TW: Sexual Assault & Slut-shaming
I have a girlfriend
Doon na kami natulog sa k'warto ni Dhavien. Pagkatapos namin sa shower ay pinasuot niya sa akin ang oversized shirt niya at boxers. Komportable naman ako sa gano'n. Kahit ano naman ata.. kahit walang suot, char.
Pagod na pagod na ako nang mahiga ako sa kama niya. Hinayaan ko nalang si Dhavien na tumugtog. Hindi ko na nga narinig ang pagkanta niya.
Kinabukasan ay nauna akong nagising. Tatayo na sana ako nang manghina ang mga tuhod ko. Bakit ngayon pa? Bakit dito pa? Nakakahiya!
Hinintay ko nalang si Dhavien na magising. Nang inaya niya na akong bumaba ay kaagad din akong tumayo pero hindi talaga nakikisama ang mga tuhod ko. Ngantog to the max sila, mare!
Binuhat tuloy ako ni Dhavien pababa! Inilapag niya ako sa bakanteng upuan at tumabi na sa akin. Nang mabalingan ko ng tingin ang parents niya ay parang kinukumpirma nila kung may ginawa kami!
"Where's Kient?" tanong ni Dhavien, hindi pinapansin ang mga nanunuring tingin ng mga magulang niya.
"Nasa work na ang kuya mo. Hmm, napaaga ata ang honeymoon, mga anak?" May ngisi sa mga labi ang mag-asawa.
Sabay kaming nabilaukan ni Dhavien kaya mas lalo kaming nahalata! Umiwas nalang ako ng tingin at uminom ng tubig.
"Yaz, umiinom ka ba ng gatas?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni mama. Ako lang ba o talagang bastos pakinggan 'yung tanong niya?
"Mom, what the hell?"
"What?" inosenteng tanong ni mama. "Aling Rosa, kunin mo 'yung fresh milk sa ref. Lagyan mo si Yaz sa baso."
"Mga anak, wala naman sa amin kung mas mauna ang bata kaysa sa kasal-"
"Mom, anong kasal? Nagkabalikan palang kami, ang speed mo naman."
Nang matapos kaming mag-breakfast ay tumambay kami ni Dhavien sa sala nila kasama ang mga magulang niya. Bigla namang nagpahilot 'tong si Dhavien. Parang ewan!
Umupo ako sa may bandang baba ng likod ni Dhavien. Wala na rin siyang shirt kaya kung ano-ano ang naiisip ko. Itong si Dhavien ay parang sinasadyang umungol!
"Ahh, ang sarap niyan, love."
"Ang baboy mo," natatawang sagot ko.
Biglang tumunog ang doorbell. Inutusan naman ni tita si Dhavien na pagbuksan ang bisita. Medyo iritado pa si Dhavien nang pagbuksan niya ang bisita.
"Hi, babe," malambing na bati ng isang babae. Humalik pa siya sa pisngi ni Dhavien.
"Angelica, what are you doing here?"
"Ilang beses akong pumunta sa condo mo, wala ka ro'n. Hay, iniiwasan mo-"
"Who's there?" biglang sumabad si tita.
"Hi, tita!" Sobrang kapal ni Angelica. Lumapit siya kay tita at bumeso.
"Ah sorry, sino ka?" nakakunot ang noong tanong ni tita.
Buti nalang ay napigilan ko ang sarili ko. Nakakatawa. Sa sobrang kapal niya, siya na ang napapahiya.
"I'm Devien's girlfriend po," nakangiting sagot ni Angelica.
"Hija, may girlfriend na ang anak ko. Yazielle, come here, anak." Tumayo naman ako at lumapit kay tita. "Alam kong pinakilala ka bilang girlfriend ni Keint dahil makabubuti iyon sa career n'yong dalawa at alam ko rin na gusto niyang protektahan ang babaeng mahal niya."
Bitch, ako lang 'to. Umuwi ka na kasi.
"Angelica, umalis ka na. Yaz, let's go to my room," seryosong saad ni Dhavien.
