What I want
Inilapag ko sa lamesa ang order ni Elle na kape. Simula noong binuksan 'tong shop ko, lagi na siyang tumatambay rito. Minsan pa ay kasama niya ang asawa niya. Nang-iinggit ang dalawa!
Umupo ako sa tapat niya at umiling. Ngumiti lang siya sa akin. Napairap ako at umayos ng upo.
"Bakit nandito ka nanaman?" mataray na tanong ko sa kaniya.
"Huh? Bakit, bawal? Nagbabayad naman ako, ah! Sungit mo, owner!" nang-aasar na sagot niya. Ewan ko ba kay Elle, ang hilig mang-asar.
"Hindi pa kami nagkakabalikan kung 'yan ang nasa isip mo. May boyfriend ako, sis. Kung may balak man akong balikan siya, kailangan ko munang tapusin ang relasyon namin ni Markus." Alam ko na 'yun ang ipinunta rito ni gaga.
"Pero gusto mo ba siyang balikan? Kung ako kasi, babalikan ko si Dhavien. Pogi naman siya, 'di ba? May abs pa! Tsaka matalino 'yon! Alam mo bang magpi-piloto sana siya. Pero pogi rin si Markus at mabait! Piloto pa, sa'n ka pa?"
"Alam ko, sinabi niya sa 'kin. Ex niya rin ako, sis. At ano kamo? May abs pa? Nakita mo?" Umirap ako kaya natawa siya. Halatang nag-eenjoy siya!
Iniwan ko na si Elle nang makita ko ang asawa niyang pumasok sa shop. Maglalandian nanaman ang mga 'yan! Simula noong iniwan ni Kyenn ang pagiging idol niya, nagkaroon na siya ng oras para kay Elle. Mas maluwag na ang schedule niya ngayong engineer na siya.
Naglalakad ako ngayon sa dalampasigan. Nagkayayaan kasi na mag-dagat. Tapos ayon, magkakasama ang mga mag-asawa. Si Karenne at Tyrell hindi naman nagpapansinan. Si Zelena naman ay sobrang ingay, hindi naiilang kahit nasa tabi lang si Xhaiven.
Napatigil ako nang mabunggo ako sa isang lalaki. Nilingon niya ako at agad ding nag-iwas ng tingin. Galit ba siya? Kung galit siya, wala akong pakialam.
Hinubad ko ang oversized shirt ko. Naka-bikini nalang ako nang lumusong sa tubig. Nag-floating ako at dinama ko ang malamig na tubig at hangin.
Pinag-isipan ko na kung ano ang sasabihin ko kay Markus. Siguro maiintindihan niya naman. Kung mananatili ako sa kaniya, masasaktan lang siya.
"Wow, sexy! Picture, dali!" Napaayos tuloy ako ng tayo at tiningnan ang sumigaw. Si Zelena 'yon at hawak-hawak ang phone niya.
Doon ko lang din napansin na nasa tubig na ang iba naming kasama. Si Xhaiven nakaupo lang sa open cottage at sa harap niya ay si Dhavien. Nag-uusap 'yung dalawa.
Umahon na ako at sumunod kay Zelena. Nataranta ako nang tumigil kami sa tapat ng cottage! Sobrang sama na ng tingin ko kay Zelena habang sinasabi niya kung ano ang pose ko!
"Yeah, right.." Nang tumigil sila sa pag-uusap ay napalingon ako sa gawi nila. Hinila ko kaagad si Zelena paalis do'n dahil titig na titig sa akin si Andrada!
"Yes! Like, girl, epal ka? Nainis talaga ako! Gosh! Kung alam n'yo lang, sinupalpal ko talaga 'yon. Bago lang siya sa industry tapos 'yung attitude niya mas high level! Tapos you know what she did after that? She told my manager na kain daw ako nang kain! Sira na raw ang diet ko, like hello? Anong pakialam niya? Street food ba siya? Hilig makisawsaw!" Maingay na kwento ni Zelena habang nag-iinuman kami sa loob ng isang suite.
I made a disgusted face when my sister and her husband started kissing! Palagi nalang silang ganiyan, nakakainis! Tapos itong si Zandra parang nainggit din, humingi rin ng kiss sa hubby niya.
YOU ARE READING
Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]
RomanceYazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone judged her by how she acted. Not until, she found someone who will never judge her, nor invalidate h...