Pictures
"K-Kung ayaw mo sa babaeng h-hindi kayang respetuhin ang kaibigan mo... hiwalayan mo na ako, Dhavien.. Hindi ko rin naman gusto ang mga taong katulad mo," pabulong na sabi ko.
"No.. We're not breaking up. Yazi, ayusin natin 'to. I'm sorry.. Kasalanan ko. Mahal na mahal kita," bulong niya rin sa akin habang yakap-yakap pa rin ako.
Natigil ako sa pag-iyak nang marinig ang mga salitang iyon. Mahal niya ako? Kailan pa?
"M-Mahal... Paano?" naguguluhang tanong ko sa kaniya at bahagyang lumayo.
"Hindi ko alam kung kailan nagsimula.. Basta mahal na kita. Hindi ko kayang mawala ka, Yazi.." aniya at hinaplos-haplos ang pisngi ko.
Naramdaman kong magsipag-unahan nanaman sa pagtulo ang mga luha ko. Mahal niya ako.. Mahal niya na ako.
We were unproblematic back then... but what happened? Sunod-sunod na problema ang dumating sa amin ni Dhavien. Pero sinikap ko pa ring intindihin siya sa lahat ng oras..
It was frustrating.. Everything was frustrating.. Angelica entered my boyfriend's industry. 'Yun ang bagay na hindi ko nagawa.. at hindi ko kayang gawin.
It was easy for her to reach the top, because she has a connection with Dhavien. I became his fangirl but.. never his girl.
"Here's the tea. May pictures na kumakalat ngayon sa different social media platforms. It was your boyfriend and the sea creature friend, kissing. Mars, nairita ako, to the point na sinugod ko na sila! Like c'mon! Why did Dhavien agree with that publicity thingy?!" talagang inis na balita ni Zelena sa akin habang nakaupo kami sa isang coffee shop. Kahit ako ay nainis pero kailangan 'yon ni Dhavien para mas lalo siyang sumikat..
Maraming lumalapit sa amin ni Zelena para magpa-picture sa kaniya. May lumapit nanaman... Sa pagkakataong 'to ay bumaling sa akin ang babae.
"Familiar ka po.. May connection ka po ba sa C-box-"
"Siya 'di ba 'yung kasama ni Tyrell?" sabad ng kasama niyang babae.
Nagulat kami ni Zelena sa sinabing iyon ng babae. Pinirmahan na agad ni Zelena ang papel na hawak-hawak ng babae at hinila na ako patayo.
"Excuse us," nakangiting ani Zelena.
Hinihingal kami ni Zelena nang makapasok kami sa van niya. Sinabihan niya lang ang driver na dumiretso sa condo niya at humarap na sa akin.
"You were seen with Tyrell? Kailan pa?" nagtatakang tanong ni Zelena.
"Matagal na nung huli kaming nagkita... Baka si Karenne 'yung nakita nila-"
"Ughhh! Bruhilda, mag-ingat ka naman! Nakakatakot ang medias! I'm calling Tyrell.. You're way too different from Karenne. That's impossible. Something's wrong.."
Hindi nalang ako umimik. Ipapahamak ko si Ty at ang sarili ko. Kailan nila kami nakitang magkasama?
"That was... months ago, Ty. Ohhh, for the year's record? I see. Do something, Ty. You know naman na ayaw ni Eris ng attention, spotlight, and-"
"Ma'am, andito na po tayo. May mga reporters po na nag-aabang sa inyo."
Agad na nataranta si Zelena. Pinasuot niya sa akin ang cat eye sunglasses niya at leather jacket. Inalalayan naman kami ng driver niya papasok sa building.
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...