After ng conversation namin ni Gerald o kung conversation ba talaga ito kung matuturing ay hindi nya na ko kinausap. We met especially kapag nasa condo ako pero nginingitian nya lang ako at sya mismo ang umiiwas. I'm permanently staying at my condo. Sinabi ko naman kay kuya na as soon as malaman ng mga kaibigan ko ang nangyari sakin lilipat na ko ng condo. At oo alam na nila ang nangyari sa akin, sa amin.
School,Office and condo lang ang daily routine ko the whole two weeks. Bukas na nga ang dating ng baby ko dahil may aasikasuhing mahalaga si Oli. 7 to 12 ang pasok ko as a teacher and the rest of my time will be on the office and as of now I'm here at the office. I'm kind of busy pero hindi naman gaanong stress dahil binawasan na ni kuya yung gawain ko sa office. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto ng office ko ng wala man lang katok or abiso
"Mick kailangan mong umuwi sa condo mo nandun si Georgina walang kasama, si Bel pumunta ospital sinugod yung kambal."humihingal na sabi ni kuya habang nasa pinto kaya bigla akong napatayo hindi dahil sa nagulat ako sa kanya kundi dahil sa sinabi nya
"What?!"
"I have to go.."at umalis ito ng parang walang naririrnig
"Fuck" I utter habang inaayos ko ang gamit ko sabay takbo sa elavator. Bahala na ang secretary ko kung may maghanap man sa kin alam nya na yan.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nandito ang anak ko at isa lang ang makapagbibigay-linaw non. At dahil traffic naman I was able to contact Oli kahit nagda-drive ako.
"Im sorry Mick. Napaaga kasi ang pagbalik namin and actually kahapon ko lang nalaman na kinontact nya pala ang Mommy at daddy mo para magpasundo kaya hindi agad kita nasabihan. Im really sorry."paliwanag ni Oli
"It's okay Oli nagulat lang talaga ako."
"Pasensya na Mick may kailangan lang talaga akong ayusin dahil kapag hindi ko pa toh naitama mawawala na ang lahat"
"Mawala man ang lahat tandaan mong nandito lang kaming mga nagmamahal sayo at hinding hindi mawawala ang anak mo."
"Salamat Mick" then our conversation ended.
As i reach the 16th floor I run towards my unit. Pagpasok ko walang Georgina na bumungad sakin pero alam kong nandito na sya dahil may mga maleta akong nakita. Nang maikot ko na ang buo kong unit naisipan ko ng maghanap sa labas dahil baka mamaya napahamak na ito.
I was dumbfounded of what I saw inside the elavator.
"Mommy!!!!"the little girl shouted as she hug my thigh.
"Pasensya ka na Gel ah nakita ko kasi syang pababa kanina kaya sinamahan ko na." Natauhan naman ako ng magsalita si Gerald kaya hinila ko agad ang anak ko papuntang unit ko. Tinawag nya pa ko pero hindi ko ito pinansin
"Mommy why?"my daughter asked as I closed the door
"Baby naman eh. Diba I told you na don't talk to stranger."nakakunot na sabi ko
"But he's not a stranger mom he's my-----"
"Yeah I know but I'm not yet telling him what's between you,me,him and Gelo."
"Aren't you happy mom that I'm here?"
"Ofcourse I am. Am I really talking to a six year old girl?"
"Ofcourse mom. I miss you."nakangiting sabi nya na parang nagpapacute kaya in a snap nawala yung inis ko
"I miss you too baby."sabi ko sabay yakap ng biglang may kumatok.
"Gel can I come?" Sabay katok ulit humiwalay naman yung anak ko sabay takbo papuntang pinto at pinagbukasan ang kumakatok.
BINABASA MO ANG
The Consequences
RomancePaano nga ba mag-desisyon sa buhay? Sana pwede natin malaman kung tama o mali para hindi tayo magka-mali. Ano nga ba ang magiging kapalit? Ganon nga ba kadali ang takbo ng buhay para hindi isipin ang mga kahahantungan ng bawat desisyon.. Ano nga ba...