Ikaw lang
Umupo ako sa mga hita ni Dhavien at pinakatitigan siya. Para akong nakikiliti sa bawat hagod niya sa beywang ko! Hinalikan ko siya at nginitian.
"Masaya ka ba sa 'kin?" tanong niya matapos ang mahabang katahimikan.
"Oo naman, mahal. Ikakasal na nga tayo, e. Hindi naman siguro ako papayag kung hindi na ako masaya. Mahal na mahal kita, Devi."
Pinipigilan ko ang antok ko habang nag-aantay kay Dhavien na umuwi. Nasa taping kasi siya ngayon at baka nga umaga na siya makauwi. Inabala ko na nga lang ang sarili ko sa pag-ayos ng papers ko.
[Madam, nag-cancel po si Mr. Rodriguez. Pero may p'wede naman po tayong ipalit sa kaniya..]
"Okay. Just tell him to message me. Thank you, Hailey." Pinutol ko na ang tawag at sakto naman na may nag-doorbell.
Naamoy ko kaagad ang alak nang buksan ko ang pinto. Muntik pa akong matumba nang yumakap sa akin si Dhavien. Nang makapasok kami ay sinarado ko ang pinto at inalalayan siya hanggang sa mapaupo siya sa couch.
Kumuha ako ng tubig at inabot 'yon sa kaniya. Habang umiinom siya ay napaisip ako. Bakit ba siya naglasing? Parang nabasa niya naman ang nasa isip ko..
"Party... After ng taping. P-Para sa 'kin, kasi tapos na 'yung scenes na extra ako. Sorry, love, naparami lang 'yung inom ko." Inabot niya ang kamay ko at pinisil-pisil 'yon.
"Okay lang, love. Tara na, mag-shower ka muna para mahimasmasan ka-" Napahawak ako sa dibdib ko nang hilahin niya ako paupo sa hita niya. "B-Bakit?"
"Ang ganda mo.. Ikaw lang ang gusto kong girlfriend, kaibigan, fiancée, at asawa. Sinabi ko 'yan kay Angelica," ngumiti pa siya na mas ikinabilis ng tibok ng puso ko.
Nagising nalang ako sa ingay ng phone ni Dhavien. Hinampas ko ang braso niya pero tulog na tulog pa rin siya! Tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang kumot at inabot ang phone niya. Oh, 'yung bruha pala ang tumatawag.
Sinagot ko 'yon at kumunot ang noo ko sa bungad ni Angelica.
[Hi, babe! Nag-enjoy ka ba kagabi sa halikan natin? Hindi na nga ako makatulog, kakaisip sa nangyari sa'tin!]
"Ah, talaga, Angelica? Fuck you. Tangina mo. Balita ko, rejected ka kagabi. Masakit ba?" Pinisil ni Dhavien ang hita ko pero inalis ko kaagad ang kamay niya. Naiirita ako!
[What the fuck?! Akala mo ba nanalo ka na, Eris? Hindi pa! Nagsisimula palang ako. Magiging akin-]
"Libre lang mangarap, Angelica. Pero sigurado akong hindi 'yan-"
"Love, sino ba 'yan?" Nilingon ko si Dhavien at umirap, naguluhan pa siya sa pag-irap ko.
Pinutol ko na ang tawag at hinagis sa kaniya ang phone niya. Nagmamadali akong nagbihis at lumabas ng k'warto niya. Tangina talaga!
Hinawakan ni Dhavien ang braso ko at pilit na pinaharap ako sa kaniya. Hinaplos-haplos niya 'yon, pinapakalma ako. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong sumakit 'yon.
"Yaz, walang nangyari sa 'min, okay? 'Wag kang magpapaniwala kay Angelica. Hindi totoo ang mga sinasabi niya. Mahal, 'wag na tayong mag-away, ikakasal na nga tayo." Umasta siyang hahalikan ako pero umiwas kaagad ako. Tinalikuran ko siya at kinuha na ang mga gamit ko.
Sinuot ko lang ang aviators ko at umalis na. Hindi naman ako sinundan ni Dhavien. Nag-iingat siguro siya. Ako rin naman. Pero ayoko munang makasama siya.
Pumara ako ng taxi at sumakay kaagad. Nakita kong panay ang tingin ng driver sa akin mula sa rearview mirror. Dinial ko kaagad ang number ni Tyrell. Buti nalang at sumagot siya kaagad.
"Ano? Kasama mo 'yung tropa mong pulis? Ah sige sige, nasa taxi na ako. Huh? Ang alin? Plate number? Manong, p'wede bang makuha plate number nitong sasakyan?" Tumingin ulit sa akin ang driver at mukhang kinabahan na siya. Pagkasabi niya ng plate number ay sinabi ko rin 'yon kay Tyrell.
[Don't end the call. Nakikinig ako..]
Sinunod ko ang gustong mangyari ni Tyrell. Para naman 'to sa kaligtasan ko. Ganito ang ginagawa namin kapag sumasakay ako sa public transpo at mag-isa lang.
Safe naman akong nakarating sa unit ko. Pagkapasok ko palang ay nag-check na kaagad ako ng messages. Wow, 50 messages from Dhavien. Ang dami niyang time, ah?
Tinawagan ko si Zelena at sinabihan na pumunta sa unit ko. Nagluto ako para sa 'min at naglabas din ako ng wine. Ang kapal pa ng makeup ni bruhilda nang dumating siya. Galing siguro sa photoshoot or something.
"What do you want to talk about?" tanong niya habang kumakain kami.
"Mahal mo pa ba si Xhaiven?" Nangunot ang noo niya sa tanong ko pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"No. Hindi naman ako tanga, mars. He told me to leave him alone, so I did. Why are you asking by the way?" Siya naman ang nagtaas ng kilay ngayon.
"Hmm, so hindi ka in love ngayon... Ano kasi, e.. Nag-away kami ni Dhavien. I mean, nakipag-away ako sa kaniya kasi tumawag si Angelica kaninang umaga tapos sabi niya naghalikan sila ni Dhavien-"
"What the fuck?! Anong gusto mo? Sugurin na natin 'yung snake?! Tell me, bruhilda!" Tumayo pa siya at handa na talagang sumugod.
"'Wag na. Ni-reject naman daw ni Dhavien.." Doon siya napaupo ulit. "Parang ano.. Gumagawa ako ng rason para hindi matuloy ang kasal. Ewan ko ba sa sarili ko, mars..."
"Wait lang, pumayag ka ba na magpakasal agad? You got engaged palang, e. Are you okay with that idea?" Tumingin ako sa kaniya at napaisip.
"Hindi ko nga alam, e. Pero kung 'yun lang ang paraan para mag-stay siya sa 'kin, papayag ako."
Umuwi ako sa condo ni Dhavien nang sumunod na araw. May susi naman ako kaya kahit na tulog pa si Dhavien ay nakapasok na ako.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinagmasdan siya. Hinawakan ko ang kamay niya at humalik sa pisngi niya. Nabitawan ko ang kamay niya nang bigla siyang dumilat.
"Love, I'm sorry.." Bigla siyang umupo at niyakap ako. "Pag-usapan natin 'to. Hindi 'yung tatakbuhan natin..."
"Devi, mahal na mahal kita. Kahit na takbuhan pa kita, babalik din naman ako. Hindi ko na kayang malayo sa 'yo."
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Hi! Please avoid tweeting/posting theories that can spoil other readers. I don't want their excitement to die down. And also, do not post spoilers. Thank you and God Bless. I Aera you<3
-Aeraphrodite
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...