Birthday
Hirap na hirap ako sa pagtayo kaya tinawag ko na si Xhaiven. Agad naman siyang pumasok sa k'warto at inalalayan akong makatayo. Pumasok ako sa banyo para umihi at nang makalabas ay nagulat ako dahil naghihintay sa akin si Xhaiven.
Inalalayan niya ako hanggang sa makahiga ulit ako. Lalabas na sana siya nang may maalala ako.
"May tanong ako."
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.
"Minahal mo ba si Zelena?"
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Ba't mukha siyang iritado? Umiling siya at nagpakawala ng sarkastikong ngiti.
"Paano ko siya mamahalin kung naninira siya ng relasyon at ng tao?"
"Ano? Hindi 'yan magagawa ni Zelena-"
"Pero ginawa niya."
Iniwan niya na ako sa loob ng k'warto ni Dhavien kaya pinilit ko nalang ang sarili kong makatulog.
Nagising ako na maayos na ang pakiramdam. Nag-shower na ako bago lumabas ng k'warto. Nadatnan ko si Xhaiven na nagbabasa sa sala. Umiwas kaagad ako ng tingin nang mapalingon siya sa akin.
"Good morning," bati niya. Tumango lang ako at maghahanda na sana ng almusal nang mapansing may nakahanda na sa lamesa. "Nagluto na ako. Mamaya pa raw makakauwi si Dhavien."
Tumango lang ako at naupo na. Umupo naman siya sa tapat ko. Tahimik lang kami habang kumakain. Nagpresinta na rin siya sa paghugas kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa panonood.
Nagulat nalang ako nang tumabi siya sa akin. Hindi lang kami nagpapansinan pero naiilang na ako. Bakit ako naiilang?
"Mahal mo pa rin ba si Elle?"
"I don't know. I'm confused."
Hindi na ulit kami nag-imikan. Napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti lang siya sa akin.
"B-Bakit?"
"Do you really love him?" Tumango ako, confident sa sagot ko. "Then why tell lies? You don't trust hi-"
"At sino ka para sabihin 'yan?"
"Dazean, if you really love the person, then be honest with him." That hit me. Hindi talaga ako naging tapat kay Dhavien.
I felt his hand, tightening its hold on my hand. I was staring blankly at him, trying to communicate with my eyes.. He leaned forward and... I remembered my love.
"Leave. I cannot do this with you, Cerssus. Yes, hindi ako tapat kay Dhavien pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko. I'm not saying sorry because I know that you deserve this."
"What? Seriously? You need a break, Dazean. Nilalagnat ka pa yata. You're Zelena's friend and Franzielle's sister. I wouldn't want to be involved with you." Napailing siya at lumayo na sa akin. Sa kahihiyan ay iniwan ko siya ro'n.
Umalis na ako sa sala at nagkulong sa k'warto ni Dhavien. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagsara ng pinto, senyales na umalis na si Xhaiven.
Kinuha ko ang phone ko at tinext nang tinext si Dhavien. Matagal bago siya nakapag-reply.
From: Devi
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...