CHAPTER XIX

425 21 5
                                    

Renalee's POV

Tinulungan ako ni Esdel na ayusin ang pagsusuot ko ng damit kasi hindi ko alam kung paano ilagay ang mga laces ng dress na sinusuot ko. May mga normal dress naman akong nasusuot pero yung ganitong dress na ang daming tela na ilalagay bago matapos, nakakapagod gawin.

"Matanong lang kita, Esdel. Noong matagal akong comatose--este humimlay. Yung matagal na walang malay. Anong nangyayari dito?"tanong ko sa kanya. Tumigil ito sa pag aayos ng aking damit saka tumingin ng diretso sa akin.

"Madami pong nagbago simula na humimlay kayo dahil sa isang pangyayari. Kahit sino sa amin ay walang nakakaalam kung bakit kayo nawalan ng malay ng matagal at kung ano ang nangyari. Kaya ang Mahal na Duke ay gumawa ng paraan para alamin iyon."sabi nito.

Bigla tuloy ako naintriga sa nangyari kay Resha. Ako, alam ko kung ano nangyari sa akin. May masasagasa sa aking truck tapos boom--paggising ko andito na ako. Kaya iyon ang problema ko. Kung paano ano napunta dito at bakit nangyayari sa amin ni Resha ito ngayon.

Ang daming mga tanong at mga bagay na pumapasok sa isip ko. Mga bagay na gusto ko malaman. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Sa dami ng nangyari nitong simula na nagising ako, wala pa din akong nalalaman kung bakit ako nandito at sa katawan ni Resha.

"Hayyyy!"agad akong napahiga sa kama matapos akong ayusan ni Esdel.

"Wala po ba kayong naaalala sa nangyari sa inyo,Lady Resha? Kahit kaunti?"tanong ni Esdel sa akin. Nagdadalawang isip akong sabihin sa kanya kung ano dapat sabihin.

"Wala eh. Kahit ano wala."sabi ko na lang sa kanya. Alangan naman na meron kasi malay ko nga sa buhay ni Resha at sa lugar na ito.

Napatingin kaming dalawa ni Esdel na may kumatok sa pinto. Kaya kaagad akong bumangon sa pagkakahiga ko.

"Sino yan?"tanong ko.

"Si Duke Vale ito."napahinga ako ng malalim ng malaman kung sino iyon. Nakaramdam ako ng kaba bigla. Napasok bigla sa isip ko yung mga kilos at ugali na nakita ko kanina sa kanya. Hindi ko alam pero parang kinakabahan na ewan. Para akong natatae ang feeling.

Bumukas ang pinto saka pumasok si Duke Vale. Sa itsura niya ay parang bumalik sa dati kong nakikitang itsura ngayon si Duke Vale. Hindi na katulad kanina na galit at mukhang mangangain na ng tao.

"Esdel. Maiwan mo muna kami ni Lady Resha."sabi niya. Yumuko si Esdel sa amin saka ito lumabas ng kwarto.

Kaming kadalawa na lang naiwan ng Duke. Ilang minuto ang lumipas at walang nag iimikan sa aming dalawa.

"Kamusta ka? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"tanong niya bigla kaya napatingin ako dito.

"Umm.....Oo. Maayos naman. Kamusta ang bata?"tanong ko sa kanya.

"Maayos naman siya. Bahala na muna sa kanya ang mga kawal at bukas ay magpapasiya ang mga nasa konseho sa kanya."sabi niya. Alam ko na may mali sa ginawa ng bata at ang kinalulungkot ko lang ay yung dahilan ng bata kung bakit niya magawa iyon. Kaya todo pigil ako kay Duke Vale sa balak niyang gawin sa bata.

"Ganun ba."maikling sabi ko.

Sa sitwasyon namin ngayon, para kaming mga magjowa na nakagkilala sa internet tapos awkward kapag nagkita sa personal. Parang ganun ang feeling. Medyo awkward ngayon. Dahil na rin siguro sa nangyari kanina.

"Paumanhin."sabi niya. Kita ko ang sincere sa sinabi niya habang nakatingin sa akin. Parang mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung sa kinakabahan ba ako or what.

"Para saan naman?"

"Kanina. Alam ko na natakot kita sa aking pagsigaw."sabi niya. Lumapit siya sa akin saka umupo sa tabi ko pero medyo malayo kami sa isa't isa. Mga 1 metro ang layo. Parang siya pa ang natakot sakin dahil ang layo niya.

"Okay lang yun. Wala yun. Nabigla lang ako pero okay na naman."

"Mabuti naman. Sobra lang ang pag-aalala ko kaya ko nagawa iyon. Paumanhin."ngumiti lang ako bahagya sa narinig ko.

