Stay
Nanatili si Dhavien sa unit ko. Napapangiti nalang ako sa tuwing napapabaling ako sa kanila ni Jazean. Matatanggap niya pa rin kaya si Jazean kung sinabi ko ang totoo? Hindi ko sinabi sa kaniya na anak ko si Jazean dahil malalaman niyang anak ni Tyrell si Jazean. Mas mabuti na 'yong ako ang kamuhian niya kaysa sa anak ko. Ayokong madamay si Jazean.
"Yaz, let's talk..." Tumango lang ako at pumasok na sa k'warto. Busy naman si Jazean sa panonood.
Sinarado ni Dhavien ang pinto at nang humarap siya sa akin.. nakita ko ang mga luhang pinipigilan niya. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kaniya, naiiyak na rin.
"Kasi kailangan kitang pakawalan.. para maprotektahan kita.."
"N-No... Please stay, Dhavien. Hindi ko na kaya-"
"Hindi ko rin naman kaya pero kailangan. Ipangako mo lang sa akin na magiging masaya ka kahit na wala ako-"
"Sa 'yo ko nalang naramdaman ang tunay na saya, bakit babawiin mo pa?"
Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ako. Mas lalo lang akong nasaktan... Ayoko nang maiwan.
"M-Maging masaya ka lang, Dhavien... 'Yun lang ang gusto ko. Alam kong mas masaya ka sa daang tinatahak mo. H-Hindi mo na kailangang bumalik kung para naman sa career mo ang ginagawa mo. Ipangako mo rin sa 'kin na magiging masaya ka kahit na wala ako. Umalis ka na... K-Kasi hindi ko na kaya.. Sobrang sakit na, e.." lumuluhang pakiusap ko.
Nag-aalinlangan man ay nagawa niyang umalis ng unit ko. Napaupo nalang ako sa sahig at niyakap ang sarili. Mas lalo akong naiyak nang maramdaman ko ang yakap ni Jazean.
Nagkamali ako.. Ang tunay na saya ay nasa anak ko. Siya ang rason kung bakit kailangan kong magpatuloy..
"Anak, maiintindihan mo rin si mommy kapag lumaki ka na. Maiintindihan mo rin kung bakit hindi magkasama si daddy at mommy," ani ko habang hinahaplos ang buhok ni Jazean. Tumango naman siya pero alam kong hindi niya pa 'yon maintindihan..
Sinama ko si Jazean sa pamimili ng mga kailangan ko. Syempre, binilhan ko na rin siya ng mga gamit niya at pagkain. Tuwang-tuwa naman siya habang naglilibot kami sa mall.
"Ops, sorry.." anang lalaking nakabunggo kay Jazean. Agad naman siyang lumuhod at sinuri ang anak ko. "She looks familiar... Mmm, anak ba siya ni Dhavien?"
"X-Xhaiven?" pagkumpirma ko. Tumango naman ang lalaki at ngumiti, kaya sumilay ang dimple niya. "Anong ibig-sabihin mong anak siya ni Dhavien?"
"Ahhh akala ko lang. Kasi naging kayo ni Dhavien. Hindi malabong nagkaanak kayo. But I doubt that, she looks exactly like you. Walang namana kay Dhavien kung sakaling siya ang ama."
"Kasi hindi naman siya ang ama ng anak ko-"
"I knew it! Anak mo nga," aniya at saglit na ibinaba ang shades niya para kumindat. Tangina? "But I heard that... she's Tyrell's.."
Bigla nalang umalis si Xhaiven. Naiwan akong nakatulala. Buti nalang at niyaya na ako ni Jazean papasok sa toy store.
Umuwi na kami ni Jazean pagkatapos. Nang sumapit ang gabi at wala na kaming ginagawa, nag-aya si Jazean na lagyan ako ng makeup.
Hindi ko alam kung paano siya natuto! Kay Zelena siguro? Nako, nakakatakot naman. Baka lumaking conyo at maarte ang anak ko.
"Mommy, you look pretty.." komento ni Jazean. Napangiti ako dahil doon.
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...