Hindi ko alam kung may sasabihin pa ba ko. Itinulak ko nalang sya at akmang lalabas na ng hawakan nya ko sa braso
"Tatakasan mo na naman ba toh Gel?" Pilit nyang hinuhuli yung tingin ko at ganun din ako kapursigido para iwasan yon. Itinulak ko sya and good thing nakawala ako agad kaya dali-dali akong dumiretso sa unit ko.
Pagtakas na ba ang ginagawa ko? Oh natatakot lang ako sa kahulugan ng mga sinabi nya? Arrghh naguguluhan na ko sa nararamdaman ko at dapat kong maramdaman. I need to talk to someone at isang tao lang ang makakaintindi sakin.
"Hi ate Bel naistorbo ba kita?"sabi ko sa kabilang linya.
"Uhm hindi naman Mick."alanganing sabi ni ate Bel nang may biglang sumigaw. 'Oo Mick sobrang naistorbo mo kami' Iyon ang boses ng isang nainis na kuya dahil nabitin.
"Wag mong intindihin ang kuya mo Mick, ano bang atin?"
"Next time nalang ate mukhang may session ata kayo ni kuya. Mahirap suyuin ang bitin kaya sige go lang. Ingat ah baka maka shoot na naman." Asar ko
"Ikaw talaga sige I'll free my sched on wednesday. Alam mo ang tagal na nating di nakapag bonding kasi palagi may istorbo."
"Sure, enjoy your night."then we ended the call. Ate Bel really knows when I'm sad. Mabuti pa sila kuya happily settled. Pero hindi ba parang ako lang ang nagpapahirap sa buhay ko?
After that night mas naging civil kami ni Ge. We talk and smile to each other when Georgina is there pero pag wala where strangers. Its better to be a strangers than to be enemies, right? Atleast we're civil.
"Mommy I'll just go to the comfort room." Paalam ni Georgina. Nasa mall kami with ate Bel, Michelle and Missirielle. Ngayon kasi yung napagkasunduan naming pagbobonding ni ate Bel.
"Wait I'll go with you." I was about to remove my table napkin when she stop me. Kumakain kasi kami sa isang Italian restaurant at walang sariling toilet dahil malapit lang yung comfort room sa lugar nila
"No mommy I can manage."
"Tita I'll go with her na rin po, magccr lang my' wait lang po ah."paalam ni Michelle so I let her, kampante ako dahil kasama naman niya si Michelle. After a while biglang bumalik si Michelle.
"Where's Georgina?"ate Bel asked
"Nasa cr pa po pero babalikan ko pa sya I'll just get my bag. You know private matters."then she go again.
Minutes had passed pero hindi pa rin sila bumabalik. We already finish our food. Kinakabahan tuloy ako, parang may mali.
"Ate Bel sundan ko na sila sa cr. Ang tagal nila eh. I'm getting worried."
"Dont over think Mick baka mahaba lang ang pila. Oh iyan na si Michelle." Tapos biglang napatayo si ate Bel sa upuan nya kaya nagulat ako
"Michelle what happened?"she asked then biglang yumakap si Michelle sa kanya at walang tigil sa kakaiyak
"Mommy ti---ta I---I'm sorry."
"Why? What happened? Where's Georgina?" I worriedly asked
"I told her po na just wait for me outside pero paglabas ko sa cubicle wala na sya. Pinuntahan ko rin po yung mga malapit na lugar na pwede nyang puntahan pero hindi ko po sya nakita I'm really sorry po" Ifroze. Nawawala ang anak ko.
Parang wala ako sa sarili na biglang hinablot yung bag ko na nakapatong sa upuan at dali daling lumabas.
"Mick sandali!!"tawag sakin pero para akong bingi at tuloy tuloy lang. Nagsisimula ng magtubig ang mata ko pero ayokong umiyak. Kailangan kong magpakatatag.
BINABASA MO ANG
The Consequences
RomancePaano nga ba mag-desisyon sa buhay? Sana pwede natin malaman kung tama o mali para hindi tayo magka-mali. Ano nga ba ang magiging kapalit? Ganon nga ba kadali ang takbo ng buhay para hindi isipin ang mga kahahantungan ng bawat desisyon.. Ano nga ba...