TW: Mention of "rape" and "sexual assault"/Abuse
Kahit na inaantok pa ay inabot ko kaagad ang phone ko na nasa side table. Panay kasi ang ring. Hindi ko na tiningnan ang caller at sinagot na kaagad 'yon.
"Hello? This is Yazielle-"
[Hi, ate? Ang awkward naman!] Aba, nagreklamo pa. [Yazi, may time ka ba ngayon? Kailangan ko lang ng kausap kasi ano... May p-problema ako-]
"Babe, who's that? End the fucking call, let's have another round-" Tinakpan ko na ang bibig ni Dhavien dahil nakakahiya sa kapatid ko.
[Ay sana all naman po may dilig. Kawawa naman ako at tuyong-tuyo na. As I was saying, p'wede mo ba akong samahan sa mall? Gusto ko lang makalimot sa mga problema. Stressed ako, girl!] Sa sobrang ingay ni Elle, nagising na talaga ako.
"Sure! Text mo nalang ako kung saan at anong oras. Don't stress yourself out too much, ha? Masama sa bata 'yan," pagbibiro ko pa. Narinig ko ang mura ni Elle pero in-end ko na ang call.
Napag-usapan namin ni Elle na magkita sa mall na tinext niya sa akin. Nang makita ko siya ay agad kong hinila ang buhok niya. Sisigaw na sana siya nang makita niya ako.
"Parang tanga naman 'to. Sisigaw na sana ako, e kaso nakita ko na ikaw pala 'yan, ang umagaw sa boyfriend ko," pang-aasar niya. Tumawa lang ako.
"Mas maganda lang talaga ako sa 'yo, Elleanna. Doon ka nalang sa isang Andrada. Mas bagay kayo n'on. Gusto mo puntahan ko siya para sabihin na mahal mo pa siya?"
"Ay, itabi mo, ako na. Oo, ako na magsasabi sa kaniya," umirap pa si Elle kaya natawa nanaman ako.
Nag-shopping 'tong si Elle. Habang naglilibot kami sa mall ay panay ang talak ni gaga. Ginawa akong rant person! Pero ayos lang.. At least, nailalabas niya lahat.
Nang mapagod kami ay nag-aya siya sa isang salon. Pati ako, dinamay niya. Pero pabor naman sa 'kin 'yon, 'no, kasi libre.
Nauna akong matapos kaya nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag-scroll sa social media. Hanggang ngayon, si Dhavien at ang 'non-showbiz' girlfriend niya pa rin ang trending.
Nagtaka ako nang lumingon ang lahat ng tao sa salon sa kakapasok lang. Ano? Sino ba? Artista? Nilingon ko rin 'yon at nagulat nang mapagtantong si Xhaiven ang pumasok.
"Xhaiven! P'wedeng magpa-picture?" Pagkatapos ni ate, sunod-sunod na sila. Pati 'yung mga staff. Kaya napasimangot si Elle dahil iniwan siya nung nag-aayos sa hair niya.
"Hey, baby," bati ni Xhaiven kay Elle. Bumeso pa siya rito. Siguro ay sinabi ni Elle na kasama niya ako kaya lumipat ang tingin sa akin ni Xhaiven.
Nagulat ako nang lumapit sa akin si Xhaiven at umupo sa tabi ko. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka ma-issuehan kami!
"It's okay. I'm not Dhavien." Nangunot ang noo ko nang hindi maintindihan ang sinabi niya. "Oh, I mean.. Si Franzielle lang ang ginawan nila ng issue with me."
"Ahh, sana all. Buti pa nga kayo, kahit hindi mag-on, tanggap ng mga tao," nakatungong ani ko.
"Then be mine." Napalingon ako kay Xhaiven nang sabihin niya 'yon. "Just kidding," natatawang dagdag niya.
Ang ending, naging third wheel ako. Pati sa pagkain namin, ang harot-harot nila. Ano ba? Nananadya ba sila, ha?
Inaya ako ni Elle na umuwi sa mansion ng mga Veralla. Ando'n daw kasi ang papa niya. Ni minsan sa buhay ko, hindi ko siya tinuring na ama. Dahil hindi naman gano'n umasta ang isang ama.
"Yazi!" tumitiling bungad ni mama. Nagyakapan pa kami at nang humiwalay ako sa kaniya ay nakita ko ang lalaking nakatayo sa likuran niya.
"Anak-"
"Anak?" I scoffed. "Since when did I become your daughter? Tell me, Mr. Veralla!" I raised my voice, making them stop.
"Yazi! 'Wag mo ngang sigawan ang papa mo!" saway sa akin ni mama. Nilingon ko siya at mapakla akong tumawa.
"Really, ma? You're defending this man?" tinuro ko ang papa ni Elle. "The last time I checked, you hate him so bad. Being married to someone doesn't give you the right to push her to do something with you!" I pointed at him.
My tears started to fall when I remembered those times that he tried to rape me. Alam kong 'yon din ang naging problema nila ni mama. May mga oras na hindi pumapayag si mama at nagagalit si papa.
Nagtrabaho ako noon sa isang bar para magkaroon ng sapat na pera. Nagsumikap ako para makapag-aral ako, makaalis sa bahay nila, at mamuhay ng payapa. Pero simula nang pumasok ako sa bar na 'yon, mas marami akong nakilalang katulad ni papa... Hindi ko naman alam na magiging gano'n ang trabaho ko..
"Noong umalis ako sa bahay na 'to, nagtrabaho ako para buhayin ang sarili ko. Nasa plano ko na noon na isama si Elle dahil baka.. b-baka gawin din sa kaniya 'yon ng lalaking 'yan.. Pero ayaw na ayaw sa 'kin ni Elle noon, e.." umiiyak na wika ko. Walang nakaimik sa kanila. Lumapit sa akin si Elle at pilit akong pinaharap sa kaniya.
"Ate, ano bang pinagsasabi mo?"
"P-Pinagtangkaan akong gahasain ng papa mo, Elle.. Kaya patawarin mo ako kung napalayo ang loob ko sa inyo." Hinaplos ko ang pisngi niya nang magsimula siyang umiyak. "Si mama.. Gusto rin siyang gahasain ng papa mo noon. Kaya sila naghiwalay-" Natigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang isang kamaong dumapo sa pisngi ko.
Napaubo ako at may nakita akong dugo. Agad akong dinaluhan nina mama at Elle. Pero ang paningin ko ay napako sa lalaking.. mahal ko.
"Ang taas ng respeto ko sa 'yo noon. Noong kami pa ni Franzielle, hangang-hanga ako sa 'yo. Pero ngayon? Hindi mo na makukuha ang loob ko. Was it fun watching your daughter suffer because of you? Maybe? Nagawa mo pa nga siyang saktan ngayon. You don't deserve even the tip of my respect," madiing sabi ni Dhavien.
Iniwan na siya ni Dhavien at lumapit sa 'kin. Walang pasabi-sabing binuhat niya ako. Gusto pa sanang sumama ni Elle pero hindi siya pinayagan ni mama at napuruhan ni Dhavien ang papa niya..
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Hi! Please avoid tweeting/posting theories that can spoil other readers. I don't want their excitement to die down. And also, do not post spoilers. Thank you and God Bless. I Aera you<3
-Aeraphrodite
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...