sixteen

98 12 34
                                    

Years


Halos limang taon na ang lumipas. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa 'kin ang ginawa ng lalaking mahal na mahal ko. Sa t'wing nakikita ko siya sa social media, sa tv, concerts, nasasaktan pa rin ako...



It was his choice to cheat on me. I don't think I deserve an apology because I hid so many things from him. Nagselos siya at kasalanan ko 'yon dahil pinaramdam ko 'yon sa kaniya. But the thing is... he told me that he did not love me at all.



Mas pinagtuunan ko nalang ng atensyon ang anak ko at ang trabaho ko. Nakatira pa rin si Jazean sa bahay ni Tyrell. Tanggap ng ina ni Tyrell si Jazean pero sa isang kondisyon... Hindi ako magpapakita sa kaniya.



Tanggap ko naman na isa lang akong maduming babae. Naanakan, hindi ka-level ng trabaho nila ang trabaho ko, at isa akong ampon ng mga Veralla.



"I'm doing this for you. Kapag nalaman ng media ang about sa engagement namin ni Tyrell, mapagtatakpan na 'yung issue sa inyo. Hindi naman namin like ipapaabot sa wedding. Because we don't like each other," balita ni Zelena sa akin habang nasa mall kami. Naiilang nga ako at andaming tumitingin sa puwesto namin. May bodyguards naman si Zelena kaya walang nakakalapit.



"How about Karenne? Akala ko ba..."



"Ohh, Karenne? She wasn't accepted. You know, Tyrell's mom is mataray and picky! She has a boyfriend now ata," sagot ni Zelena bago sumubo ulit.



"Ikaw, mars? Hindi ka na ba talaga lalandi? You're getting old na, you should be settling na nga, e. Pero I have a question..." Napatingin ulit ako sa kaniya. "Do you really think that Dhavien cheated because he wasn't in love with you?"



Agad akong tumango. "Wala naman siyang ibang rason..."



"Kasi Xhaiven once told me that Dhavien is so attached to his career. You know, baka may nag-threaten sa kaniya? And why was Angelica's unit open that time? Feeling ko lang, ha? Someone from C-box threatened Dhavien. They left the door unlocked because they know that you will go there. What if may nag-record nung usapan n'yo? Maybe, Dhavien said those things to make them believe that he is not in love with you. Remember when you told me that he said that he will protect you?"



Napaisip tuloy ako sa mga pinagsasabi ni Zelena. Pero ayokong maniwala. Ayoko na ring bumalik sa kaniya.



"Changing the topic... How's Jazean? Sabihin mo nalang sa kaniya na tita Zhaira will make bawi nalang. We will go shopping sa- Wait.. What the freak? Bakit andito siya-"



"Sino-"



"Don't look-" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ang napalingon na ako sa tinitingnan niya. "Oh my God! That's him! Why is he walking towards our table? Sana walang makapansin-"



"Mars, tumayo ka na. Let's go!" Hinila na ako ni Zelena palabas. Tumigil lang kami nang marating namin ang parking lot. Sumakay na kami sa van ni Zelena. "He's following us! H-He wants to talk to you siguro?"



"S-Siya ba talaga 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko. Zelena nodded and pursed her lips.



Nang makarating kami sa medyo tagong lugar ay sinabihan niya akong bumaba. Hinintay ko siyang makababa pero bago pa man siya lumabas ay may humila na sa akin.



Sa takot ay inambahan ko ng suntok ang lalaki. Unti-unti kong naibaba ang kamay ko nang tanggalin niya ang face mask niya..



Gano'n kadaling bumalik lahat ng alaala sa akin. Naramdaman ko nalang ang pagpunas niya ng mga luha ko.



Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]Where stories live. Discover now