CHAPTER 12

40 1 0
                                    

"Hi kuya wow ang sigla na ulit ng kambal ah."bati ko habang bungisngis nang bungisngis yung kambal lalo na si Christine, boy and girl kasi sila. Yung isa is Maria Christine and Michael Christian yung boy.

"Oo nga eh pero kahapon halos liparin ko mula office makarating lang agad sa ospital."sabi ni kuya habang buhat si Christian, yan ang sakitin sa dalawa kaso iyakin naman si Christine kapag nagkakasakit si Christian kaya madalas sumasabay yung asthma nya.

"Mick pasensya na ah hindi ko napilit si Georgina na sumama sakin gusto ka daw kasi nyang i-surprise."sabi ni Ate Bel. Nasabi ko kasi na si Ge ang nagasikaso kay Georgina.

"Ok lang ate Bel, safe naman siya."sabi ko habang inaayos yung mga plate kasi magbrebreakfast palang kami.

"Ganyan... kapag si Bel ang dahilan kung bakit makikita ng mga Smith si Georgina ok lang pero pag ako may sampal na may hampas pa."angal ni kuya kaya piningot ko

"Ikaw kasi sinasadya mo si ate hindi naman."

"Mas mahal mo lang talaga si Bel kaya ganyan ka. Tandaan mo kadugo mo ko."sinabunutan ko nga kahit hawak nya si Christian, abnormal kasi.

"Matanda ka na kuya. Grow up. Gisingin ko lang ang mga bata."then iniwan ko na sila sa dining.

Totoo ngang the more the merrier. Puro laughter ng mga bata ang naririnig sa bahay. Nakakatuwa.

"Mick dito na ba kayo magsstay ni Georgina?"tanong ni ate Bel. Nasa garden kasi kami nasa pool area yung mga bata kasama si kuya. Kami ni ate Bel ang nagaayos ng snack.

"Ayaw ni Georgina ate eh. Staka sasama daw sya sakin sa school and office pinagbigyan ko na,namimiss ko na rin eh"

"Pag bata talaga ang nag-request ang hirap makatanggi."sabi ni ate Bel

"Ate pano kung hindi mo binalikan si kuya tapos hindi nya alam na may anak pala sya itatago mo ba or you'll let him know?"tanong ko

"Alam mo Mick kagaya ng sabi ko mahirap mag-bigay ng advice kapag hindi mo pa nararanasan. Pero syempre hindi ko yun ililihim sakanya. May karapatan sya eh at isa pa dalawa kaming nag-enjoy nung ginawa namin yun kaya dapat pareho rin kaming mag-hirap."napangiti naman ako sa sinabi ni ate pero hindi ako kuntento.

"Seriously ate if we're in the same boat anong gagawin mo?"tanong ko ulit.

"Sasabihin mo pa rin ba kahit alam mong pwedeng ilayo sayo ang anak mo?"habol ko pa.

"Kung ako ang nasa kalagayan mo sasabihin at sasabihin ko pa rin. Unang-una, kilala ko ang kuya mo alam kong hindi nya kakayaning mawalan ng ina ang anak nya. May mga bagay na tanging ina lang ang makapagbibigay at may mga bagay din na ama lang ang makapagbibigay. Pangalawa, tingnan mo ang ngiti sa mukha ng mga anak namin. Hindi ko yan maibibigay si Milo lang ang nakakagawa nyan sa kanila. At ngayong magulang na rin ako, hindi ko kakayaning malayo sila sa akin. Kaya what more pa kung hindi ko sila makilala at makasama, mas masakit atang mabuhay na hindi man lang ako naging parte ng buhay ng mga bata. I'm sure kilala mo ang ama ng anak mo. Wala ka bang tiwala sa kanya?"sagot ni ate Bel habang nakatingin sa mga bata na nasa pool area

"Pero ate natatakot ako. Anak ko lang ang pinagkuhanan ko ng lakas, sya nalang ang meron ako na masasabi kong akin."

"Sshh wag kang umiyak. Hindi naman kita pinipilit or sinusumbatan sa mga desisyon mo eh. Hindi mo rin kailangan pilitin ang sarili mo because I know you'll come around."sabi ni ate Bel sabay yakap sakin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, ang iyakin ko talaga.

"Mommy why are you crying?" Napahiwalay naman ako bigla kay ate Bel ng marinig ko ang anak ko kaya nagpunas agad ako ng luha good thing is nakatalikod ako sa kanya

The ConsequencesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon