I cry in front of my daughter pero iyon ang bagay na hindi ko ikakahiyang ipakita sa kanila. Tears of joy ika nga at iyon ay dahil sa kanila. Ang two precious diamonds ng buhay ko. Nung nasa lamesa kami at naghahapunan ay nakikita ko uli si Gel. Yung Angel na minahal ko simula palang. Yung maalaga, masayahin, makulit at maaruga. Lahat naman na ata nasa kanya dahil mahal ko lahat ng pangit at maganda sa kanya.
"Daddy sa one bed nalang po tayo sleep please.."wika ni Georgina nang paakyat kami sa kwarto. Kakatapos lang namin kumain at magkabilang kamay namin syang hawak ni Gel.
"Payag ka ba mommy?" Baling ko kay Gel. Saglit syang ngumiti sa akin at bumaling muli ka Georgina
"Ofcourse anything for my angel." Sagot nya dito. Nang makaakyat kami ay humiwalay muna si Gel samin upang kumuha ng pamalit ni Georgina.
"Daddy come close po."tawag sakin ni Georgina habang nakatayo ito sa gitna ng kama. Lumapit naman ako at umupo sa gilid ng kama.
"Why?"tanong ko. Umakbay sya sakin sabay luhod sa tabi ko para mapantayan ako
"Mommy come po."tawag nya kaagad kay Gel ng makapasok ito dala ang pantulog nya. At kagaya ng ginawa nya sakin ay inakbayan nya rin ako.
Hinalikan nya ang magkabilang pisngi namin ni Gel at sabay kaming niyakap kaya nasa balikat nya ang ulo namin ni Gel.
"Thank you mommy, daddy"sabay na sabi nya samin. Nagkatitigan naman kami ni Gel. Ilang sandali lang ay naglinis na sila ng katawan para matulog,pagkatapos nila ay nag-half bath na rin ako. Pagkatapos ko ay nakita kong kinukumutan na ni Gel si Georgina.
"Sa gitna daw sya,ok lang?"tanong ni Gel sakin
"Ofcourse, I wont mind."sagot ko sa kanya at sabay na kaming humiga sa tabi nito. Hinalikan nya ulit kami pareho sabay kuha ng magkabilang kamay namin.
"Good night mommy daddy I love you." Magkasabay na pumikit ang dalawa pero ilang minuto na ang lumipas at ilang beses ko na ring sinubukan matulog ay hindi ko magawa. Random thoughts are running in my mind. Why theres a sudden change about Gel, bigla nalang din umalis si ate ng hindi nagpapaalam pagkatapos nalaman ko pa kay nay Lydia na nagusap ng masinsinan silang dalawa, at mugto pareho ang mga mata.
Naramdaman ko nalang na gumamalaw ang kama dahil nga sa nakapikit ako at bigla nalang may yumakap sakin and by the scent of it alam kong si Gel yun.
Dumilat ako at umayos ng higa. Inusog ko rin ng konti si Georgina para makahiga ng maayos si Gel, inunanan nya naman ang braso ko sabay yakap sa bewang ko. Nang silipin ko sya ay nakadilat parin sya.
"Hindi ka ba makatulog?"tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin staka ngumiti. Lalo naman humigpit ang yakap nya sakin
"May problema ba?"
"Nakausap mo na ba si ate Dine?" Balik tanong nya sakin
"Hindi pa, pero ang sabi ni kuya bumalik na ito sa Ireland. Bakit inaway ka ba nya?"
"Hindi noh,grabe ka naman kay ate. Actually biglaan yung pag alis nya dahil nagkasakit ang bunso nya.." Yung light mood nya kanina nahaluan ng bigat. Medyo nangapal yung boses nya na parang naiiyak
"Hey you ok? Don't worry ganon lang talaga ang prinsepe ni ate, nagkakasakit kapag nalalayo sa kanya."sabi ko sa kanya sabay kabig ng braso ko na inuunanan nya para maramdaman nyang yakap ko rin sya.
"Alam mo bang excited syang umuwi dahil excited syang sabihin sa asawa nya na may posibilidad na madagdagan ang pamilya nya."
Wow as in wow. Masaya ako para kay ate. Matagal din ang hinintay nila bago masundan. Pero ayokong maging insensitive. Pareho kaming may pinagdaanan pero alam kong mas mahirap kay Gel. Minsan tinanong ko kay mom kung ano ang pinagkaiba ng ama at ina ang sagot ni mommy 'Anak ang ina nagagawa nyang mahalin ang anak kagaya ng pagmamahal ng ama pero ang ina may personal na ugnayan sa anak at kahit maputol pa yon hinding hindi na yun mawawala sa pagkatao ng mag-ina' paliwanag ni mommy.
BINABASA MO ANG
The Consequences
RomancePaano nga ba mag-desisyon sa buhay? Sana pwede natin malaman kung tama o mali para hindi tayo magka-mali. Ano nga ba ang magiging kapalit? Ganon nga ba kadali ang takbo ng buhay para hindi isipin ang mga kahahantungan ng bawat desisyon.. Ano nga ba...