Duke Vale's POV
"Mahal na Duke, nakahanda na po ang iyong mga gamit para sa huling pag-eensayo."rinig kong sabi ng isang dama.
Mabilis kong inayos ang aking pananamit habang nakaharap sa salamin. Ngayon na ang huling araw para sa paghahanda. Hindi ko alam kung kailan magsisimulang manakop ang mga bandido kaya mas mainam na maaga naming babantayan ang Motte sakaling mag-iba ng plano ng oras ang mga iyon sa pagsakop.
Kilala ko si Casimir. Isa siyang matalinong tao. Alam niya ang mga hakbang na ginagawa niya. Lahat pinag-isipan. Malaki din ang galit nito sakin dahil ako mismo ang sumira ng mukha niya noong panahon na balak kong sirain ang kanilang kuta. Minsan ko na siyang makalaban na halos parang walang bukas. Na sa isang peklat sa kanyang kilay na ako ang dahilan para magbago ang kanyang itsura.
Isa lang ang bagay na aking kailangang malaman sa kanya. Bakit niya nais kunin si Resha? Anong bagay ang kinalaman nila ni Clovis at dinadamay si Resha?
"Mahal na Duke, may bisita po kayo."rinig kong sabi ng Dama. Patapos na ako sa paglilinis ng aking armas kaya itinigil ko muna ito.
"Sige. Papasukin mo."
Nang bumukas ang pinto, kumunot agad ang noo ko ng makita kung sino ang aking bisita. Ano na namang kailangan niya dito?
"Duke Vale. Magandang araw sa iyo."bati sakin ng Reyna. Tumayo ako saglit saka yumuko bilang paggalang.
"Ano ang sadya mo dito?"
"Nasabi sakin na sa makalawa na ang inyong pag-alis papuntang Motte."sabi niya. Umupo ito at pinalabas ang kanyang mga Dama.
Ilang beses na siyang dumadalaw sa aking pamamahay nang walang pasintabi. Hindi ko alam kung ano ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ito. Simula nung umalis siya sa pamilya namin, iyon na din ang huli na naming pagkikita at pag- uusap.
"Wala ka bang nais sabihin bago ka umalis? Alam ko na mahigpit ang inyong gagawin ngayon lalo na't utos ng Hari. At walang kasiguraduhan na makakabalik ka pa."sabi nito.
"Ano ang iyong pakialam sa mga gagawin ko? Hindi ba iyon ang nais mo? Ikaw ang nag-uutos sa Mahal na Hari na ako ang laging isugo mo sa mga gyera. Alam ko lahat tungkol dun."sabi ko sa kanya. Kita sa mata niya na hindi siya natinag sa aking mga sinabi. Inaaasahan na niyang malalaman ko ang mga tinatago niya.
Ilang araw nung magising si Resha ay may pinadalang sulat sakin ang isang Dama na nakatira sa palasyo ng Larke. Hindi ko lang alam kung bakit niya binigay ang sulat na iyon. Nung una ay hindi ako naniniwala pero isang salita ang nagpalinaw sakin para kunin ang sulat na iyon.
"Ang sulat na ito ay patungkol sa Reyna. Maikling sulat man ito, alam ko na makakatulong ito sa inyo."
Kaya hindi nakakapagtaka na may mga bagay na hindi inaasahang mangyari sakin lalo na't utos ng Mahal na Hari. At hindi ko maisip na ang may dahilan ng mga iyon ay ang Reyna. Ang aking ina. Ano ang kanyang binabalak? Bakit niya ginagawa sakin ito?
Alam ko na mas makapangyarihan siya sakin. Gagawin niya lahat ng gusto niya kahit isang turo man lang. Kaya kahit humiling siya sa Hari ay kaya niyang pagbigyan ito. Iyon ang nais ng Reyna. Makuha ang gusto niya. Masunod ang mga luho. Maging makapangyarihan. Na kelan man ay hindi kayang ibigay ni Ama noong isang Konde pa lamang siya. Isang Konde na mahirap pa kahit sa isang Baron.
"Hindi nakakagulat at madali mong malalaman ang mga iyon, Duke Vale. Matalino ka. Masasabi kong nagmana ka sakin. Mag-Ina nga tayo."
"Huwag mong sabihin ang mga salitang iyan! Mula noong umalis ka hanggang ngayon ay inalis ko na ang ugnayan natin. Hinding hindi kita ituturing na Ina. Hiling ko sana ay huwag ka nang pupunta sa lugar ko. Ang pagkakaalala ko ay ayaw mo sa lugar na ito? Ano pang dahilan para magpabalik-balik pa dito?"giit kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)
RomansaRenalee Lustros is a woman who only want is to be free. To do that no one can control her or dictate her. Paano na lang kung isang araw ay paggising niya nasa ibang lugar na siya? Isang lugar na malayong malayo sa kanyang pinanggalingan. At sa kany...