Renalee's POV
Pinaghanda kami ni Punong dama Silene ng aming pagkain. Syempre nagulat na naman ako dahil sa dami ng pagkain. Ang sarap tumira dito ha. Laging madami ang sineserve na food. Pero bakit parang karamihan ay gulay ang pagkain.
"Paumanhin at kakaunti ang aking naihandang pagkain."sabi ng Punong dama.
What? Kakaunti pa ba yan? Piyesta na nga ang handaan.
"Buti at naipagluto ko kayo ng paborito niyong pagkain, Lady Resha."sabi pa nito.
"Talaga po? Alin po ba dito?"excited na tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang mga nakahanda. Walang pamilyar sakin. Ang alam kulang adobo at afritada.
Yes. Nasabi kong mayaman ang pamilya ko pero hindi ako mahilig kumain sa mga mamahaling restaurant. Mga lutong bahay lagi ang gusto kong kainin.
"Eto po. Paborito niyo ito."inabot niya sakin ang isang plato na punong puno mg gulay. Mukhang caesar salad. Napangiwi ako.
"E-to?"turo ko. Ngumiti siya sa akin.
"Opo. Iyan lagi ang hinihingi niyo pagkain sakin."pinagmasdan ko ang pagkain. Puno ng green vegetables at iba pang gulay.
"May lahi ba akong kambing?"sabi ko.
"Pfft!"narinig ko ang pagpipigil ng tawa ng lalaki sa tabi ko.
Sige. Tumawa ka. Ibusalsal ko sayo ang pagkain na ito.
"Palabiro pala kayo,Binibini."natatawang sabi ng Punong dama.
"HAHAHA!"sinamaan ko ng tingin si Duke Vale na hindi mapigilan ang pagtawa.
"Alam mo. Ngayon ko lang narinig ang mga salitang iyan sa iyo."sabi niya habang tumatawa. Sige. Hindi nakakatuwa. Pag ganitong gutom na ako eh.
"Hehe. Kumain ka na lang dyan. Huwag kang epal."sabi ko sa kanya saka inirapan siya.
"Iyan ka na naman sa salita mong hindi maintindihan."sabi niya.
"Nyenye!"sabi ko at kinain ang sinasabing paborito ni Resha. Tss. Ang pangit ng lasa. Lasang gulay. Wala bang juice?
----
Natapos kami sa pagkain, tinulungan ko si Punong dama na maghugas ng plato. Ayaw pa nitong magpatulomg dapat daw ay manatili lang ako sa tabi ni Duke Vale pero tumanggi ako. Ayoko ngang maiwan sa lalaking iyon.
"Alam mo, ngayon ko lang nakita na tumatawa at ngumiti si Duke Vale."sabi niya. Eh?
"Ang pangit nga po ngumiti. Parang aso."sabi ko. Napatawa lang siya.
"Marami kasing bali-balita tungkol sa kanya. Na isa siyang malupit at mahigpit sa mga tao lalo na sa Emperyo ng Larke."sabi niya.
Lakas makachismis ah. Naalala ko bigla yung may pinatay siyang tao. Totoo ba iyon? Halata sa itsura niya na malupit siya dahil sa walang emosyon nitong mukha. Kaya nakakagulat na makita ko siyang tumawa.
Pero parang hindi totoo yung balita nila kasi may bait palang tinataglay ang lalaking yun. Pero masungit padin siya sa akin.
"Sino po ba si Duke Vale para sa inyo?"tanong ko dito.
"Nakilala ko si Duke Vale nung dinala mo siya dito. Naaalala ko nun ay matagal na kayong magkakilala ni Duke Vale. Kasi magkaibigan ang iyong ama at ang ama niya. Mabait siya at magalang. Hindi nila alam na siyang marami ng nagawa para sa Emperyo. Kaya hindi ko alam kung saan nakuha ng mga tao ang ganung balita."
Grabe naman ang mga taong iyon. Ginagawan nila ng tsismis si Duke Vale pero ito na ngang natulong sa kanila.
"Ibang klase din po pala ang mga tao dito. Sila na ang tinutulungan , sila pa itong nagawa ng masama sa tumutulong sa kanila."sabi ko.
"Tama ka. Ang iba kasi ay iniisip na kukunin ng Duke ang trono sa anak ng Hari."
Ay intense! Parang mga napapanood kong movie at series.