Hinila niya na ako kaya ngumiti nalang ako sa parents niya. Nang makapasok kami sa k'warto niya ay agad niya akong tinulak sa kama. Nagulat ako sa inasta niya.
Hinubad niya lahat ng saplot niya sa katawan at sinunod ang akin. Hindi ko alam kung bakit... nasaktan ako nang ipasok niya ang kaniya. Pilit ko siyang pinigilan nang bumalik lahat ng alaala.
"D-Dhavien, tama na... Nasasaktan ako.." umiiyak na pakiusap ko. Tumigil siya at natatarantang hinawakan ang magkabilang pisngi ko para mapunasan ang mga luha ko.
"I-I'm sorry, love. Hush, s-sorry, ikaw 'yung napagbuntungan ko ng galit ko." Umalis siya sa ibabaw ko at umupo sa tabi ko. Nanginginig man ay nagawa kong umupo para mayakap niya ako nang maayos.
"'Wag mo nang u-ulitin 'yon..."
"Hindi na. I'm sorry. I love you, baby," bulong niya at niyakap ako nang mahigpit.
Hinila ng isang kliyente ang buhok ko at pilit akong pinaluhod sa harapan niya. Hindi ako umangal... Trabaho ko 'to. Dinala niya ako sa kama at mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Hinila niya ang panty ko pababa at pilit na pinapasok ang ari niya.
"P-Parang awa mo na... Wala 't-to sa n-napag-usapan-"
"Isa kang pokpok tapos hindi ka magpapagalaw? Tangina mo! Binabayaran kita rito!"
"B-Binabayaran mo ako para p-paligayahin ka... Hindi para g-gahasain ako.. Malinaw ang u-usapan na walang g-ganitong mangyayari..." Sasampalin niya nanaman sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko kilala... Pero sana tulungan niya ako.
"What the fuck? I'm sorry, maling room-" Napatigil siya nang makitang umiiyak ako. Mabilis kong itinulak ang lalaki at walang pagdadalawang-isip na yumakap sa lalaking nasa may pintuan.
"Bumalik ka rito!" Nang akmang lalapit ang lalaki ay naglabas ng patalim ang lalaking yakap-yakap ko.
"Subukan mong lumapit. Nakikita mo 'tong patalim ko? Ito lang naman ang babaon sa 'yo." Mabilis na isinuot sa akin ng lalaki ang malaking hoodie na hawak niya at binuhat ako hanggang sa makalabas kami sa bar.
Wala kaming imik habang nagpapahangin sa labas. Nakita kong magsindi siya ng sigarilyo. Habang humihithit siya roon ay pinasadahan niya ang buhok niya gamit ang isang kamay.
"S-Salamat.. Pasensya na kung a-ano.. nadamay ka pa."
"Hindi kita niligtas, ikaw ang nagligtas sa sarili mo."
"A-Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sa kaniya. Humarap siya sa akin at lumuhod upang magpantay kami. Napako ang paningin ko sa mga mata niyang kulay tsokolate.
"Sorry, miss, but I am courting someone.. I already like someone. I'll take you home, baka balikan ka ng gagong 'yon."
Nang akmang aalis na siya ay hinawakan ko ang laylayan ng shirt niya. Hinarap niya ulit ako at nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin.
"B-Babalik ka pa naman dito sa b-bar?"
"Next week. I'm going to celebrate my birthday here with my friends. Why?"
Alam kong mali.. Pero tumayo ako at hinila siya palapit. Kung ito na ang huli, susulitin ko na.. Minsan lang ako makatagpo ng lalaking tulad niya. Nagulat siya nang bigla ko siyang hinalikan. May nililigawan siya, dapat itulak niya ako... Pero bakit gumaganti siya sa mga halik ko?
Sa isiping 'yon ay pinutol ko na ang halikan. Hindi ako 'yung tipo na maninira ng isang relasyon dahil lang sa may naramdaman akong kakaiba. Niyakap ko ang sarili ko at nagsimula nang maglakad... palayo sa kaniya.
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...