CHAPTER XVI

477 22 0
                                    

Renalee's POV

Akala ko ba mabilis lang siya. Parang balak pa ata niyang doon na matulog ah. Hays. Naboboring ako dito.

Masaya naman dito kasi may mga tugtugin at maingay din kasi naririnig mo ang mga kwentuhan ng mga tao dito. Pero naboboring ako kasi malay ko ba sa lugar na ito. Wala nga akong kilala.

"Nag-iisa ka ngayon,Lady Resha."napatingin naman ako sa aking likuran dahil may biglang nagsalita. Si Prinsipe Clovis.

"Ah. Prinsipe Clovis."banggit ko. Ngumiti ito sa akin saka umupo sa tabi ko. Grabe sa gwapo ng lalaking ito sa malapitan. Napakaputi niya at makinis. Parang koreano ang kutis niya. Ang haba ng buhok niya. Siya lang ang lalaking mahaba ang buhok na nakita ko dito.

"Nakakagalak naman at nakikilala mo ako."sabi nito habang nakangiti pa din.

"Hehe. Narinig ko kasi kay Duke Vale. Pero I don't remember you."sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo nito.

"Nasaan si Duke Vale? Hindi ko siya nakikita."

"Umalis kasi siya at hindi ko alam kung saan nagpunta kaya hinihintay ko na lang siya dito."sabi ko. Ewan ko ba. Naiilang ako sa lalaking ito. Grabe kung makatitig. Matutunaw ako sa kakatitig niya.

"Ganun ba. Mabuti naman at may pagkakataon ako na makausap ka. Kamusta ka na?"sabi niya.

"Eto. Buhay pa din. Kita mo naman. Hahaha."

"Nag-iba ka ngayon. Parang hindi ikaw yung Resha na nakilala ko. Ibang iba."sabi niya. Napalunok ako sa sinabi niya. Oh my! Baka ito yung sinasabi nila na kahit anong tago mo ay lalabas at lalabas pa din ang totoo.

"Hehe. Ako pa naman ito. Nawalan lang nang alaala."sabi ko. Kinakabahan ako ha. Parang iba ang dating kapag siya ang nagduda. Nakakatakot siya.

"Naaalala mo ba kung sino ako? Kung ano ako?"napatingin ako sa kanya ng bigla siyang magseryoso.

"Umm.....di ba.....prinsipe ka? Si Clovis?"nauutal na sabi ko. Sobrang lakas na ng kabog g dibdib ko. Nakakatense kasama siya.

"Hindi sa pangalan lang. Alam ko na kilala mo ako, Resha. Kilalang kilala."sabi niya at unti unting lumalapit sa akin. Pinagpapawisan na ako dahil sa kinikilos niya at sa kaba. Kanina parang ang bait niya pero parang biglang nag-iba ang expression niya.

"U-umm......"

"Kamahalan."napatingin kami parehas ng biglang lumapit sa akin ang isang lalaki. Umayos ng upo bigla si Prinsipe Clovis.

"Ano ang iyong kailangan?"

"Nandito po si Baron Davis. Nais po kayong makaharap."Tumayo ang Prinsipe at saka inayos ang kanyang suot na coat. Humarap ito sa akin.

"Maiwan muna kita, Lady Resha. Salamat sa kaunting oras na pag-uusap."sabi nito saka yumuko at umalis na.

"Hayyy."napahinga ako ng malalim ng makaalis ito.

Grabe. Parang sasabog ang puso ko dahil doon. Nakakatakot ang sinabi niya. Parang may gustong ipahiwatig na ewan. Wala siyang magagawa kung wala akong maalala sa kanya dahil wala naman talaga. Hindi ang totoong Resha ang kaharap nila. Hay! Gusto ko na tuloy bumalik sa dati.

"Makalabas nga muna. Ang init tuloy ng pakiramdam ko."dahil sa nangyari kanina. Pinagpawisan ako ng malala. Lumabas muna ako para magpahangin.

"Ang sarap ng hangin."naglakad lakad ako sa labas at sa aking paglalakad ay may natanaw akong lawa.

"Wow."Ang lawak ng sakop ng lawa. Kahit gabi na ay maganda ang itsura ng lawa. Malinis at kumikinang dahil sa liwanag.

Lumapit ako sa lawa at umupo sa tabi nito. Inayos ko muna ang damit kong suot dahil baka mabasa. Sinubukan kong ilapat ang aking kamay sa tubig ng lawa.

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon