CHAPTER X

621 29 0
                                    

Renalee's POV

Grabe. Ang bilis maglakad nito. Parang kabayo sa bilis. Napatigil ako sa paghabol sa kanya kasi hinihingal na ako. Halos takbuhin ko na para pasundan siya.

Parang natatae na siya sa lakad niya. Ano bang meron sa reyna at nagmamadali siyang maglakad?

"Lady Resha! Bakit po ba ang bilis niyo maglakad?"sabi ni Esdel na hingal na hingal.

"Eto kasing Duke. Sinusundan ko siya para makita ko din yung Reyna. Ang bilis niya maglakad."sabi ko sa kanya.

"Naku, binibini. Huwag niyo na pong sundan ang Mahal na Duke. Marahil may mahalagang pag uusapan ang Duke at ang Reyna."sabi ni Esdel kaya napasimangot ako. Naman eh!

Gusto ko pa naman makita ng malapit ang Reyna. Ngayon lang ako makakakita ng totoong Reyna no. Susulitin ko na.

"Ah basta! Susundan ko siya!"sabi saka hinawakan ko ang aking suot mahabang dress. Langya. Ang bigat talaga nito. Tinanggal ko ang suot kong sapatos saka tumakbo ng mabilis para mahabol ko si Duke Vale.

"Lady Resha! Huwag po kayong tumakbo!"rinig kong sabi ni Esdel kaya hindi ko na siya nilingon at tumakbo na lang ako ng mabilis.

Medyo malayo na si Duke Vale pero natatanaw ko pa din siya at kung saan siya pupunta. Paano kaya natitiis ng mga ito ang mabigat na suot na dress na ito. Grabe sa bigat ha. Nakita ko ang pagtigil ni Duke Vale sa paglalakad at humarap siya sa isang silid na puno ng mga guard. Wow. Parang Presidente. Kita ko ang pagtungo ng mga guard saka pinapasok si Duke Vale.

Hala! Gusto ko din pumasok. Kaagad akong naglakad ng mabilis para makasabay ako sa pagpasok sa loob.

"Wait!"sigaw ko pero di nila ako narinig at naisara na nila ang pinto. Hay sayang!

"Oy! Papasukin niyo ako sa loob."sabi ko sa mga guard. Tumingin sila sa akin.

"Sino ka? At anong dahilan para gusto mong pumasok sa loob?"tanong ng isang guard. Napakamot naman ako sa ulo dahil hindi ko alam ang isasagot.

"Hehe. Ako daw si Resha. Lady Resha ang tawag sa akin. Kilala ko naman yung pumasok kaya allowed akong pumasok sa loob."sabi ko kaya akma kong bubuksan ang loob pero bigla akong hinarang ng dalawang guard ang pinto gamit ang mahabang sibat na hawak nila.

"Hindi maaari. Kahit kilala ka pa ng sinumang tao na nasa loob ay wala kang pahintulot na pumasok."sabi nito.

What the heck naman. Higpit ah. Gusto ko lang naman makita ng malapitan ang Reyna nila eh. Wala naman akomg gagawing kalukohan na parang kukunin ko korona niya.

"Dali na! I just want to see the queen. Porket kayo halos araw-araw na siya nakikita. Ako first time lang."maktol ko. Hindi man lang sila natinag sa sinabi ko at nakatingin lang ng diretso.

Tsk! Damot!

"Huh! Ayaw niyo ah. BDO toh. I find ways!"sabi ko at umalis sa harapan nila.

Balak kong pumuntang labas para hanapin ang bintana ng silid na iyon. Syempre sisilip ako. Pero pagpunta ko sa labas ay napanganga ako sa nakita ko.

"The hell."grabe ang taas ng bintana! Paano ko makikita yung mga iyon? Hindi madaling akyatin ito ng mga akyat-bahay dahil sa taas ng mga bintana. Naghanap ako ng mga bagay na pwedeng pag aakyatan pero wala. Ano ba yan!

"There!"may nakita akong isang puno na may natatapatan ng bintana. Makikita ko din yung Reyna. Hihihihi.

Medyo pahirapan ako sa pag-akyat dahil sa letcheng dress na suot ko. Nasabit sa mga sanga ng puno. Pinipilit kong hilahin para makaakyat ako ng ayos. Hayaan ng mapunit. Natuwa ako dahil naabot ko na yung taas na kung saan may natatapatan ng bintana. At sakto! Iyon ang room na pinasukan ni Duke Vale.

"Eh? Ano kaya pinag- uusapan nila?"kita ko na parehas silang nakaupo na magkatapat. Parang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Ang seseryoso ng mga mukha nila eh. Napatingin ako sa Reyna. Hala! Ang ganda niya! Kahit mukang may edad na siya sa itsurang iyon ay kita pa din ang kagandahan niya. Hindi ko masyadong makita ng malapitan dahil malayo sila.

Duke Vale's Pov

"Duke Vale."bati sa akin ni Reyna Triana na nakaupo. Nakita ko si Ministro Feron na nakatayo sa isang tabi at tumango lang sa akin ng makita ako.

"Kinagagalak pong makita kayo dito sa Sumer,Kamahalan."bati ko ng makalapit ako at umupo ako sa kanyang tapat.

"Nang dumating ako ay wala ka. Saan ka nagtungo?"tanong ng Reyna.

"Pumunta lamang ako sa hilaga para bisitahin ang puntod ng aking ama."sagot ko sa kanya.

Pinagmamasdan ko ang Reyna Triana. Nakakagulat dahil pumunta siya dito sa Sumer. Ito lang ang pangalawang beses na pumunta siya dito. Ano kaya ang dahilan ng Reyna? Sa lahat ng bahagi ng maharlikang pamilya ay bibihira lamang silang lumabas ng kanilang palasyo. Lalabas lamang ang mga ito kapag may mahalagang pagtitipon o kaya may mga bagay silang inaayos.

"Balita ko ay maayos na ang pakiramdam ni Lady Resha na anak ni dating Konde Wain."sabi niya kaya nabahala ako. Hindi ko alam na may alam pala ang Reyna sa nangyari kay Resha. Paano niya ito nalaman?

"Opo. Unti unti na pong umaayos ang kalagayan niya."

"Mabuti naman kung ganun. Nakakalungkot ang sinapit niya lalo na't nawalan na siya ng mga mahal sa buhay."sabi nito saka hinigop ang tsaa na hawak nito.

"Hindi ko po pinababayaan ang binibini."

"Hmm. May sasabihin ako sa iyong mahalaga kaya ako napunta dito."binaba nito ang hawak na tsaa at pinunasan ang kanyang bibig gamit ang panyo niyang dala dala.

Tama ang hinala ko. May mahalaga siyang sasabihin kaya siya nandito.

"Iuuwi na si Clovis."sabi niya. Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sa tagal na niyang malayo dito sa Emperyo ng Larke dahil sa matagalang paggagamot sa sakit nito. Isang malaking balita na uuwi na siya. Ang Prinsipe ng Larke. Si Clovis, ang kokoronahang susunod na magiging hari. Ang isa sa matalik kong kaibigan at ang malupit ko ding kaaway.

"Nakakagalak at uuwi na siya. Alam kong magkaibigan kayo."sabi ng Reyna. Noon. Kaibigan noon.

"Ikinagagalak ko ang pag-uwi niya,Kamahalan."sabi ko.

"Hinihiling ko na sana ay makadalo ka sa malaking piging upang idiwang ang pagdating ng Prinsipe, Duke Vale."

Bumuntong hininga ako saka tumingin ng taimtim. Inaasahan ko talaga na yan ang sasabihin mo dahil pinapakita mo sakin ang kagalakan mo sa iyong anak na prinsipe.

"Walang kasiguraduhan na makakadalo ako,Kamahalan. Madami akong mga gawain. Paumanhin kung ganoon."sabi ko. Nakita ko ang pagguhit ng mga labi nito. Tumayo na ito at nagsimulang maglakad.

"Irerespeto ko ang iyong tugon, Duke Vale."sabi ng Reyna. Napangisi ako sa sinabi niya. Sa iyo pa talaga nagmula iyan, Reyna Triana.

"Bago kayo umalis. Ipaabot niyo ang aking pagbati sa inyong mahal na prinsipeng anak ang aking pagbati.........Ina."diing sabi ko. Kita ko ang saglit na paglingon niya at lumabas ng silid kasabay ng kaniyang mga kawal.

Nakakatawang isipin na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang anak na may lahing maharlika kesa sa anak na may lahing dukha.

**************

A/N: Hello! Good day readers! Pasensya na sa matagal na update dahil nagiging busy ako sa work. But still im trying my best na mag update kahit papaano. Maraming salamat sa pagbabasa!(^^)

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon