Renalee's POV
"Lady Resha. Buksan niyo po ang pinto at hinihintay na kayo ng Mahal na Duke."sabi ni Esdel habang kinakatok ang pinto.
Isang oras na akong nasa loob ng kwarto ko habang pinagmamasdan ang aking sarili. Ngayon kasi ang araw na aalis kami. Pupuntahan daw namin ang mga magulang ni Resha. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Malay ko ba baka may gawing masama sa akin ang lalaking yun.
"Lady Resha!"
"Renalee! That's my name!"sigaw ko.
Wala pati akong tulog dahil iniisip ko kung paano ako makakabalik. Atsaka hindi ako mapakali sa lugar na ito eh. Nagtaka ako na biglang tumahimik si Esdel sa pagkatok sa labas.
"Suko na agad siya?"sabi ko. Hirap akong tumayo dahil ang bigat ng suot kong damit. Ano bang dress 'to at ang daming patong patong na tela na nakalagay sa damit. May panecklace pa. Pero infairness, ang ganda. May mga diamond. Tunay kaya 'to?
"Ay kabayong aso!"nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng paglapit ko dito. Bumungad sa akin si Duke Vale na seryoso ang mukha.
"Ano ka ba?! Balak mo atang sirain ang pinto!"sigaw ko sa kanya habang hawak ang dibdib ko dahil sa gulat.
"Paumanhin,Lady Resha. Tinawag ko na po ang Mahal na Duke para palabasin kayo sa inyong silid."sabi ni Esdel. Hays. Wala na akong magagawa. Nandito na ang lalaking ito. Grabe. Nakakatakot ang tingin niya ha!
"Ngayon lang ako nakaranas na paghintayin ng matagal."sabi ng Duke.
"Wow ha! Isang oras lang naman yun. Akala mo ay kalahating araw ka naghintay."sabi ko sa kanya. Kita ko kung paano kumunot ang noo niya. Napalunok ako bigla. Bakit ba lalong nagwapo ang mukha nito paggalit siya?
"Ikaw lang ang gumawa sakin nun. Baka gusto mo lang na lagi kitang sinusundo sa silid mo?"sabi niya at unti unting lumapit sakin. Anong balak gawin sakin ng lalaking ito?
"O-oy! Lumayo ka nga!"saad ko pero di siya nakikinig at patuloy padin sa pag lapit sakin. Ngumisi lang ito sa akin.
"Sabi ko na sa iyo na magsama na tayo sa iisang silid para sabay na tayong naalis. Sabagay magiging mag-asawa na----"agad kong tinakpan ang bibig niya kaya nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.
"AHHHH! Stop! Ayoko talagang naririnig yang word na asawa. No way na mapapangasawa kita. Kahit gwapo ka. Never!"sabi ko sa kanya. Aba! Bata pa ako para mag-asawa no! Kahit matanda na ang Resha na kinatatayuan ko ngayon ay it's a no.
Napansin ko na kanina pa nakatakip ang bibig niya kaya tinanggal ko agad ang kamay ko sa bibig niya. Halata pa din sa mukha niya ang gulat.
"Sorry. Ikaw kasi eh."
"Bilisan mo. Ayokong pinaghihintay ako ng matagal."sabi niya at lumabas na ng kwarto. Hmp! Ang sungit niya ha. Kanina lang ang lakas niyang tuksuhin ako tapos magsusungit sungit siya ngayon.
"Lady Resha! Ano ba yang ginagawa niyo? Mabuti na lang at mabait ang Duke. Hindi lang po isang oras siya naghintay sa inyo. Kanina pa pong umaga bago sumikat ang araw."sabi ni Esdel pagkalapit sakin. Nanlaki ang mata ko.
"What?! Ganun kaaga? Ang excited niya umalis ha."sabi ko.
"Ayan na naman kayo sa mga salitang hindi maintindihan. Halina at maggayak na tayo sa pag-alis niyo."sabi niya at inalalayan ako.
Grabe siya ha. Ganun kaaga siya naghintay? Ang tagal nun. Bakit hindi naman niya sinabi kung anong oras? Mga 6:00 sharp. Mga ganun? Hay! Hindi ko maintindihan ang lalaking iyon.
Duke Vale's POV
Nang makalabas ako sa silid ni Resha ay hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Simula pa kahapon ay iba na ang kanyang kinikilos. Simula ng nagising siya ay ganun na ang kilos niya. Kakaiba. Ibang iba sa dati niyang mga kilos.
Napahawak ako sa aking bibig. Ngayon lang niya ako nahawakan. Sa buong buhay na nakilala ko siya ay ngayon lang niya ako nahawakan. Matagal ko nang kilala si Resha. Isa siya sa mga mayayaman na anak ng Larke. Anak din siya ng Konde ng Larke na kaibigan ng aking Ama.
Tahimik na babae si Resha at hindi siya nakikihalubilo sa mga tao dito sa Emperyo. Kaya bihira ko siya kung makausap. Kaya nung nagising siya ay laking taka ko na ganoon ang kanyang mga salita at kilos. Parang hindi siya si Resha.
"Mahal na Duke. Aalis na po ba tayo?"tanong sa akin ni Ministro Feron. Ang lagi kong kasama kapag naalis ako ng emperyo.
"Hindi pa. Maghahanda pa lang si Lady Resha."sabi ko ng makalabas ako ng kanyang tuluyan.
"Nakakatuwa at nagising si Lady Resha."sabi niya.
"Tama ka. Kahit papaano ay maayos na ang kalagayan niya."
"Ngunit nitong nagising siya ay nakapasigla niya at paumanhin sa sasabihin ko. Maingay siya at matigas ang ulo."natawa ako sa kanyang sinabi.
Tama ang kanyang sinabi. Ang hilig niyang sumigaw at malikot ang kanyang mga kilos. Hindi tulad dati na tahimik at napakahinhin. Sabi sakin ng manggagamot ay dahil siguro sa kanyang pagkahimlay ng matagal. At dahil din sa nawalan ito ng alaala. Nangamba ako sa kanyang sitwasyon.
Ang saklap ng kanyang dinanas para magkaganun ang kanyang sitwasyon. Ang mawalan ng malay sa loob ng kalahating taon. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang mga nangyari. May parte sa akin na natuwa sa pagkawala ng alaala niya para makalimutan ang mga masalimuot na nangyari sa kanya.
"Ayoko na sa mundong ito. Napakalupit. Wala kang malulugaran."
Yan ang pinakatumatak sa akin. Ang huling sulat na mabasa ko sa kanyang paboritong libro na hanggang ngayon ay nasa akin habang nakahimlay siya ng matagal.
"Alam na ba ni Lady Resha? Nasabi na niyo ang tungkol sa nangyari?"tanong ni Ministro.
"Hindi pa. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya. Lalo na't kakagising pa lang niya."sabi ko.
"May punto kayo. Pero dapat sa tamang panahon na yun ay maayos na ang kalagayan niya. Kahit alam natin na hindi ka niya....."
"Alam ko. Huwag kang mag-alala. Nakahanda na ako. Hangga't narito pa ako sa tabi niya."sabi ko sa kanya.
Matagal ko nang hinanda ang sarili at damdamin ko sa lahat. Na alam kong hindi ako ang dapat.
BINABASA MO ANG
Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)
RomanceRenalee Lustros is a woman who only want is to be free. To do that no one can control her or dictate her. Paano na lang kung isang araw ay paggising niya nasa ibang lugar na siya? Isang lugar na malayong malayo sa kanyang pinanggalingan. At sa kany...