Kahit hindi ko pa siya lubos na nakikilala tulad ni Resha na sadyang mas kilala siya, sa ngayon ay unti unti kong nakikita ang mga ugaling pinapakita niya sakin ngayon. Hindi ko man alam ang ugali at mga bagay sa kanya pero mas nakikilala ko siya ngayon.

"Bakit ba ang layo mo sakin?"sabi ko na biglang itong tumingin sa akin.

"Ah...baka kasi natatakot ka na naman sa akin."sabi nito. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa itsura niya. Para siyang aso na sobrang tapang kanina tapos biglang umamo.

"Parang ikaw pa ang mas takot sa akin eh. Tingnan mo, ang layo layo mo sakin."natatawang sabi ko dito.

"Natatakot kasi ako na lumayo ang loob mo sakin matapos sa nangyari kanina."tumikhim ako at unting lumapit sa kanya.

"Alam mo, hindi talaga kita kilala eh. Wala akong alam tungkol sa iyo. Kaya hindi ako aware sa mga ugali mo."sabi ko. Tumingin lang siya sa akin.

"Pero hindi naman iyon ang dahilan para lumayo ako sayo dahil lang sa hindi kita kilala ng lubusan at dahil lang sa pagsigaw mo sa akin. Kahit kelan ay hindi ako lalayo sa iyo dahil ikaw ang taong nandyan sa akin mula sa paggising ko."sabi ko pa saka ngumiti.

Sa mga sinabi ko, nakita ko ang pagngiti niya. Yung ngiti na pinapakita niya sa akin. Ngayon ko napagtatanto na unti unti nagbabago ang emosyon sa mga mata niya. Hindi na tulad ng nakaraan na halos walang kaemo-emosyon.

"Nagagalak ako sa mga sinabi mo. Alam ko na kahit nawalan ka ng alaala ay hindi parin nawawala sa iyo ang pagiging maunawain. Masaya ako na ikaw ang taong mas nakakaunawa sa akin. Ikaw lang ang taong nandyan sa akin."sabi pa niya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng lungkot ng maalala ko yung mga buhay ni Resha at ni Duke Vale.

Parehas silang nawalan ng magulang. Na sa iisang aksidente ay parehas silang nagdusa at hinarap ang hamon ng buhay mag isa.

"Duke Vale...."

"Hmm? Ano iyon?"

"Maari mo bang ikwento sa akin ang buhay mo at buhay ni Resha? Yung buhay niyong dalawa. Gusto ko malaman dahil alam mo naman na wala akong alaala. Lalo na't nabanggit mo na ikaw at ako ay ikakasal."sabi ko dito. Kahit sabihin ko na hindi talaga ako si Resha at ibang Resha ang kaharap nila, hindi sila maniniwala dahil nasa katawan ako ni Resha.

At kung maniwala man sila, baka hindi ko na alam ang mangyayari sa akin dito.

"Resha.......ilang araw pa lang ang nakakalipas nang ikaw ay nagising galing sa pagkakahimlay mo kaya may mga bagay kang gusto malaman. Handa naman ako sabihin lahat iyon sa iyo."sabi niya.

"Pero hindi muna ngayon."dagdag pa nito. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Hays! Ano ba yan! Dyan ako naiinis sa iyo. May pasuspense ka pa. Laging hindi muna ngayon. Tss."maktol ko. Narinig ko ang paghagikgik niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano?! Tapos ngayon tatawa tawa ka? Anong nakakatawa? Lakas mag iba ng mood mo ah."sabi ko dito. Kita ko pa din yung mukha niya na nakangisi na parang nagpipilit na tumawa.

"Natutuwa ako dahil hindi ako makapaniwala na nagbago ang mga kinikilos mo kesa dati."sabi niya.

"Eh may masama ba dun? Pwede naman magbago ang tao ah!"sabi ko. Ngumiti siya at unti unti niyang nilapit ang mukha sa akin.

"Pero mas gusto ko kung ano ka ngayon."sabi niya kaya natigilan ako. A-ano daw?? Mas ngumiti pa ito lalo saka tumayo at ginulo ang buhok ko.

"Bukas. Mamamasyal tayo at doon ko sasabihin sa iyo. Magpahinga kana dahil maaga tayo bukas."sabi niya saka naglakad papunta sa pintuan at lumabas.

Ano daw ulit ang sinabi niya? Parang medyo nagloloading pa yung sinabi niya kanina. Ano ba yan!!!

"Pero mas gusto ko kung ano ka ngayon."

Ahhhh! Hindi ko alam parang may nakiliti sa akin nang sabihin niya iyon. Syeeet!

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon