kaya nag mamadali ako ngayon.
Ilang minuto ang nakalipas natapos na akong maligo, nakabihis na rin ako ng uniporme.
Tumungo na ako sa kwarto nila Seungkwan hyung at Vernon hyung at baka sakaling nakabihis na rin sila.
"Hyung?" i knocked on their door. I turned the door knob when I saw no one inside. "Luh nasaan na silang dalawa?"
Papasok na sana ako nang marinig kong may kumatok sa pinto mula sa baba. Agad akong pumunta roon at baka nandoon na sila hyungs.
Nagbabakasali akong makumpleto kami!
Binuksan ko ang pinto nang makita kong walang tao "SA MGA NANTITRIP DIYAN DI SANA MASARAP ULAM NIYO-" naputol ang sinasabi ko ng matamaan ko ang isang box sa sahig.
May order sila?
Bayad naba 'to?
Kaninong parcel ba 'to?
Tiningnan ko lang ang parcel ng mapako ang tingin ko sa pangalan. Bakit nakapangalan sa'kin 'to!?
Wala naman akong inorder dahil wala din naman akong pera pambili.
Hindi na ako nag alinlangan na buksan ito.
"Bagong bola? Sino bumili nito?" nag halungkat pa ako at baka sakaling may naiwan pa "From Hoshi hyung" bulong ko.
Sa kanya galing yung bola na 'to? Ito pa naman yung pinag iipunan ko.
I cried and hugged the ball that he gave to me. Namimiss ko na sila, kailan ba sila babalik.
Pinunasan ko ang luha ko at isinakbit ang bag ko sa balikat. Ako nalang mag isa ngayon, paano na sila?
Habang nag lalakad lakad ako ay nag lilibot libot ako ng tingin at baka sakaling makita ko sila. Nag tanong tanong na rin ako kung may nakakita ba sa kanila.
BINABASA MO ANG
Unknown Basement
Mystery / Thriller"Dapat lang kayong mamatay" -Eowyn In which Amalia Kane killed the thirteen men one by one and she put it in a basement that she is the only one who knew about it. //WARNING// This book contains a mature scenes, it can trigger on some readers...