"Baka mas karapatdapat ang Duke kesa sa prinsipe. Hehe."sabi ko.
May ganun kaya. Malay mo tatanga tanga ang prinsipe kaya nasasabi nila ang ganung bagay.
"Pwede po bang mamuno ang Duke?"
"Oo. Pwede itong mamuno kesa sa prinsipe na anak ng Hari. Pero depende sa mapag-uusapan ng mga matataas na tao."sabi niya.
Ow. Ganun pala kaya grabe kung manira ang mga tao dito. Sa totoo lang, medyo na curious ako sa mga tao dito. Parang may mga something. Lalo na't bakit ako nandito. At yun ang kailangan kong alamin. Hays. Ilang araw pa ba ako magiging ganito para makabalik.
"Dahil nandito ka na din, Lady Resha. Pupunta tayo sa isang lugar na matagal tagal niyo na ding hindi napupuntahan."sabi ni Punong dama Silene. Napataas naman ang kilay ko.
Saan na naman kami pupunta? Dami ko namang pinupuntahan ngayong araw.
Tinapos na namin ang paglilinis kaya dumiretso na ako sa living room nila na kung saan nakaupo pa din si Duke Vale na abala sa pagbabasa.
"Aba. Nagbabasa ka din pala. Ano iyang binabasa mo?"sabi ko dito saka lumapit.
"Wala ito."sabi niya saka mabilis na tinago sa kanyang balabal na suot ang libro.
"Hmph! Damot mo ah."sabi ko. Tumayo ito at inayos ang kanyang suot.
"Ayusin mo na ang sarili mo at tayo ay pupunta sa dapat nating puntahan."sabi niya at naglakad palabas.
Tingnan mo. Sungit mode na naman siya. Hirap talaga nito kapulong.
"Halika na, Binibini baka gabihin pa tayo."sabi ni Punong dama na nakapagpalit na ng kanyang damit. Wow ang bilis ha. Kanina lang kakatapos lang namin maglinis.
"Sige."
Naglakad kami sa isang kakahuyan na malapit sa bahay. Natanaw ko si Duke Vale na medyo malayo ito sa amin sa paglalakad. Nagmamadali ba siya. Unang una siya masyado samin.
"Saan ba tayo pupunta, Punong dama?"tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa kin at hindi nagsalita.
Nice talking. Ngiti lang ang respond ha.
Hindi naman malayo ang aming nilakad. Maliwanag pa naman kaya hindi creepy sa paglalakad namin sa kakahuyan. Mahirap na baka may aswang na bumungad.
"Nandito na po tayo."sabi ni Punong dama.
Tumigil kami sa isang maliit na bahay. Pero para hindi siya bahay. Nakita ko si Duke Vale na nakatayo lang sa isang kahoy at nakasandal.
"Pumasok ka na sa loob. Ang bagal mo maglakad."sabi niya. Tss. Sungit talaga.
"Halina sa loob, binibini."yaya sakin ni Punong dama. Tumango ako sa kanya at sinamahan ako sa loob.
Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang dalawang malalaking bato na nakatayo. Ano ito? Bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko?
"Ano ang mga ito?"
"Dito po ang lugar kung saan nakalibing ang mga magulang niyo, Lady Resha."sabi niya.
Ngayon alam ko kung bakit iyon ang sinabi ni Esdel kung bakit ayaw ni Resha na mabanggit ang tungkol sa mga magulang niya. Patay na pala ang mga ito. Kaya siguro ayaw niya mabanggit para hindi siya lalong malungkot. Bakit nakakaramdam ako ng kurot sa dibdib ko? Dahil ba nasa katawan ako ni Resha at nararamdaman ko yung sakit na nararanasan niya para sa magulang niya? O dahil nalulungkot ako para sa kanya?
"A-anong dahilan?"
"Namatay po sila sa isang sunog sa barko na sinakyan nila. Kasama na po dun ang ama ni Duke Vale. Namatay din sa sunog."
Ano? Pati ama ni Duke Vale? Grabe pala ang nangyari sa buhay nila Resha at Duke Vale. Sobrang nakakalungkot.
BINABASA MO ANG
Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)
RomanceRenalee Lustros is a woman who only want is to be free. To do that no one can control her or dictate her. Paano na lang kung isang araw ay paggising niya nasa ibang lugar na siya? Isang lugar na malayong malayo sa kanyang pinanggalingan. At sa kany...