PROLOGUE

4.4K 182 10
                                    

"Renalee! Don't you dare to disobey me!"yan ang sabi ng Daddy ko nang suwayin ko ang inuutos niya sa akin.

Paanong hindi ako sasang-ayon sa mga sinabi niya kung ang gusto niya ay dalhin ako sa ibang bansa para mag-aral?

"Daddy! Kahit kunin niyo ang mga gamit at cards ko, hinding hindi ako papayag sa gusto niyo!"

"Bakit?! Dahil ba sa nanay mo?! Wala siyang kwenta! She left us!"

"She left us because of you!"sigaw ko sa kanya at kita ko ang pagtahimik niya sa sinabi ko. Sa buong buhay ko, siya lagi ang sinusunod ko sa mga gusto niya kahit ayaw ko. But i had enough. I can't take it anymore.

"You ruined my life! Ito na lang ang kaligayahan ko. Ang manatili dito dahil nandito ang mga taong gusto ko! Hindi sa ibang bansa!"giit ko.

"I'm doing this for you! For yourself!"

"No! Ginagawa mo 'to dahil gusto mo akong ilayo sa mga bagay na hindi maganda para sa'yo. Daddy. Please! Paburan mo naman ang mga gusto ko."pagmamakaawa ko. Sana ito man lang.

"I will not agree with that. Never."

I knew it. Kahit anong pakiusap ko sa kanya, hindi talaga siya papayag. He never agree to everything i said.

"I really hate you."sabi ko sa kanya at tumakbo palabas ng kanyang study room.

"Renalee!"

Tumakbo ako at lumabas ng mansyon. Pinigilan ako ng mga guard pero nagpumilit akong lumabas. Narinig ko pa si Daddy na nagsalita sa mga guard pero di ko na lang siya nilingon.

All my life. I've never experience to have a happy family. Minsan iniisip ko na lang ma dapat hindi na lang ako pinanganak.

Sa aking pagtakbo ay patuloy ang pag-agos ng aking luha. Hindi ito ang una kong pag iyak pero ito ang pinakamasakit sa akin. Hindi ko na alam kung saan ako dalhin ng aking mga paa sa pagtakbo ko.

"Miss!"Napalingon ako sa isang lalaking tumawag sa akin. Nakarinig ako ng isang malakas na busina sa aking harapan. Isang malaking truck ang papalapit sa akin.

Hindi makagalaw ang aking katawan dahil sobrang blangko ng aking utak. Saka ko na lang namalayan na nakahandusay na ako sa sahig. Hindi ako makahinga ng ayos. Ang aking pandinig ay humihina. Ang mga mata na na unti unting nanlalabo.

"Miss! Tulong! Call the ambulance!"hindi ko alam ang mga nangyayari. Sobrang nanghihina na ako.

Ito na ba ang katapusan ko? Am i really going to die?

Hindi na kaya ng katawan ko. Namamanhid na. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil bumagsak na ang aking mga mata.

---

"Lady Resha? Lady Resha! Huwag niyo po kaming iwan!"

"Hmm...."

Nagising ako ng may narinig akong boses ng isang babae. Ano ba yan?! Ang ingay!

"Lady Resha! Mga Dama! Tawagin niyo ang manggagamot at gising na ang binibini!"

Pumikit pikit muna ako dahil parang galing ako sa isang mahabang pagtulog. Dahan dahan akong bumangon at kinusot ang aking mata dahil medyo malabo ang paningin ko ng minulat ko ito.

"Kinagagalak ko at nagising na kayo, Lady Resha!"

"Ah!"nagulat ako ng bigla akong yakapin ng isang babae. Wait....

"Matutuwa ang Duke dahil gising na kayo!"sabi niya ng kumawala siya sa yakap. Wait. Wait. Naguguluhan ako. Pinagmasdan ko ang babae na tuwang tuwa na nakaharap sa akin. Iba ang itsura ng damit niya. Nakasuot ito ng sleeveless dress na puti mahaba.

Nasaan ako? Nasa ospital ba ako? Ang tanda ko may tumawag na ambulansiya. Pinagmasdan ko ng maigi ang babae. Uso ba ang ganitong dress sa ospital?

"Teka. Sino ka?"tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay. Suminghap ito at gulat na gulat ang itsura ng mukha.

"Hindi maaari. Nawalan ka ng alaala."sabi nito saka biglang umiyak. Wait. Ano bang problema nito? Nagulat ako ng makita ko ang paligid.

What the heck?! Nasaan ako?! Ospital ba ito?

Ang kwarto sobrang iba ang itsura. May chimineya, ang upuan na itsurang upuan ni Queen Elizabeth. Ang kama na hinihigaan ko. May kurtina. Anong lugar 'to?

"Where am i?! Anong nangyari sa akin?!"sabi ko at kita sa mukha ng babae ang pagtataka.

"Nandito na po ang Doktor!"napatingin ako sa isa pang babae na may kasamang lalaki. Whats happening?! Mas lalo akong naguluhan dahil iba ang suot nilang mga damit.

"Salamat at nagising kayo sa inyong pagkakahimlay, Lady Resha."sabi naman ng isang lalaki habang nalapit ito sa akin.

"Tingnan niyo po ang binibini kung maayos na ang kanyang lagay. Dahil sa kinikilos nito ay parang may epekto ang nangyari sa kanya."

Wait wait. Naguguluhan talaga ako. Sino ang mga taong ito? Anong lugar ito? Bakit Resha nang Resha ang tawag nila sakin?! Wait. Cellphone ko. Tatawagan ko si Daddy.

Hinanap ko ang cellphone ko sa kama.

"Nasaan ang cellphone ko?!"nagkunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Po? Anong selpon?"What?! Di niya alam yun? Is she crazy?

Nagulat kami ng makarinig kami ng kalabog sa pintuan. May isa pang lalaki ang dumating pero mas kakaiba ang suot niya kesa sa mga nauna.

"Mahal na Duke!"tawag nila dito. Anong pinagsasabi nila? Pinagmasdan ko ang itsura niya. Mas disente ang suot niyang damit. In fairness, gwapo siya pero yung mga mata niya wala man lang emosyon na makikita. Ang lapad ng balikat nito at maskulado.

Lumapit siya sa gawi namin.

"Sino ka naman?"tanong ko sa kanya. Kita ko kung paano gumuhit ang labi niya pataas.

"Ano ka ba,Lady Resha! Siya ang Duke at namamahala sa lugar na ito. Siya din ang mapapangasawa mo."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae.

"WHAT THE F*CK?!"

Hindi ko pa alam kung anong nangyayari at bakit ako nandito tapos may mapapangasawa agad ako?! Mababaliw ako ngayon sa nangyayari.

∆∆∆∆∆

Disclaimer: This is a work of fiction. unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon