Ex-fling
"Jazean, come here. Ang dugyot mo na," natatawang ani ko at pinunasan ang nagkalat na ice cream sa pisngi ni Jazean.
"She's cute pa rin like me, right, baby?" Tumango naman si Jazean kay Dhavien. Hay nako, nagkasundo na nga ang dalawa.
Nang mapunasan ko ang kalat ni Jazean ay lumipat kaagad siya ng upo sa hita ni Dhavien. Aba! Nakakalimutan niya na atang ako ang mama niya at tito niya lang si Dhavien!
Tumabi nalang ako kay Dhavien at inubos ang natirang ice cream sa cup ni Jazean. Nilingon ko silang dalawa... Mukha silang mag-ama.
Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Dhavien noong nakaraan. Gusto niya akong buntisin! Pero hindi naman ako papayag. Saka na siguro. Kapag maayos na ang lahat.
"Where do you want to go? Sa mall?" Tumango naman ang anak ko. Hinampas ko kaagad ang braso ni Dhavien.
"Sira! Anong sa mall? Hindi ka ba natatakot na isipin nilang may anak ka na?"
Tinakpan ni Dhavien ang mga mata ni Jazean at mabilisang humalik sa akin. "Ako na bahala."
Hinayaan ko na. Hindi kasi nagpatalo si Dhavien. Naglinis nalang ako sa k'warto ni Dhavien. Wala pa ang parents niya kaya rito muna ako tatambay.
Nang matapos ako ay binuksan ko ang phone ko. Nakita kong may dm si Dhavien. Picture 'yon ni Jazean habang tinuturo ang isang barbie doll.
Dhavien: Baby Jazean is smiling, love.
YaziElle: Ulol mo. Kapag 'yan umuwi na dugyot, malilintikan ka sa 'kin.
Dhavien: I'll clean her up.
YaziElle: Wow, anak mo?
Sineen niya nalang ako kaya natawa ako. Ang pikon niya naman. 'Yun palang ang sinabi ko, nagalit na.
Mabuti na rin pala na hinatid ni Zelena si Jazean dito. Aalis daw kasi si Tyrell. May bagong project pala ang babaero.
Gabi na nang makauwi si Dhavien at Jazean. Sakto naman at nakauwi na rin ang parents niya. Pinakilala agad ni Dhavien si Jazean.
"She somehow resembles you, Keint." Nangunot ang noo namin ni Dhavien sa sinabi ni tita.
"That's impossible, mom. Hindi ko naman anak si Jazean," natatawang sagot ni Dhavien.
Pinagmasdan ko sila ni Jazean. May pagkakahawig nga pero paano namang magiging kamukha ng anak ko si Dhavien? Kilala ko naman kung sino ang ama ni Jazean.
Dahil close na close na si Jazean at Dhavien, pinatulog namin si Jazean sa gitna naming dalawa. Okay na rin 'yon. Hindi makakalandi si Dhavien.
"Mahal, sa bathroom tayo-"
"Shhh. Ang landi mo," umiiling na saway ko.
"Daddy, I want milk." Biglang nagising si Jazean at nanghingi pa ng gatas kay Dhavien. Kaagad siyang binuhat ni Dhavien at isinama.
Spoiled naman siyang masyado kay Dhavien, e hindi naman 'yan ang daddy niya. Sumunod ako sa kanila. Nadatnan ko si Dhavien na karga-karga si Jazean sa isang braso habang nagtitimpla ng gatas ni Jazean.
Sumandal lang ako sa pader at pinagmasdan silang dalawa. Sana nga'y siya nalang ang ama ni Jazean pero hindi... Kilala ko kung sino.
"Baby, lipat ka muna sa 'kin, nagtitimpla si daddy ng milk." Kaagad namang lumipat si Jazean sa mga braso ko.
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...