Will you...
Nadatnan ko ang apat na nagbabalot ng lumpia! Anong pinaggagawa ng mga 'to sa buhay nila?
"Hoy, sino ba nag-utos sa inyong magbalot ng lumpia?"
"Me!" Nagtaas ng kamay si Zelena kaya napailing ako.
"Nagpa-deliver nalang sana kayo-"
"No, gusto ko kami ang gagawa, mars. Karenne is teaching us, oh!" Ngumiti lang sa akin si Karenne.
Ibang klase rin talaga 'tong si Zelena. Hindi niya ba nararamdaman na na-aawkward si Karenne dahil kasama nila si Tyrell?
Tumayo si Karenne at nagpaalam na tatawagan lang ang boyfriend niya. Nahuli ko si Tyrell na nakatingin sa papalayong si Karenne. Tinamaan na ang babaero.
Bumalik ako sa kusina pero hindi pa rin ako pinapansin ni Dhavien! Nagluluto lang siya ng carbonara. Bakit ba ayaw niya akong pansinin? Birthday ko pa naman bukas. Hindi ko nga alam kung bakit napaaga ang punta nila.
"Babe, pansinin mo na ako, please?" pagpapaawa ko sa kaniya.
Nilingon niya ako kaya nagdiwang ako! At least, tumingin na siya sa akin. Ngumuso ako pero hindi niya 'yon pinansin at nagpatuloy na sa ginagawa.
Yumakap ako sa beywang niya. Hindi man lang siya gumalaw! Ano ba? Hindi na ba siya kinikilig?
"Devi, ano ba? Galit ka ba?"
"Hindi ako galit." Nagsalita na siya!
"Bakit 'di mo ako pinapansin?" Hindi nanaman siya sumagot kaya padabog akong umalis sa kusina at umupo nalang sa tabi ni Tyrell.
Mukhang enjoy na enjoy sila sa pagbabalot ng lumpia, samantalang ako ay binubuhos lahat ng sama ng loob sa lumpia. Kawawang lumpia.
Nagchichikahan lang kami habang kumakain ng snacks pagkatapos magbalot ng lumpia. Si Zelena lang naman maingay.
"Ask her to have sex with you. Trust me, it will work."
"Zelena, your mouth..." saway sa kaniya ng pinsan niya.
"Diyan kami nag-start ni Xhaiven-"
"But did he court you? Did he say that he loves you?" pambabara sa kaniya ni Zylhian.
Gusto kong matawa kaso baka masakal ako ni Zelena. Napikon ata ro'n si Zelena kaya binato niya ng throw pillow si Zy.
Maya-maya pa ay si Karenne naman ang na-hot seat. Mahiyain 'tong si Karenne kaso maingay talaga si Zelena kaya napipilitan siyang sumagot sa mga tanong.
"How's Tyrell as a boyfriend?"
Pasimple kong inabot ang dulo ng buhok ni Zelena. Mga tanungan nito!
"Uh, protective siya.. Maalaga-"
"Did he ask you to have sex with him?" Napaubo si Tyrell kaya natawa si Zelena. Siya lang nag-eenjoy.
"Hindi niya ako pinilit."
My mouth formed an 'o' when she answered that. So, hindi naman pala totally fuckboy ang gago. Pero baka kay Karenne lang siya ganiyan.
Napairap ako nang tumabi sa akin si Dhavien. Kinakausap niya naman ang iba, bakit ako, hindi? Ano ba problema namin? Sweet pa naman siya kagabi, ah?
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...