CHAPTER XXVII

214 9 0
                                    

Duke Vale's Pov

Malapit na ang araw ng aking pinaghahandaan. Dalawang araw na lang ay sasakupin ng mga bandido ang Motte at hindi ko hahayaang mangyari iyon.

"Nakahanda na ba ang lahat?"tanong ko sa General ng kawal ng Larke. Kasama ko siyang patungo sa silid ng Mahal na Hari upang pag-usapan ang mga bagay para sa paghahanda.

"Nakahanda na po ang lahat. Kahit mga armas ay nakahanda na din at mga lugar na dapat bantayan."

"Mabuti kung ganun. Si Leander? Sinabi mo ba ang pinag-uutos ko sa kanya?"tanong ko dito.

"Opo. Kaagad po siyang pumunta kay Lady Resha ayon sa bilin niyo."sabi nito. Nakahinga ako ng maluwag sa aking narinig. Sa ngayong paghahanda namin ay hindi ko masasabi na makakasama ako ni Resha ngayon dahil sa pinag-uutos ng Kamahalan. Kaya nakausap ko si Leander para sa kanyang gagawin habang wala ako.

Matapos ang pag-uusap namin ni Resha ay nagtungo ako agad sa lugar na kung saan magtatagpo kami ni Leander. May mga bagay akong dapat ipagawa sa kanya habang naghahanda kami sa gaganaping pagsakop ng mga bandido at ni Casimir sa Motte.

Nakasisiguro ako na may dahilan kung bakit nila sasakupin iyon. Tanaw ko agad si Leander na nakaupo sa tabing halamanan at waring malalim ang iniisip. Alam kong hindi ko lubos pang kilala ang batang ito pero alam ko na mabait itong bata.

"Huwag kang masyadong mag-alala. May tao na akong inutusan upang magmatyag sa kampo nila para bantayan ang iyong ina."sabi ko agad sa kanya ng makalapit ako. Umupo ako sa upuan at inabot sa kanyang ang kahon na aking dala.

"Ano po ito?"tanong niya.

"Isa iyang punyal. Matagal ng nakatago iyan sa akin kaya ibinibigay ko na sa iyo."sabi ko dito. Binuksan niya ang kahon saka dahan dahang hinawakan ang punyal na ibinigay ko. Kita sa mukha nito ang pagkamangha habang pinagmamasdan ang punyal.

"Napakaganda. Magaan siyang hawakan."tuwang sabi nito. Nasa tamang edad na siya kaya maari na siyang humawak ng isang armas na maaari niyang gamitin kapag kinakailangan.

"Ingatan mo iyan dahil magagamit mo iyan kapag kailangan."

"M-maraming Salamat po. Ang dami niyo nang naitulong sa akin."

"Wala iyon. Sa mga bagay na napag-usapan natin tungkol sa balak ng hukbo ni Casimir ay naging isa kang malaking tulong sa akin."sabi ko dito. Malaking tulong ang mga sinabi niya upang mapaghandaan namin ang paglusob ng bandido sa Motte.

Matagal ko ng kilala si Casimir dahil maraming beses na kaming magpanagpo sa iba't ibang lugar dahil sa paglilibot ko upang alamin ang mga ugnayan ng Emperyo sa ibang lugar.

Sa tuwing napunta ako sa lugar na kaugnayan ng Emperyo ng Larke ay iyon din ang lugar na nais niyang sakupin ito. Masasabi kong malakas siyang pinuno dahil daming tauhan nitong kasama lalo na may mga armas itong higit na malakas at kakaiba na kayang higitan ang armas ng Emperyo.

Itinuturing niya akong mortal na kaaway dahil sa ako ang sagabal sa mga balak niya. At kahit kelan ay hindi siya manalo sa aming paglalaban. Kaya malaki ang kasiguraduhan na matatalo ko siya sa laban na ito.

"May isa din pong lalaki na hindi ko kilala ang palagi niyang kausap."

"Lalaki?"

"Opo. Naririnig ko ang tungkol sa Motte. Pati po.....si Lady Resha."nagulat ako sa kanyang sinabi.

"Anong dahilan para masabwat si Resha?"

"Wala po akong alam. Hindi naging malinaw sa akin ang kanilang pag-uusap kaya iyon lamang ang aking narinig."

