Pumasok kami sa isang kwarto. Umupo si tito Mike at tita Angelou sa upuan na magkatabi sa sa left side sa harap ng table, sa right side ako umupo kaharap si tita.
"Pwede ko ba malaman ang relasyon mo sa pasyente because our topic would be sensitive?"tanong ni doktora sakin. Ano nga ba?
"Im her boyfriend."napatingin naman bigla si tita at tito sa akin. Nawala lang ang atensyon nila sakin nang magsalita ulit si doktora
"As I was saying your daugther loss her child."
"You mean miscarriage?" I asked
"She experience ectopic pregnancy."
"What do you mean doc?"tanong ko ulit. Sila tita tahimik lang, nakikinig at hinahayaan akong magsalita.
"Your girlfriend is 9 weeks pregnant. Ectopic pregnancy happens when the sperm cell and the egg cell meets at the fallopian tube and stays in the fallopian tube. We all know that the fertilized egg must go to uterus but in her case it developed at the fallopian tube. I think she dont have any idea that shes pregnant dahil yan ang nagiging problema ng nakakaranas ng ectopic pregnancy,most of them didn't experience symptoms of pregnancy and if mayroon hindi agad masasabi na ectopic since its the same."
"Is it dangerous?"
"Definitely. Your baby cant be develop at the fallopian tube thats why the mothers life would be in danger too. In the case of your girlfriend the embryo has no heart beat and shes in the early stage of pregnancy so she can be treated by medicine. But because of stress, and unhealthy lifestyle she experiece bleeding. Once the patient experience bleeding she have to undergo surgery to remove the embryo because its more safer."sa sinabing yon ng doctor nagkatinginan kaming tatlo. Hindi ako makapagdesisyon. Lutang ang isip ko. Ano ba tong nangyayari samin.?
"Gawin nyo po kung ano ang dapat."biglang sabi ni tito. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko, pero hindi para tumutol. Kailangan ko lang makapag-isip at mapag-isa. Lumabas ako agad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa chapel ng ospital. Walang tao ako lang mag isa.
'Bakit ganito nawawala ang anak ko may mawawala na naman? Ganon ba talaga kalaki ang kasalanan ko? I want to grab this chance para maging mabuti sa kanila pero bakit pilit mong kinukuha? Kulang pa ba ang lahat ng isinakripisyo ko? Hindi pa ba sapat na dumipende ako sa plano mo? Bakit ganto? Ang hinangad ko lang ay mabuo ang pamilyang gusto ko, pero bakit ikaw mismo ang kumukuha ng pagkakataon ko. Gusto kong maniwala na pagsubok lang to. Hanggat kaya ko pa mananalig at maniniwala ako sayo, na para ito sa ikagaganda ng buhay namin balang araw. Pero sana pagdating ng araw na yon may lakas pa rin ako, na maniwala sa kapangyarihan mo. Panginoon huwag mo hayaan ang mga mahal ko sa buhay. Sila ang lakas at inspirasyon ko. Huwag nyong hayaan na mawala ako sa landas nyo.'
Pinalaki kami ng mga magulang ko na madasalin. Palagi nilang sinasabi na kapag Diyos ang nagplano lahat ay posible. Gusto kong maniwala, at hanggat kaya ko kakapit ako sa kanya. Bigla namang may tumapik sa balikat ko
"A brave man really cry."si tito. Pinahid ko agad ang luha kong hindi ko namalayan na tumulo, nakakahiya kay tito.
"Pasensya na po."
"For what? Alam mo walang masama sa pagiyak. Tao lang din naman tayong mga lalaki eh may kahinaan din. Dahil sa pag-iyak lalo tayong tumatapang, lumalakas."paliwanag ni tito
"Salamat po. Pero pagpasensyahan nyo po yung manner ko kanina. Alam ko pong hindi tama. Naguluhan lang talaga ako kaya umalis ako."nakayuko lang ako. Nakakahiya yung inasta ko kanina.
"Alam kong mas higit kang nasaktan sa nalaman natin kanina. Pero alam kong naiintindihan mo ang desisyon ko. Kagaya ko ama ka na rin at wala naman tayong ibang gugustuhin kung hindi ang kaligtasan ng mga mahal natin sa buhay."
BINABASA MO ANG
The Consequences
RomansaPaano nga ba mag-desisyon sa buhay? Sana pwede natin malaman kung tama o mali para hindi tayo magka-mali. Ano nga ba ang magiging kapalit? Ganon nga ba kadali ang takbo ng buhay para hindi isipin ang mga kahahantungan ng bawat desisyon.. Ano nga ba...