Renalee's POV
Kumain ako ng kumain dito sa pakain ng Prinsipe. Infairness masarap ang pagkain. Parang nakain ako sa mga hotel tulad ng mga kinakainan namin sa hotel kapag magbabakasyon.
Pinagmamasdan ko lang ang mga tao na nandito sa kaharian. Grabe. Ang eengrande ng mga tao dito. Wala kang makikita na pangit ang suot. Halos lahat parang mga maharlika ang itsura. Yung iba ay makikita mo sa sulok ang mga grupo ng mga matatandang babae na parang nagchichismisan. Hindi talaga mawawala ang mga chismosa kahit saan.
"Dahan dahan ka sa pagkain mo. Hindi ka mauubusan ng makakain dito."sabi sa akin ni Duke Vale. Saglit ko lang siya tiningnan at saka inirapan. Ano sa tingin niya sa akin? Matakaw?!
"Heh! Masarap ang pagkain kaya susulitin ko na. Minsan lang makatikim ng masarap."sabi ko.
"Hindi ba masarap ang mga hinahain ko sa iyong pagkain sa Sumer?"sabi niya sa akin. Tumitig lang ako saka sumubo ng tinapay.
"Oh baka gusto mong sarili ko ang ihain para masarap ang iyong pagkain."nakangising sabi niya kaya bigla akong mabulunan.
"Ugh...! No way! Pinagsasabi mo?!"sabi ko saka uminom ng tubig. Ibang klaseng bumanat ang Dukeng ito. Narinig ko ang kanyang pagtawa.
"Hahaha! Biro lang. Nakakatawa ang itsura mo."sabi nito at patuloy pa din sa pagtawa. Nakakainis talaga siya kapag binibiro niya ako. Pero hindi ko mapigilang matulala sa kanya kapag tumatawa siya sa harap ko. Parang nag-iiba siya. Hindi tulad na laging seryoso.
"Tss. Tatawang tawa ka?"
Tawa pa din siya ng tawa kaya nakasimangot ako habang sunod sunod na sinusubo ang kinakain ko. Tawa ka lang. Masamid ka sana.
"Duke Vale."natigilan kami ng may lumapit sa aming lalaki.
"Ano ang iyong kailangan?"sabi ni Duke Vale. Bumulong ang lalaki sa kanya. Nacurious tuloy ako kung ano ang binubulong ng lalaki.
"Sige. Susunod ako."sagot niya. Yumuko ito saglit at umalis na.
"Ano ang sabi niya?"tanong ko.
"Dito ka lang. Huwag kang aalis. May pupuntahan lang akong mahalagang bagay."sabi niya at saka tumayo. Kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay.
"Babalik ka."sabi ko dito. Ewan ko ba bakit ko biglang nagawa yun. Kita ko ang pagguhit sa kanyang labi.
"Huwag kang mag-alala. Babalik agad ako."sabi niya habang nakangiti. Nakaramdam na naman ako ng kabog bigla sa dibdib ko. Ano bang nangyayari sa akin? Kaagad kong binitawan yung paghawak ko sa kamay niya.
"Dapat lang na bumalik ka. Alangang hindi ka bumalik. Hindi ko alam ang pasikot sikot dito. Maligaw pa ako."sabi ko pa sa kanya. Nagulat ako ng may humawak sa ulo ko at napatingin ako kay Duke Vale na nakangiti saglit.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Ano ba naman yan! May problema ata sa puso si Resha at nakakaramdam ako ng ganito. Umalis na siya pagkatapos habang ako ay nakaupo pa din dito.
Hay naku. Sana hindi siya magtagal. Mahirap mag-isa dito lalo na't hindi ko alam ang lugar na ito. Sa Sumer pa nga lang naliligaw pa ako. Dito pa kaya.
Duke Vale's Pov
Sinundan ko sa paglalakad ang kawal na tumawag sa akin. Inaasahan ko talaga ang pagtawag sakin ng Mahal na Hari. Hindi ko aakalain na ipapatawag niya ako. Ngunit kailangan kong bumalik agad para hindi mainip si Resha.
Iba pa naman magalit ang babaeng iyon.
"Dito po."tumigil kami sa paglalakad at humarap sa isang malaking pinto na may dalawang kawal na nakabantay. Yumuko muna ang mga ito bago buksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)
RomanceRenalee Lustros is a woman who only want is to be free. To do that no one can control her or dictate her. Paano na lang kung isang araw ay paggising niya nasa ibang lugar na siya? Isang lugar na malayong malayo sa kanyang pinanggalingan. At sa kany...