"Hindi mo ba namumukhaan ang lalaking iyon?"tanong ko sa kanya.

"Hindi po. Pero may isang bagay akong nakita sa kanya."

"Ano iyon?"

"Palawit po na kulay pulang perlas."

Pulang perlas? Inisip ko kung sino ang taong may ganoong alahas. Sino ang taong iyon? May isang taong alam ako na si Resha ang kinalaman pero yung taong nasabi ni Leander na may palawit na pulang perlas, hindi ko matukoy.

Isa lang taong pinaghihinalaan ko pero hindi ko pa masasabi kung sigurado ako. Sa oras na malaman ko na siya talaga. Hinding hindi ako mag-aatubili na pumatay.

"Mahal na Duke."napatingin kaming dalawa ni Leander sa kawal na dumating.

"Ano ang iyong nais?"

"Pinapatawag po kayo ng Kamahalan."sabi nito. Kaagad akong tumayo para puntahan ang Kamahalan. Alam ko na ang dahilan ng kanyang pagtawag.

"Leander. Mamaya ay may iuutos ako sa iyo. Pagkakatiwalaan kita."sabi ko dito. Yumuko ito habang ang kamay ay nasa dibdib.

"Huwag kayong mag-alala, Mahal na Duke. Hindi ko sisirain ang ating pinagkasunduan at ang inyong tiwala."sabi nito. Tumango ako saka iniwan na siya at sinundan ang kawal sa pag-alis.

May nararamdaman akong marahil na madamay si Resha sa mangyayari. Pinagkakatiwalaan ko ngayon si Leander para bantayan si Resha. Alam ko din na nais niyang makausap si Leander dahil sa nangyari noong nakaraang araw.

Nang makarating kami sa silid ng Kamahalaan ay nagtaka ako sa daming kawal na nakabantay sa labas. Palaging dalawang kawal lamang ang nakabantay dito ngunit nakakapagtaka na nadagdagan ng ilang mga kawal dito sa labas.

"Anong meron at madaming kawal dito?"tanong ko sa Heneral.

"Hindi ko din po alam. Walang nasabi ang Kamahalan tungkol dito."sabi niya. Nabahala ako bigla sa nangyayari. Yumuko bilang pagbati ang mga kawal sa aming pagdating.

"Nandito na po ang Duke ng Sumer at ang Heneral ng mga Kawal."sambit ng isang kawal saka nila sabay na binuksan ang pinto. Napatingin ako bigla sa isang taong nakaupo sa harap ng Kamahalan.

Sinasabi ko na nga ba. May hindi ako magugustuhan sa mangyayaring ito.

"Ah! Nandito ka na, Duke Vale."galak na bati ng Mahal na Hari ng makapasok kami sa silid.

"Hindi ko akalain na magkakasama muli tayo sa isang laban, Duke Vale."saglit na kumunot ang noo ko ng malaman na si Prinsipe Clovis ang taong iyon. Umupo ako sa tapat nito at binigyan ng isang matalim na tingin.

"Alam kong matagal na kayong magkakilala kaya napag-isipan kong isama ang Prinsipe na gaganaping pagdedepensa sa Motte."sabi ng Kamahalan.

"Wala namang akong pakialam kung kasama ang Prinsipe, Kamahalan. Ang suliranin ko lamang ay baka hindi maging maganda ang mangyayaring labanan sa Motte dahil may nalalaman ako kung sino ang puno't dulo nito."sabi ko habang nakatingin sa Prinsipe.

Sa pagtagal ay unti-unti kong nalalaman ang mga gawain mo, Prinsipe Clovis. Sa panahong malaman ko ang lahat, higit pa sa parusa ng Emperyo ang matatamasa mo. Ako mismo ang magpaparanas ng impyerno sa iyo.

"Magaling kung ganun. Nasa iyo, Duke Vale at sa inyo nakasalalay ang bayan ng Motte. Kapag bumagsak ito parang kalahati na din ng Emperyo ang nawala. Malaking tulong din sa iyo si Prinsipe Clovis para sa gagawing depensa."

"Mukhang isang malaking labanan itong mangyayari,Duke Vale."nakangising sabi ni Prinsipe Clovis.

"Umaayon ako sa sinasabi mo, Prinsipe Clovis. Isang labanan na isa lamang ang magwawagi."

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon