fourteen

92 12 77
                                    

Girlfriend



Ako ang unang nagising kaya ako ang magluluto. Bumangon na ako at nagbihis. Pinagmasdan ko si Dhavien at halatang pagod siya kaya mahina akong natawa.



Lumabas na ako ng k'warto at nagtungo sa kusina. Hindi ko alam kung ano paborito niyang pagkain kaya nanghula nalang ako. Spam and scrambled egg nalang ang niluto ko at nagsaing ako.



Naghahanda na ako sa lamesa nang biglang may nag-doorbell. Ayoko namang gisingin si Dhavien kaya ako na ang nagbukas. Tumambad sa akin ang isang hipon. Si Angelica.



Umirap siya sa akin at walang pasabing pumasok. Sinarado ko ang pinto at humarap sa kaniya.



"Why are you here?" mataray na tanong niya sa akin. "Hindi mo ba alam na may girlfriend na si Devien? Ako ang girlfriend niya, baka nahuhuli ka na sa balita-"



"Girlfriend? Kaibigang babae? Yes, I know. I'm here because he wants me to be here. And you know what? We had a rough night.. Oh wait, dapat ko bang i-kuwento 'to sa 'yo?" nang-aasar na sabi ko.



"Bitch! How dare you-"



"I dare to. Gusto mo ng patunay na ako ang girlfriend niya? Watch and see," nakangising sabi ko.



Pumasok ako sa k'warto at ginising si Dhavien. Nag-boxers lang siya at sumunod na sa akin. Takam na takam naman ang higad nang makita niya si Dhavien.



"Love, nagluto ka?" tanong ni Dhavien. Hindi niya pa napapansin si Angelica.



"Yes, love. Reward 'yan kasi ang galing mo kagabi..." Nakita ko ang pikon na mukha ni Angelica kaya nagdiwang ako.



"Really? Ngayon nalang kaya 'yung 5th round-"



"Devien..." Sabay kaming napalingon kay Angelica. Nagulat si Dhavien at nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin.



"Bisita mo," sagot ko. Bwisita.



Nang paalis na si Angelica ay lumapit siya sa akin para bumulong. Nakangisi lang ako pero napawi iyon dahil sa ibinulong niya..



"Maghihiwalay rin kayo. Malapit na. Abangan mo nalang, sis. Hindi ka nababagay kay Devien. Ginagawa mong tanga 'yung tao, Eris.." Ngumisi siya bago tuluyang umalis ng unit ni Dhavien. Nanghina ako.. Buti nalang at nasalo kaagad ako ni Dhavien.



Humarap ako kay Dhavien at yumakap. Niyakap niya ako nang mahigpit habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko kayang mawala siya..



"Kapag ba nalaman mong may madumi akong nakaraan.. tatanggapin mo pa rin ba ako?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya dahil natatakot ako.. kinakabahan sa isasagot niya.



"As long as it won't hurt me. I love you, that's it. Look at me," sagot niya. Tumingala ako at tumingin sa mga mata niya. "Cute mo. Tingnan mo height difference natin," natatawang dagdag niya. Sa inis ko ay hinampas ko siya.



Hinuli niya ang mga kamay ko at isinandal ako sa pader na malapit sa puwesto namin kanina.



We ended up making love on his bed. Was it making love or just pure sex? Naguguluhan na ako.. Hindi ko na alam kung mahal niya ba talaga ako.



"Fuck.."



Biglang may tumawag kaya pinigilan ko ang sarili kong gumawa ng ingay. Tinanggal ni Dhavien ang kamay kong nakatakip sa bibig ko. Pilit ko iyong ibinabalik sa bibig ko ngunit pinipigilan niya talaga ako.



Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]Where stories live. Discover now