twenty-eight

66 10 44
                                    

With her



Sinama ako ni Dhavien. Magpe-perform sila nina Zylhian at Xhaiven sa isang sikat na bar. Habang nagpe-perform sila ay naramdaman kong may nakatingin sa akin. Nang lingunin ko ang taong 'yon ay nagulat ako nang makita si Zandra!



"Long time no see? Your designs are popular now. I am one of your clients for this month, actually." Lumapit na ako sa kaniya after ng first song ng Ohhsome.



"Talaga? Ma-check ko nga, para VIP ka kaagad. Kumusta naman kayo... I mean, ikaw? Kumusta?"



"Hmmm, engaged na. Here," pinakita ko sa kaniya ang singsing na binigay ni Dhavien.



"Oh wow! Congrats, Yazi!" nakangiting bati niya. "Sino ba?"



Lumapit ako sa kaniya at bumulong, "The man singing on that," tinuro ko ang stage, "stage. He tattooed a different love on me. Kayo ba ni Zy?" tanong ko.



Sobrang bilis ng mga pangyayari.. Parang hindi pa sapat 'yung pagsasama namin. Ngayon ay naghahanda na kami para sa nalalapit naming kasal. Pumunta na rin ako kay Zandra para sa mga damit.



Bigla namang dumating si Tyrell kaya nakaramdam ako ng kakaibang hangin. Si Zelena, parang manhid. Kung ako siguro si Karenne, nasabunutan ko na si Zelena.



I believe that love is not measured by how long you've been together. But is it really the right time to get married? After all those issues, pain, and traumas, can I do it?



"Mahal, tahimik ka ata?" Nabaling ang atensyon ko kay Dhavien. Ngumiti lang ako sa kaniya. "Bakit? May problema ba?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos-haplos 'yon.



"Devi, hindi ka ba natatakot na baka maghiwalay tayo? Para kasing... ang aga pa para sa kasal. Oo nga't may pinagsamahan tayo pero hindi pa natin gano'n kakilala ang isa't isa. At isa pa, nagkabalikan palang tayo," mahinang usal ko.



"That's the purpose of marriage. You get into marriage to know the person and to love that person no matter what happens."



Was it really like that? I don't think so. But I kept all my thoughts to myself. If marriage is the only way to make him stay with me, then I'll live with it.



Umupo ako sa harap ng puntod ni papa habang inaalala ang lahat. Ayoko sa panloloko.. Pero nagawa 'yon ng papa ko. Galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya pero hindi ko siya sinisisi. Binigay naman lahat ni papa. Materyal man o hindi, naibigay niya. Mahal na mahal niya kami ni mama pero hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala ang selos kay mama.



Nang tanggapin ako ng mga Veralla, akala ko magiging masaya na ako... Dahil sa wakas, may maituturing na akong pamilya. Pero pamilya pa ba 'yon kung binabastos ka na? Ilang beses na sinubukan ng papa ni Elle na hawakan ako. Diring-diri ako sa mga paghawak niya no'n. Si mama.. Nakita ko siya minsan na inaabuso ni papa, umiiyak lang siya no'n habang sinasabi ang mga katagang, 'Ayoko. Tama na'.



Sa mga sandaling 'yon ng buhay ko, isa lang ang nasa isip ko, si Nathan. Ang lalaking unang umangkin sa akin at ang nagparamdam sa 'kin na mayroon akong halaga. Tanga ako para pumatol sa kaniya habang may boyfriend ako at alam kong may girlfriend siya. Pero nakalimutan ko ang lahat nang gabing 'yon. Binawi nga lang.. Dahil kinabukasan no'n ay tinaboy ko na siya at doon na ako pinagsamantalahan ni Markus.



Sa ngayon, parang wala na akong pakiramdam. Manhid na ata ako. Gano'n talaga siguro kapag nasanay ka na.



Sumulyap ako kay Dhavien na seryosong nakatingin sa puntod ni papa. Siya nalang ang mayroon ako ngayon at sana hindi na siya mawala sa 'kin..



"Pa, si Dhavien nga pala, fiancé ko. Alam mo, pa? Sinunod ko 'yung sinabi mo na humanap ako ng lalaking mamahalin at rerespetuhin ako. Si Dhavien na ho 'yon. Nandito kami ngayon para ipaalam sa inyo na ikakasal na kami," nakangiting wika ko. Humawak ako sa braso ni Dhavien.



"Sir, this isn't my first time to meet you but I still feel nervous," Dhavien chuckled. Kinalabit ko siya kaya napatigil siya at nabaling ang atensyon niya sa 'kin.



"Nag-meet na kayo ni papa?" kunot-noong tanong ko. Ngumiti siya at humalik sa noo ko bago sumagot.



"Nang maghiwalay tayo, pinahanap ko ang mga totoong magulang mo. I'm sorry kung hindi ko sinabi sa 'yo. Hindi ko nga lang nahanap ang mama mo.. Pero napadalas na ang pagdalaw ko kay tito. Gusto ko kasing ipaalam sa kanila kung gaano ako ka-seryoso sa 'yo." Ngumiti siya sa 'kin pero kaagad din 'yong naglaho nang makita niyang lumuluha na ako.



"Nakakainis ka, alam mo 'yon?! Papa, siraulo pala 'tong mapapangasawa ko!" reklamo ko kay papa. Tumawa lang si Dhavien at hinalikan nanaman ako.



"Sir, I'll marry your daughter for the reason that I love her so much. I am willing to give my best to her. Don't worry, sir, I'll try to fix every problem or challenge that we'll encounter. I don't want Yaz to cry and get hurt... That's my weakness.. Her tears." Nakita kong may bumagsak na luha galing sa mata niya.



"Sabi ko nga noon, kahit siguro may tinatago siya sa 'kin, mamahalin ko pa rin siya. Kahit nga siguro may anak siya, tatanggapin ko. Gano'n ko siya kamahal. Five years without her felt like somewhere that I wouldn't wish to be in again. I was barely living. My life almost ended there.. But I said to myself that I will meet her again, I'll try to win her back, and I will choose to be with her again."



Sana nga totoo lahat ng pinagsasabi niya. Sana nga masaya kami hanggang sa dulo. Pero kung hindi man kami maging masaya ngayon? Sigurado akong pagtatagpuin pa rin kami sa dulo.



"With her, I'm living the happiest year of my life, and I am sure that I will feel happy forever. Sigurado na po ako sa anak n'yo. She's my safe place, sir," nakangiting dagdag ni Dhavien. Humarap siya sa akin at mas lalong lumapad ang ngiti niya.



Nakakatakot.. Parang masisira lahat. Masisira lahat ng binuo namin...



_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Hi! Please avoid tweeting/posting theories that can spoil other readers. I don't want their excitement to die down. And also, do not post spoilers. Thank you and God Bless. I Aera you<3

-Aeraphrodite

Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]Where stories live. Discover now