Goddess Eris
"Good morning," bati niya. Ngumiti lang ako at pinakatitigan ang mukha niya. "Why are you looking at me like that? Do I look more handsome in the morning?"
"Baliw!" natatawang tugon ko. "Teka lang, magluluto muna ako," ani ko at tumayo na para magtungo sa kusina.
Habang abala ako sa laptop ko ay nanonood naman 'tong isa sa Netflix. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa screen. Tangina, ang halay ng pinapanood. Dapat nanood nalang siya ng porn.
Nang lingunin ko siya ay napansin kong ang seryoso niya naman para sa isang taong nanonood ng.. gano'ng palabas. Hindi ba dapat may something? Pero parang wala lang sa kaniya. Sanay na siguro. Sabagay, hindi naman malala 'yon.
May tumunog na phone pero hindi namin pinansin 'yon. Pero ilang beses iyong nag-ring kaya inabot ko na at sinagot ang caller. Phone ko pala ang tumutunog!
[Mars! Oh my God! Are you okay? Bruhilda ka talaga. Bakit 'di mo ako tinawagan?!] Hindi ko alam kung galit siya o nag-aalala.
"Nasa Italy ka, duh!"
[Oh, oo nga pala! I have a photoshoot pa! Bye!] Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko pero parang nagmamadali siya dahil excited siya?
"Oh my! Sorry, mars and... I don't know! Gosh! Hindi ko naman alam na may kasama ka! I'm very very very sorry!"
Nalaglag ang panga ko nang makita si Zelena. Gusto ko sanang pigilan si Xhaiven nang akmang lilingunin niya si Zelena. Pero huli na ang lahat... Nakita kong matigilan si Zelena nang makita niya ang mukha ng lalaki.
"Mars, mag-eexplain ako.." Dali-dali akong lumapit kay Zelena kaya naiwan si Xhaiven sa sofa.
Lumapit ako sa kaniya at hinila ko siya papasok sa k'warto ko. Hindi pa rin siya umiimik. Kung galit siya sa 'kin, tatanggapin ko ang galit niya. Alam kong kahit wala na siyang nararamdaman para kay Xhaiven ay nasaktan pa rin siya. Wala namang namamagitan sa amin ni Xhaiven!
"Zelena, walang namamagitan sa amin... Nagwo-worry lang si Xhaiven dahil sa nangyari sa amin ni Dhavien... Alam mo naman na hindi ko 'yon magagawa sa 'yo.."
"Bruhilda, sinabi ko naman sa 'yong ayoko na sa manlolokong 'yon! Nagulat ako and I wasn't hurt or mad. I am not affected."
Nagyakapan kami ni Zelena. Naiiyak ako dahil sa mga pinagsasabi ng bruhildang 'to. Kung may nakakakilala man kay bruhilda, ako 'yon. Ramdam kong mayroon pa siyang nararamdaman para kay Xhaiven.
Nagpaalam din naman sa amin si Zelena dahil may contract signing daw siya sa isang brand. Naiwan nanaman tuloy ako kay Xhaiven. Napalingon ako sa kaniya at napansing malalim ang iniisip niya.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Gusto mo bang mag-dagat? Kasi dagat daw ang solusyon sa.. sawing puso," nakangising sagot niya. Natawa naman ako ro'n.
"Bakit? Gusto mo bang makalimot?" nanghahamon kong tanong.
"Gusto kong makalimot ka. I can see pain and sadness in your eyes."
Ninamnam ko ang ganda ng tanawing nasa harap ko. Sa gitna ng gabi, nakaupo ako sa buhanginan at pinapanood ang bawat alon na dumarating at umaalis. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
Sana'y matangay ng mga alon ang sakit. Napatingala ako at nakita ko ang mga bituin. Ang mga ito ang magiging saksi sa pag-usad ko.
"Dazean, do you want to be a star or the moon?"
Napatigil ako sa tanong niya. Napaisip ako ro'n.
"In this night full of stars, I want to be the moon." Ngumiti ako sa kaniya at nakita ko ang munting ngiti niya.
"You are not one of those stars, you're not the moon, you don't belong in the dark. You are a sun. Only those people who want to see you would take the risk to look at you, and I am one of those people. You shine the brightest, Eris." His eyes pierced through my soul. "Don't get me wrong, okay? But every time I'm with you, it feels like I'm close to Zelena. Maybe because you're her best friend, Goddess Eris." He said that in a playful tone.
"Goddess? I remember the Goddess Zelena back in high school. Siya talaga ang Goddess. Tinawag lang naman akong goddess dahil sa pangalan ko. But Zelena is the real one. Pinagpala ang babaeng 'yon kaya ewan ko sa 'yo! Bakit pinakawalan mo pa?!"
Natawa si Xhaiven, "I am planning to pursue her one day if the world starts rooting for us again. Ikaw? Who's your greatest what if?"
"I don't know... Hindi ko alam kung sino sa dalawa. 'Yung lalaking niloko ko o 'yung lalaking tinaboy ako. Dami kong what ifs, e," biro ko. "Pero alam mo? Kung babae lang si Zelena, liligawan ko 'yon. Sobrang bait, e... Wala lang.. Feeling ko hindi ka niya sasaktan. Hindi niya kayang manakit. Tinitiis nga n'on lahat ng problema, ng sakit."
"You think it's worth it?" Nilingon ko siya at bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. "To try... To ask her if we could start?"
"Worth it 'yon sigurado. Pero siguraduhin mong ipaparamdam mo sa kaniya lahat ng hindi niya naramdaman noon. Kasi mahal ka ni Zelena... Sana alam mo 'yan. Mahal na mahal ka niya. Alam mo ba, kaya siya nagalit sa akin noong high school dahil crush na crush ka niya pala. Selos na selos si gaga."
"Doon ko rin siya napansin. After that incident, lagi ko na siyang napapansin. Everything that she does.. napapansin ko. And I didn't hate that at all. I attended her debut pa nga but just got my heart broken. That fucking pervert, Blaze De Leon... Ahh even his name sounds awful."
"Sabi mo gusto mo akong maka-move on. Ikaw 'ata 'tong broken ngayon! Naririnig mo ba mga pinagsasabi mo?" Tinawan ko siya at pabirong sinabuyan ng buhangin. "Delikado ka na, gago."
"Is that Dhavien?" May nginuso siya sa likuran ko. Agad akong napalingon doon. Napairap ako nang marinig ang tawa niya. "Who's more delikado, huh?"
"Tangina mo! Sasabihan ko si Zelena na huwag maging marupok! Tangina mo talaga sana hindi ka na mahal ni Zelena!" Pinakyu ko siya na ibinalik niya rin sa akin.
"I have my own ways... And if everything works out... You're invited to our wedding."
"Asa ka," I made a face. "Hindi ka na tatanggapin n'on. Sa kagaguhan mo ba naman. May pa-friend friend ka pang nalalaman, mahal mo naman pala."
"Hey! Foul ka na!" Pinakyu ko ulit siya at tinawanan nalang.
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...