Third Person's POV
"Kamahalan. Kamusta kayo diyan?"tanong ng isang kawal habang nakatingin sa karwahe.
"Sahil. Pang ilan beses mo na akong tinatanong. Ilang beses ko na din kitang sasagutin na maayos lang ako."sagot nito saka hinawi ang kurtina ng bintana. Tiningnan niya ang bawat daan na nakikita.
"Nakakatuwa lang at matagal din bago ako makalabas ng lungsod."
"Mahabang panahon din, Kamahalan. At ngayon ay uuwi na kayo sa lugar kung saan kayo nagmula."
Ngumiti ito sa sinabi ng General sa kanya.
"Nagagalak ako at uuwi na ako. Bago tayo dumiretso sa kaharian ay may dadaanan muna ako."sabi niya.
"Saan naman iyon? Hindi kayo maaaring pumunta kung saan bigla dahil sasalubungin kayo ng Reyna."
"Huwag kang mag-alala,Sahil. Pupuntahan ko lang ang taong kilala ko. Ang taong matagal ko ng hindi nakikita."
Renalee's POV
Ilang oras na akong nakamukmok dito sa kwarto ko. Tumingin ako sa bintana at kita ko na madilim na. What?! Kaya pala kanina pang nakulo ang aking tiyan dahil gabi na. Gutom na ako!
Kainis naman. Bakit kasi walang wall clock na nakalagay dito?! Hindi ko tuloy alam kung anong oras na. Napahawak ako sa aking tiyan dahil panay ang iyak dahil gutom na.
"Hays! Makalabas nga at makahanap ng pagkain."lumabas ako ng room ko para maghanap ng makakain.
Iba din ang Duke na iyon. Hindi man lang ako dinalhan ng pagkain. Lupet ha.
"Saan ba ulit ang kusina dito?"napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko maalala kung saan ang kusina. Naku naman. Bakit ba kasi ang lawak lawak nito? Nakakahilo tuloy maghanap ng makakain.
Hinanap ko na lang ulit kung saan ang kusina dahil sobrang nagrereklamo na sa gutom ang dragon sa tiyan ko. Nagpalingon lingon ako sa bawat pinto at mga labasan kung saan makikita ko ang kusina.
Sa aking paglingon ay may nahagip ng aking mata ang isang labasan na kung saan madaming bench na nakalagay. Madami din puno ang mga nakalagay doon. Nakita ko na may isang lalaki na nakaupo dun.
Si Duke Vale yun ah.
Ano namang ginagawa niya dun sa gabing oras? Grabe makasenti. Naglakad ako palabas at lumapit kung nasaan siya.
"Grabe ang lamig!"nanginig ako dahil sa biglang lakas ng hangin. Ang lamig sa lugar na ito. Lalo na't madami pang puno.
"Oy!"sigaw ko ng medyo malapit na ako sa kanyang pwesto. Lumingon ito sa akin. Kita ko ang gulat sa kaniyang mata.
"Anong ginagawa mo dito?!"takang tanong niya. Lumapit ako sa kaniya. Nakatayo ako sa harap niya habang siya ay nakaupo at tunghay na nakatingin sa akin.
"Bawal bang pumarito? Nakita kita eh. Kaya lumapit ako."sabi ko sa kanya. Ang sungit ha. Matapos niyang magwalk-out kanina. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
May problema ata ito. Lakas makabuntong hininga. Kita din sa mukha niya na may problema dahil sa lungkot na nakikita ko sa mata niya. Kahit seryoso, galit o ngumiti man lang siya kahit kaunti ay makikita pa din sa mga mata niya ang lungkot.
"May problema ka ba?"tanong ko dito. Tumingin siya sa akin. Halos matagal ang titig niya sa akin. Teka. May pangit ba sa mukha ko at ang tagal niya tumitig.
"Wala."tipid niyang sabi. Tumaas naman ang kilay ko kaya akma akong aalis dahil hahanapin ko pa ang kusina.
"Okay. Bye."sabi ko at tumalikod sa kaniya. Natigilan naman ako ng hawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)
RomanceRenalee Lustros is a woman who only want is to be free. To do that no one can control her or dictate her. Paano na lang kung isang araw ay paggising niya nasa ibang lugar na siya? Isang lugar na malayong malayo sa kanyang pinanggalingan. At sa kany...