twenty-seven

69 10 54
                                    

Abusive idol


I sighed before looking through the reports. Walang bago, puro issue. And those issues were all lies. How can they manage to sleep at night knowing that there are people out there who really believed in their 'fake news'?


I drank straight from the bottle of rum. Fuck, ang pait! Where is the fucking chaser?! Ang init na nga, ang pait pa! Parang buhay ko, putangina.


I froze when a hand stopped me from drinking. He took the bottle away from me and took the seat beside mine. He rolled his eyes and stared at me with his brows furrowed.


"Oh my God! It's you!" It was Nathan!


"Dazean, if you have a problem, alcohol is not the solution to that. I'll take you home-" I went in for a kiss. But before I could kiss him, he put his hand in between our lips. "Damn, your boyfriend will be mad."


He stopped and we stared at each other for a long time. He carried me in a bridal way until we reached his car. I was too drunk to the point that I had to close my eyes while the car was moving, to stop myself from throwing up!


Nagising nalang ako na masakit ang ulo at katawan! Lintek na rum 'yan! Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang naggagandahang wall paintings. Hindi.. Wala namang wall paintings ang unit ko at unit ni Dhavien...


Nakipag-sex ba ako sa hindi ko kilala?! Bumaling ako sa katabi ko at nakita ko si Xhaiven na titig na titig sa akin!


"W-Wait.. Wala namang nangyari sa atin, 'di ba? Cerssus, huy, wala naman?" nagpa-panic na tanong ko.


"Why? Are you afraid of the fact that your boyfriend might find out about this and break up with you?" tila ba nanghahamong tanong niya.


"Cerssus! Ano ba? Hindi ako nakikipagbiruan-"


"Hmm, nothing happened. You better get ready now. And your boyfriend is busy cleaning his name," he said before getting off the bed and getting out of his room.


Nangunot ang noo ko nang hindi maintindihan ang huling sinabi niya. Agad akong nag-ayos at nagmamadaling umalis doon. Hindi naman ako pinigilan ni Xhaiven. Ilang beses kong dinial ang number ni Dhavien pero hindi siya sumasagot kaya nagbasa nalang ako ng articles.


'Dhavien Keint Andrada was an abusive man?'


'Yaz tats studio's owner (Yazielle Xeinnah Veralla) was seen leaving C-box Entertainment's idol (Dhavien Andrada's) condo unit. A bruise and wounds were visible on Ms. Veralla's face.'


'Netizens are going crazy about the said news!'


May iilan pa akong nakitang comments na tinatawag si Dhavien na "abusive idol". Nasapo ko nalang ang noo ko. Tinext ko si Dhavien na sagutin ang mga tawag ko. Tinawagan ko ulit siya at sa pagkakataong 'yon ay sinagot niya na ang tawag ko.


"Hello, babe? Ayos ka lang ba? Gusto mo tulungan kita-"


[Yaz, I'm okay. Ako na bahala. By the way, where are you?]


"Papunta ako sa condo mo-"


[No, don't go there. Maraming reporters sa condo ko ngayon. Dumiretso ka nalang sa bahay namin. I'll see you there, love.]


Pagkababa ko palang ng taxi ay sinalubong na ako kaagad ni tita. Hinila niya na ako papasok ng bahay nila. Nagulat pa si Kyenn nang pumasok ako sa bahay nila.


Umupo muna ako sa single couch at tinext si Dhavien. Abala ang mag-asawang Andrada sa kusina kaya naiwan ako sa sala kasama si Kyenn. Alam kaya nila na ginawan nanaman ng issue ang anak nila?


"Is she okay?" biglang tanong ni Kyenn. Noong una ay hindi ko pa nakuha ang ibig niyang sabihin pero tumango nalang ako nang ma-realize ko na si Elle ang tinutukoy niya. "Are you okay?"


Natigilan ako sa sunod na tanong niya. Napalingon ako sa kaniya at tumango. Pero halata sa ekspresyon niya na hindi siya naniniwala sa sagot ko.


"Uh, medyo nahihilo lang. Ang daming issue, e! Pero okay lang ako-"


"Jazean. Anak mo ba si Jazean?" Mabilis akong umiling. "I cannot blame you for denying that you are her mother. I understand that you have your own reasons. She looks like you.." Hindi na ako nakaimik dahil do'n.


"Yes, anak ko siya. Hindi ko pa sinasabi sa kapatid mo pero sana naiintindihan mo ako," tipid lang akong ngumiti sa kaniya at tinext ulit si Dhavien.


"It's okay. But you need to tell him. I know my brother, he'll get mad for sure kung patatagalin mo pa.. Oh, by the way, if you need help, just message me."


Hindi ko na inintindi ang sinabi ni Kyenn. Natigilan ako nang may malamig na dumapo sa pisngi ko. Nang tingnan ko 'yon nakita ko si Kyenn na hawak-hawak ang isang cold compress.


Tinanggal niya rin kaagad 'yon at maingat na pinunasan ang pisngi ko para lagyan ng cream. Hindi nalang ako nagsalita.


"What the fuck are you doing?" Sabay kaming napalingon ni Kyenn sa nagtanong.


"Bro, I'm just taking care of your girlfriend. Para kang ulol." Muntik na akong matawa sa sinabi ni Kyenn. Pinaalis siya ni Dhavien.


Si Dhavien na ang nagpatuloy ng ginagawa ni Kyenn. Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya, tinatantsa ang lahat..


Humalik siya sa noo ko at matagal na tumitig sa akin. Niyakap ko siya at mukhang natigilan siya ro'n dahil ilang minuto pa ang hinintay ko bago ko naramdaman ang yakap niya.


"Don't worry too much, babe. I'll take care of everything-"


"No, bro, everything has been taken care of. Read this.." Inabot sa kaniya ni Kyenn ang iPad.


Hindi ko na sinabi kay Dhavien na naglabas ako ng statement na ang pasa at sugat ko ay galing sa ex ko at hindi dahil kay Dhavien. Marami akong ex kaya sigurado akong hindi na nila malalaman kung sino.


Nilinaw ko rin sa statement ko na kaya ako nando'n sa unit ni Dhavien ay dahil close friends kami. Alam naman ng lahat na ex ni Dhavien ang kapatid ko.. 'Yun ang ginamit kong excuse...


_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Hi! Please avoid tweeting/posting theories that can spoil other readers. I don't want their excitement to die down. And also, do not post spoilers. Thank you and God Bless. I Aera you<3

-Aeraphrodite

Our Tattooed Pain [Fangirl & Idol Series #3]Where stories live. Discover now