CHAPTER XXVIII

199 13 0
                                    

Renalee's POV

"Binibini? Lady Resha? Lady Resha!"

"Ay Dukeng dukit!"nagulat ako bigla sa pagsigaw ni Esdel sakin.

"Ano ba,Esdel! Makasigaw ka naman. Parang magkakaheart attack ako sa iyo!"sabi ko dito. Lumapit ito sa akin saka naki-upo sa tabi ko.

"Paano ba naman,Lady Resha. Tingnan mo iyang mga damo. Balak mo bang ubusin ang mga damo dito sa hardin? Kanina ka pa nagbubunot habang malalim ang iniisip."

"Eh??!"bigla akong namula ng pumasok sa isip ko yung mga nangyari kanina nung magkasama kami ni Duke Vale. Hindi talaga mawala sa isip ko yung ginawa niya. Ayaw tumigil ng puso ko sa pagtibok.

"Ano?! Tinamaan kasi ako ng kasipagan kaya naisipan kong bunutin ang mga damo dito. Hehe."sabi ko saka tumayo at kinuha ang pamaypay para makalanghap ng hangin.

"Ho! Ang init naman."tumingin ako saglit kay Esdel na parang nagtataka. Bwisit kasi si Duke Vale. Bigla bigla gagawa ng ganung bagay na hindi ko inaasahan. Ganun agad ang bungad sa umaga ko.

"Kanina pa po kayo namumula noong nagkausap kayo ng Mahal na D--"pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Esdel. Alam ko na yung ang sasabihin niya.

"W-wala ito. Nasobrahan sa sikat ng araw ang mukha ko kaya nagkaganito."sabi ko sa kanya. Nakatitig lamang siya sakin na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

Napagawi ako sa direksyon na kung saan may dalawang tao na papalapit sa amin. Sumingkit ang aking mata para makita ng maigi kung sino yung paparating.

"Wait lang. Si Ministro Feron yun ah. Atsaka si......"nanlaki ang mata ko ng makita kung sino yung kasama niya. Si ano...... Teka. Sino nga ulit ang batang yun?

Basta! Yung batang balak kumidnap sa akin kaso epic fail. Anong ginagawa niya dito? At bakit magkasama sila ng apprentice ni Duke Vale?

"Magandang araw sa inyo, Lady Resha."bati samin ni Ministro Feron ng makalapit ito sa amin. Tumingin ako sa kanyang kasama. Yumuko ito at nagpakilala.

"Nakagagalak pong makilala kayo, Lady Resha. Ako po si Leander Baske."pakilala niya. Wow. Mas umayos ang itsura niya ng mabihisan ng maganda. Halos parang pulubi na siya noong nakaraan.

"Wow. Nakikilala mo pala ako. Ako yung babaeng balak mong kidnapin-este dakipin."sabi ko dito. Kaagad siyang tumunghay at nagulat ako ng bigla itong lumuhod na halos halikan na ang lupa. Hala!

"Humihingi po ako ng paumanhin sa aking nagawa. Alam ko pong hindi sapat na paghingi ng tawad ngunit handa akong gawin lahat ng inuutos niyo upang mabawasan ang kasalanan ko sa inyo."mabilis na sabi niya.

"Ano?! Totoo ba, Lady Resha?! Siya yung taong balak kayong dakipin? Sandali. Bibigyan kita ng parusa."galit na sabi ni Esdel at balak itong sugurin kaya kaagad ko siyang pinigilan.

"Hep hep! Kalma ka lang, Esdel. Okay na yun. Wala na sakin yun. Move on na. Alam ko naman na hindi niya gusto na gawin iyon."sabi ko. Humarap ako sa kanya saka tiningnan siya. Natameme ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa bilis niyang magsalita at lalo na nakaluhod siya sakin. Yumuko ako ng kaunti saka hinawakan ang balikat niya.

"Tumayo ka nga dyan! Okay lang sakin yun no. Atsaka wala ka namang ginawang masama sakin."sabi ko dito. Tumunhay ito at kita ko sa mukha niya na sincere siya sa mga sinabi niya.

"P-pero....."

"Ano ka ba. Wala iyon. Tutal nandito ka na din naman siguro ay nagkausap na kayo ni Duke Vale tungkol sa nangyari."sabi ko. Ngumiti ito saka tumayo. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya dahil katangkad niyang binata. Kung tutuusin mas gumandang lalaki siya dahil maayos ang kanyang damit at itsura. Glow up lang.

Marrying the Tyrant Duke | On-Going(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon